Chapter 6

201 59 32
                                    

George's POV

Wala na ang sasakyan ni Mark pero nakatanaw pa din ako sa dinaanan nito. Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob gawin ang ginawa kong pag halik sa kanya.

'wala lang! masaya lang ako eh! Bakit ba?!

Pumasok na ko sa gate ng bahay na animo'y lutang padin sa kakaibang saya na nararamdaman ko sa loob ko. Parang unti-unting nagkakaroon ng kulay ang paligid ko. Muli kong naalala ang mga nangyari kanina habang naglalakad ako sa may garahe.
Ang bawat pagtitig niya ang talagang hindi ko mabura sa isip ko. Magaan lang ang mga titig na yon, puno yon ng tuwa at dama ko don ang nararamdaman niya.

Saglit ko munang sinulyapan si Recca bago ako tuluyang pumasok ng bahay.

(She loves the anime character Recca and she loves her car. Kaya yun ang pinangalan niya sa kotse niya.)

Nang makapasok ako sa bahay ay naabutan ko pa si Tita Cindy at Dad na sweet na sweet sa pinapanood nilang movie. Maganda ang araw ko at ayokong masira yon kaya naman hindi ko na sila pinansin.

"Georgina!" Tawag ni Dad sakin bago pa man ako maka akyat ng hagdan.

"Why?" Malamyang tugon ko. Gusto ko na kasi talagang umakyat at ayoko na sila makausap at masisira lang sigurado ang araw ko. Hindi pa man nasagot si Dad ay sumenyas na siya na lumapit ako kaya naman sumunod na ako.

"Sino yung kasama mong lalake kanina? Boyfriend mo na ba yon?" Maayos na tanong niya. Pareho sila ni Tita Cindy na seryosong nakatitig sakin, nag aantay ng sagot.

"Hindi ah! Alam mo namang si Recca lang ang boyfriend ko at wala na bukod don." Walang emosyon tugon ko. Tinutukoy ang kotse ko.

"Hays.. seryoso kong
nagtatanong!"

"Seryoso din naman akong
nasagot sayo."

"Kung di mo boyfriend, ano? Manliligaw?"

"Hindi rin." Tipid kong sagot at kunot noo naman siyang tumingin sakin. "Hays.. sinabi naman niya kanina, schoolmate kami noong college. Naging mag kaibigan lang pero wala yang mga naiiisip mo. Sandali nga, bakit ba dami mong tanong?" Naiinis na tanong ko.

"Wala naman. Hindi naman siguro masama kung alamin ko yon. Sa nakikita ko ay mabait ang batang yon, kung sakali man ay gusto namin siya para sayo." Nakangiting sabi niya. May kung ano namang humaplos sa puso ko sa sinabing yon ni Dad pero pinilit kong pigilan yon.

"Walang "sakali" dad. Sige na po gusto ko na mag pahinga." Sabi ko. Sabay dakot sa bowl ng popcorn na kinakain nila. "Goodnight!" Dugsong ko pa at kita ko naman ang matinding pagka gulat sa mga mukha nila.

'hahaha. Ang daming mukhang gulat na emoticon sa paligid ko!

Pagpasok ko ng kwarto ay nakangiti akong nahiga sa kama ko. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at nakitang may text don si Mark.

From: Mark

Hi! Dito na ko sa bahay. I had a great time. Thanks. Goodnight! :)

To: Mark

I had a great time too! Thanks to you! Goodnight! :)

Sent!

Nireplayan ko siyang saglit at saka ako bumagon para maligo ulit. Nakangiti pa din ako hanggang sa paliligo ko.

"I think I'm inlove... I think I'm inlove... with you..." nakangiting pakanta ko pa habang nag shoshower.

THE ONE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon