Aaron's POV"I respect you. And nothing would ever change that. Not your past nor your present." Bulong ko sa kanya.
Hindi ko akalaing magagawa ko ang lahat ng ito ng wala man lang akong narinig na pagtutol sa kanya. Sobrang ganda niya ngayon sa suot niyang damit, sa ayos niya at sa tuwing titingnan ko siya ay nag susumigaw ang puso kong aminin na sa kanya ang nararamdaman ko.
Pero ayokong sa ganoong paraan ko lang gagawin yon. Dahil hindi lang sa kanya ko dapat ipakita ang respeto ko kundi lalo't higit sa magulang niya. Kaya hindi muna sa ngayon, gusto kong maging stable na ang lagay ng daddy niya at kapag okay na siyang talaga ay didiresto akong agad para sa kanya unang magsabi ng nararamdaman ko para kay George.
Sa ngayon, okay na muna ako sa ganito. Matinding saya ang nararamdaman ko dahil nakakasiguro akong may nararamdaman din siya para sakin. Hindi naman niya hahayaang gawin ko ang lahat ng to kung wala hindi ba?
Nagkakaroon na din ako ng idea sa ibang pinag daanan niya. Pero hihintayin kong siya mismo ang magsabi sakin. Sana isang araw ay pumayag siyang magpasama sakin na mag pagamot. Ano man ang nangyari noon sa kanya ay wala ng makapag babago sa pagmamahal at respeto ko sa kanya.
Pagkatapos namin manood ng cine ay agad ko siyang niyakag sa isang lugar na hindi naman na ganoon kalayo pero nakakarelax ang sunset sa lugar na iyon.
"Saan tayo sunod na pupunta? Bakit parang nag mamadali ka?" Tanong sakin ni George.
"Gusto ko kasing maabutan mo eh!" Tugon ko at saka siya nginitian.
Mag aalas singko imedya na at malapit na mangyari ang gusto kong makita niya kaya naman nag madali na akong agad.
"Baywalk?" Takang tanong niya ng makaparada ako malapit doon.
"Tara! Dali!" Anyaya ko at agad na bumaba para pag buksan siya ng pinto. Pagkabukas ng pinto ay inilahad kong agad ang kamay ko sa kanya hinawakan din naman niya iyon agad at nang mahawakan niya iyon ay hinila ko na siya.
Naupo kami sa bato doon kung saan may bakante pa. Marami-rami din ang mga tao dito kapag ganitong oras. Pare-parehong nag hihintay sa ganda ng paglubog ng araw.
"I want to show you how beautiful our sun sets!" Nakangiting sambit ko habang magkatabi kaming nakaupo sa may bato. Malapit na ang paglubog ng araw at halos maging orange na ang mga ulap at nag rereflect na ang ganda nito sa tubig. "Sunsets are proof that no matter what happens, everyday can end beautifully." Makuhulugang sabi ko.
"Minsan tinitingnan ko din ang paglubog niya mula sa condo ko. Pero parang mas malapit siya pag dito. Mas nakakarelax dahil nasasabayan pa siya ng tunog ng alon." Tugon niya sakin habang nakatingin sa napaka gandang araw.
"Did you know why sunset is more colorful than sunrise? It's an irony of life saying that "sometimes good things happen in goodbyes" iniinterpret ko yon as being able to let go of all your fears, anger, worries. Learn to forgive and to forget. Our Sun is teaching us that every sunset is an opportunity to reset and every sunrise is an opportunity to start again." Makahulugang saad ko. "Alam ko ang daming gumugulo sa isip mo ngayon. At alam kong ang dami mong gustong kimkimin sa loob mo. But I want you to let it all go so you will be able to reset and start again." Dagdag ko pa at tumingin sa kanya. Kita ko naman na biglang nalungkot ang kanyang mga mata at nagkaroon doon ng mga nanliligid na luha.
"Ganon nga lang ba kadaling gawin yon?" Tanong niya at tumingin din sakin. "Ang dami ko kasing galit at sakit na pinanghawakan na s'yang naging rason kung bakit naging matatag ako. Na siguro kung binitawan ko yon, wala ako dito ngayon dahil hindi naging ganito ka strong yung personality ko."
BINABASA MO ANG
THE ONE (COMPLETED)
RomanceIsang normal lamang na bata si Georgina kagaya ng iba ay masayahin siya, mabait at mapag mahal na anak. Pero nag bago ang lahat nang iwan silang mag ina ng kanyang ama na wala man lang iniwan ni isang dahilan. At doon na nag simulang maging masalimu...