Mark's POV
"Kahit ata pagsama-samahin lahat ng mga bituin sa gabi, wala ng mas gaganda pa sa tawa at ngiti mong nakita ko ngayon. Kaya kahit kahihiyan ko yung mga ikinuwento ni lolo, kung kapalit naman no'n ay mapanood kang tumawa at ngumiti ng ganoon katotoo, ganoon kaganda..." pahina ng pahinang sabi ko na napaiwas pa ng tingin. "Okay lang. Okay na okay lang." At saka tumitig ulit sa kanya.
Nakita ko kung paano siyang biglang namula at napaiwas ng tingin matapos kong sabihin yon. At napaka ganda naman no'n sa paningin ko. Hindi ko maipaliwanag kung bakit ko nasasabi at nagagawa lahat ng ito. Pero sa tuwing makikita ko ang mga ngiti niya at lalo na nang makita ko siyang tumawa ng kausap si lolo. Nag kukusa sa pagkilos ang katawan ko. Parang kusang nag sasalita ang bibig ko at hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko.
"Nakanta ka nga pala diba? Pwede ka bang kumanta para sa kanila?" Tanong ko sa kanya na ikinagulat naman niya.
"H-Ha? P-Paano mo nalaman?" Gulat talagang tanong niya.
"Sa music class niyo. Napanood kita noong kumanta ka ng dance with my father. Napadaan ako noong araw na yon at out of curiosity kung sino yung napaka galing kumantang 'yon ay pumasok ako at naki-usi sa mga nakikinood na din sa labas tapos dun na yon na nakita kita." Bahagya pa akong natawa nang makita kong mamula siya sa pagkapahiya. "Ang galing mo kaya! Nag iiyakan pa nga yung mga babaeng classmate mo. Pati si Ms. Amigo panay ang punas sa mukha." Dagdag ko pa.
"Kaya, kumanta ka na. Please?" Nakangiting pakiusap ko. At napaiwas naman siya ng tingin."A-Ayoko! N-Nakakahiya!" Nauutal niyang tugon na namumula-mula padin ang pisngi.
Pero hindi ko na pinansin pa ang pag tanggi niya. Gustong-gusto ko ulit siyang marinig kumanta. Kaya naman agad akong lumapit sa emcee at binulungan ito. Pinatay saglit ng emcee ang music at nag salita sa mic.
"Pinuputol po muna namin ang masayang sayawan dahil meron daw pong nais mahandugan kayo ng isang kanta." Wika ng emcee. Sinulyapan ko naman si George na noon ay salubong ang kilay na nakatingin sakin.
'hehehe. Sorry! Pero alam ko kasing hindi kita mapipilit, kaya ganito na lang. Sa paraan mahihirapan ka ng tumanggi.
"May I call on, Ms. Georgina sa ihahandog niyang song number para lang po sa inyo." Pag tawag ng emcee kay George. Kita ko naman kung paanong bumuntong hininga siya at inis na tumingin sakin. Tumayo siya sa kinauupuan niya at naglakad papunta sa emcee.
Sa sandaling oras na iyon ay alam kong naiinis talaga siya sakin. At tila ba bumalik ang dating George sa katauhan niya. Pero hindi ko magawang mag alala dahil sa loob ko ay talagang natutuwa ako. Nang makalapit siya ay agad na inabot ng emcee sa kanya ang song book ng videoke na naroon. Pagka pili naman niya ng kanta ay siya na din ang nagpipindot ng mga numero sa videoke. Pinause niya muna ang kanta at nagsalita sa mic ng mahawakan niya iyon.
"Hello po sa mga lolo at lola na naririto ngayon!" Matamis ang ngiti niya sa pagbati sa mga ito. Na siya namang ikinatulala ko. Nakakamangha ang walang kupas na ganda ng mga ngiting yon. "Sana po ay nag eenjoy kayo sa araw na ito, dahil para po talaga ito sa inyo." Nakangiti pa din siya at lumapit sa mga matatanda na magaganda din ang ngiting nakatingin sa kanya. Sa muli kong pag tingin sa kanya ay kakaiba na ang paraan niya ng pagkakangiti. Parang puno iyon ng halo-halo niyang emosyon.
"Grandparents are a delightful blend of laughter, caring deeds, wonderful stories and love." Nakangiting dagdag niya pa. Pero ng mapatingin ako sa mga mata niya ay para ba akong may nakitang bahid na lungkot na agad din naman niyang pinawi at pina-play na lang sa emcee ang kanta.
BINABASA MO ANG
THE ONE (COMPLETED)
RomanceIsang normal lamang na bata si Georgina kagaya ng iba ay masayahin siya, mabait at mapag mahal na anak. Pero nag bago ang lahat nang iwan silang mag ina ng kanyang ama na wala man lang iniwan ni isang dahilan. At doon na nag simulang maging masalimu...