Haidie's POVNatapos ang pasko at bagong taon ko ng masaya kasama ang buo kong pamilya. Hindi ko akalaing magkakaroon ako ng ganitong pagkakataon. Sobra akong nagpapasalamat sa mababait kong kaibigan; si Aaron ang boss ko at kay George na konting intay na lang ay magiging fiancee na niya! Hindi na ako makapag hintay sa surprise proposal ni Aaron. Kasama rin kasi kami sa binigyan ni Aaron ng ticket papuntang Paris. Buti na lang din at may passport na ako.
And take note eto pa, maging si Ria at Kiel ay darating din! Makukumpleto kaming mag kakaibigan sa araw na 'yon at full force din sa family ni George at Aaron. Balita ko ay ready na din ang lahat, luluhod na lang si Aaron at sasagot na lang ng 'oo' si George. Mapapa sana all ka na lang talaga!
January 3 na. Gabi na nang makarating ulit ako dito sa Manila. Nakakamiss na agad ang sariwang hangin at tahimik na kapaligiran sa probinsya pero in some way, namiss ko din ang ingay dito.
Excited na ako para bukas dahil papasok na ulit ako sa trabaho at makikita ko na ulit si George at Aaron. Nag ayos lang ako ng mga gamit at kumain, pagkatapos ay natulog na din akong agad.
Kinabukasan...
Saktong 8am ay nasa department na ko pag dating ko doon ay agad ko ng hinanap si George pero wala siya sa table niya. Wala pa din namang gasinong empleyado at ang ilang nandoon ay masyadong tutok sa trabaho kaya halos walang nakapansin sakin kaya naman dumiretso ako sa opisina ni Aaron at baka magkasama sila doon.
( Knock.. Knock.. Knock.. ) katok ko sa pinto ng opisina ni Aaron.
"Come in!" Tugon ng isang lalaki. Si aaron ba yon? Bakit parang iba ang boses?
Marahan kong binuksan ang pinto at nagulat na ibang lalaki ang nakaupo sa upuan ni Aaron.
"Do you work here?" Takang tanong niya sakin at tumayo sa kinauupuan niya. "Ngayon lang kasi kita nakita dito," dagdag niya pa.
Napatitig ako sa kanya. Gwapo, maputi at tila mas matangkad lang jay Aaron pero maging sa dating ay hindi sila nagkakalayo. "Ah sorry po sir, I was just looking for Sir Aaron and Ma'am George," paliwanag ko. "And yes sir, I work here. Nabigyan lang po ako ng vacation leave kaya po ngayon lang ako ulit nakabalik." Dagdag ko pa pero ang isip ko'y puno pa rin ng pagtataka. "Sige po sir, lalabas na po ako." Paalam ko at aakma ng lalabas dahil sa hiya.
"Wait," pigil niya. "Aaron is not here. He is in Dubai, may training and seminar siya doon for one month. For the mean time ako muna ang papalit sa kanya." Paliwanag niya na mas ikinabigla ko naman. "By the way, I am Zack Flores, Aaron's cousin. And you are?" Pakilala niya.
"Haidie May Vista po Sir, Marketing editor." Pakilala ko din.
"Nice meeting you," aniya at ngumiti saka inabot ang kamay.
Kinamayan ko naman siya, "nice meeting you din po sir," sabi ko naman.
"If you're looking for George, she's in Tito Frank's office. I think they're discussing about some new projects." Sabi niya. Ang galing niya mag english, maging ang accent ay parang foreigner na ang kausap ko.
"Okay sir. Thank you po." Saad ko. Lalabas na sana ako ng s'ya namang pasok ni George.
"Haidie!!!!!" Bulalas niya at agad akong niyakap. Napayakap din naman ako sa kanya. "Namiss kita sobra!" Dagdag niya.
"Namiss din kita George, kamusta ka na?" Saad ko naman at umalis kami sa yakap.
"Eto, okay naman. Ang daming naganap sa buhay ko ng isang buong buwan na wala ka. Dami kong ikukwento sayo!" Saad niya. Nakangiti man siya sa harap ko ngayon alam kong itinatago niya ang lungkot.
BINABASA MO ANG
THE ONE (COMPLETED)
RomanceIsang normal lamang na bata si Georgina kagaya ng iba ay masayahin siya, mabait at mapag mahal na anak. Pero nag bago ang lahat nang iwan silang mag ina ng kanyang ama na wala man lang iniwan ni isang dahilan. At doon na nag simulang maging masalimu...