Chapter 49

137 10 22
                                    


Aaron's POV

( 3 messages receive )

2 : 00 pm

From : Ziepot :D

Nakalabas na si George sa ospital. Ayaw niya nga lang umuwi sa kanila. Nandito siya sa bahay namin.

4 : 30 pm

From : Ziepot :D

Anong oras out mo? Daan ka dito sa bahay. Para makasilay ka muna.  Hehehe!

5 : 00 pm

From: Ziepot :D

Nasa byahe kami ngayon papunta sa company niyo sa batangas. May nagtext kay George pinagtitripan daw si Ria ng mga bullies don. Malapit na kami. Sumunod ka agad!

Pagkabasa ko ng huling text na iyon ni Glauzie ay agad akong napatayo sa kinauupuan ko, dali-daling kinuha ang gamit ko at halos magtatakbo para lang madali kong marating ang elevator. Pagkababa ng elevator ay tumakbo ako ulit hanggang sa marating ang kotse ko sa parking area. Pagkasakay ko ng kotse ay agad kong inistart yon at umalis.

Hindi ko na kailangang mag reply pa dahil alam ko naman kung saan ko sila pupuntahan. Sanhi na din ng sobrang pag aalala ay wala na akong ibang maisip kundi ang makarating doon ng mabilis. Nag aalala kasi akong baka pati kay George ay may gawin sila. Pero kahit papaano naman ay hindi ako sobrang nababahala dahil kasama niya doon si Glauzie. Mula high school hanggang college ay magkakasama kami nila Jed at Glauzie na nag enrol sa isang martial arts school. Doon namin natutunan ang galing namin sa paglaban. Ilang beses na din kaming naglaban-laban pero nanatili akong pinaka mataas sa kanila. Sumunod sakin si Jed at nasa pang lima naman si Glauzie.

Naging mabilis naman ang simula ng byahe ko papunta doon.  Pero nang malapit na ako sa lilikuan ko pa batangas ay nagkaroon naman ng traffic sa daraanan ko.

"Chief! Anong nangyari? Bakit traffic?" Tanong ko nang may dumaang police sa may tabi ng sasakyan ko.

"May banggaan sir, bus at kotse. Nakahambalang sa gitna kaya nagtatraffic. Iniimbistigahan lang po muna ang nangyari kaya pahintay na lang po." Maayos nitong tugon.

"May iba pa bang pwedeng daanan? Kailangan ko lang kasi talagang makarating agad sa pupuntahan
ko." Tanong ko pa.

"Naku sir! Wala na po kayong ibang madadaanan. Kung iikot naman kayo ay mas lalo ka lang mapapalayo at matatagalan. Mabilis lang naman namin maaayos to sir kaya mas okay po kung maghintay na lang kayo dito kesa lalong mapalayo." Payo niya.

"Ah sige po. Salamat Chief!" Saad ko. Tumango naman siya at saka muling bumalik sa pinan

Sinunod ko naman ang sinabi niya na mag hintay na lang muna. Gustuhin ko mang makarating agad ay wala ng ibang mabilis na daan kundi ito. Habang nag hihintay ay kinuha ko muna ang phone ko. Pag bukas ko ng data ko ay nakareceive ako ng video mula kay George sa messenger.

Hindi pa kami friends sa fb kaya naman nasa message request pa ang message niya. Agad ko namang pinanood ang sinend niya at kitang kita ko naman doon kung paanong pinag tulungan si Ria. Verbal and physical abuse. Napahigpit ako ng kapit sa manibela ng sasakyan ko sa sobrang galit. Sa lahat ng pinaka ayoko ay ang mapang abuso ng kapwa. Porke mahina o hindi lumalaban hindi padin nararapat abusuhin at saktan ng ganoon!

'sisiguraduhin kong wala na kayong magiging trabaho sa kahit saan matapos nito!!

Matapos ko panoodin ang video ay lalo ko lang gustong makarating doon agad. Pero pinilit kong kalmahin ang sarili ko dahil baka kung ano pang magawa ko pag nakita ko anv mayayabang na yon lalo na ang lalaking sumuntok kay Ria sa video.
Kung hindi ako nag kakamali ay Arvin ang pangalan non. Ang nakahulog kay George nung team building at yung nag paalam pa saking gusto niyang pormahan si George.

THE ONE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon