George's POVAraw ngayon ng biyernes. Ito ang araw na pinasya kong pumunta sa Hacienda nila dad sa Bicol para makaharap si Lolo.
Kasalukuyan na kaming nasa byahe ni Aaron papunta sa bahay namin. Dumaan muna kasi kami sa office para mag paalam kay Sir Frank. Buti na lamang at walang masyadong trabaho kaya naman walang problema sa kanya.
"Ayos ka lang ba? Kinakabahan ka ba?" Nag aalalang tanong sakin ni Aaron.
"Kinakabahan ako pero magiging okay lang naman siguro ang lahat," alinlangan kong tugon.
Hinawakan niya ang isang kamay ko at saglit siyang tumingin sakin at ngumiti, "Magiging okay lang ang lahat. Maniwala ka lang," sambit niya. Tumingin na muli siya sa unahan, binitawan ang aking kamay at humawak na muli sa manubela.
Ngunit kahit paulit-ulit kong sabihin sa aking sariling magiging okay lang ang lahat ay hindi pa rin mawala ang matinding kabang bumabalot sakin. Tila para akong nahihilo at masusuka. Nanlalamig din ang buo kong katawan at pakiramdam ko'y namumutla ako.
Nakarating kami sa bahay at nag hihintay na doon si dad. Iniwan namin ang sasakyan ni Aaron doon at lumipat kami sa Fortuner ni Dad.
"Mag iingat kayo!" Sambit ni Mommy. Hindi siya makakasama dahil masyado siyang mahiluhin at kailangan niyang mag pahinga ng mabuti dahil maselan ang pag bubuntis niya.
Lumapit ako kay mommy at niyakap siya, "Will you be okay without dad?" Nag aalalang tanong ko.
Ngumiti siya, "Ofcourse," tugon niya. "Dito muna mag stay ang parents ko habang wala kayo, so no need to worry," dagdag niya pa. "I'm so proud sa decision mo na 'to and todo ang suporta ko."
"Thanks mommy! Mabilis lang ang 2 days, we'll be back before you know it." Saad ko naman.
Tumingin si mommy kay Aaron, "Take care of George okay?" Nakangiting sabi niya.
"Opo. Wag po kayong mag aalala," tugon naman agad ni Aaron.
"Pa'no hon? Aalis na kami, call me if mag karoon ka ng problem dito. I love you!" Sambit ni Dad at hinalikan si Mommy. Noong una, pag nakikita ko silang ganito ay naiinis ako. Pero ngayon ko lang narealize na, okay din na nag kabalikan sila para naaalagaan nila ang isa't isa.
"Wag ka nang mag alala dyan! Kasama ko naman sila mom at dad mamaya dito," tugon ni mommy. "Don't worry, I'll be fine. Just take care of George, I love you too!" Saad pa ni mommy at niyakap si dad.
Matapos mag paalam ay sumakay na kami sa sasakyan at umalis. "Mag babarko ba tayo dad o plane?" Tanong ko. Siya na kasi ang umasikaso ng ticket namin at hindi na niya ako inupdate.
Ngumiti siya ng lingunin ako. Si Kuya Edgar ang nag drive para samin, si dad sa passenger seat at kami naman ni Aaron ay magkatabi sa likod. "It's a secret, you'll see." Sabi niya at ngumisi na para bang nag yayabang,
Nagtaka man ako ay hindi ko na lang pinansin. Hanggang sa makarating kami sa isang golf course dito sa Cavite. Ang alam ko ay isa si lolo sa mga stockholders ng golf course na ito.
Bumaba kami ng sasakyan, "Kuya Edgar, bago kayo umuwi ay bumili kayo ng lahat ng klase ng prutas sa palengke, yung matatamis. At ibigay niyo na lang ho kay Cindy." Utos ni dad.
BINABASA MO ANG
THE ONE (COMPLETED)
RomanceIsang normal lamang na bata si Georgina kagaya ng iba ay masayahin siya, mabait at mapag mahal na anak. Pero nag bago ang lahat nang iwan silang mag ina ng kanyang ama na wala man lang iniwan ni isang dahilan. At doon na nag simulang maging masalimu...