Chapter 74

144 9 17
                                    


Glauzie's POV

"Ano ba naman yan! Meeting daw ng 10am tapos sila pa talaga ang late?!" Inis na bulalas ko. Mag 1pm na kasi wala pa si Aaron at George.

"Hindi ko din macontact si Aaron eh." Tugon naman ni Jed.

"Hindi ko din nga matawagan si George. Ano kayang nangyari sa dalawang yon?" Tanong ko pa.

"Eh kung puntahan na lang kaya natin si sis sa condo niya?" Suhestiyon ni Ria.

( Ring.... Ring... Ring... ) S'ya namang tunog ng phone ko. Pag tingin ko ay si Aaron ang natawag kaya agad kong sinagot.

"Ano?! Buti naman at naisipan mong tumawag! Tukmol ka! Kanina pa kami nag hihintay dito sa resto!" Inis na bulyaw ko.

"Sorry! Sorry!" Paumanhin niya. "Nandito ako sa condo ni George. Tinawagan niya ako kagabi at bumalik ako dito. Sobrang taas ng lagnat niya kaya puyat na puyat ako at tinanghali na ng gising. Si George, tulog pa din at nag papahinga. Bumaba na ang lagnat niya pero hanggang 37.8 lang. Hindi pa talaga nag nonormal."  Kwento niya na ikinabigla ko naman. Naguilty naman ako dahil nagalit agad ako.

"Sorry. I didn't know." Malumanay na tugon ko. Nakokosesnya sa pambubulyaw ko.

"Ayos lang. Hindi ko din kasi nasabi agad. Pero bilin ni George kanina nung kumakain kami ng breakfast, dito na lang daw natin gawin yung meeting. Pumunta na lang kayo dito. Intayin ko kayo." Saad ni Aaron.

"Ah okay. Ayusin lang namin gamit namin. Punta na kami agad dyan." Tugon ko naman.

"Okay. Bye! Ingat!" Saad niya.

"Okay. Bye!" Tugon ko at ibinaba ko na ang linya.

"Anong sabi ni Aaron, Zie?" Agad na tanong ni Jed.

"Nakila George si Aaron. Tumawag daw si George sa kanya kagabi kaya doon na siya natulog. Inalagaan niya si George mag damag dahil sobrang taas ng lagnat. Kaya nalate siya ng gising." Kwento ko sa kanila.
"Siguradong nahirapan ang isang yon. Hindi sakitin si George pero once na nagkasakit siya, matindi. Ang kwento sakin ni Tita Cindy, pag nilalagnat si George ay para nang kinukumbulsyon." Kwento ko sa kanila.

"Tara na! Punta na tayo kila sis George! Para matulungan natin si sir A!" Bulalas ni Ria.

"Dapat pala, hindi na natin hinayaang ihatid tayo ni George kagabi." Saad naman ni Haidie.

"Yan din naisip ko." Malungkot na tugon ni Ria.

"Wag niyong isipin yan. Dahil si George ang tipo ng taong pag may na set na sa mind niya hindi na madaling baguhin yon. Ginusto ni George na ihatid kayo kaya wala kayong maling nagawa o hindi nagawa." Tugon ko naman.

THE ONE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon