Chapter 37

118 10 12
                                    

Amanda's POV

Nasa peak na kami ng bundok. Ang destinasyon na sinadya namin para makita ang pinag mamalaking ganda ng kalikasan ng mindoro. Napaka sariwa ng hangin at pawi ang pagod sa pag akyat dahil sadyang hindi matatawaran ang ganda ng kalikasan.

Lahat ng mga kasama sa hiking ay nandito na sa tuktok. Sila Aaron at Georgina na lang ang hinihintay para makapag simula na kaming mag almusal. Pero lumipas na ang halos tatlumpung minuto ay wala pa din sila.

'hindi maganda ang kutob ko.

"Kyle, Leo, Arvin! Bumaba kayo at icheck kung nasaan na sila Aaron at Georgina." Utos ko.

Sumunod naman silang agad sakin. At nang makababa sila ay hindi pa din ako mapalagay. Hindi ko gusto ang kabang nararamdaman ko. After another 30 mins ay tumunog ang phone ko.

( Ring.. ring .... Ring... )

"Hello? Kyle? Anong balita? Nakita niyo ba?" Agad kong tanong.

"Wala po Ma'am. Hindi po namin sila makita. Malapit na po kami sa may mga bahay na katiwala po nitong bundok. Hihingi na po ba kami ng tulong?" Hinihingal pang tanong niya.

"Oo, dumiretso na kayo dyan at humingi ng tulong. Mag pahinga na din muna kayo, bababa na din kami dyan at dyan na tayo kumain." Tugon ko.

Yun lang at ibinaba ko na ang linya. Tinawag ko ang lahat para ihanda ang mga gamit para makababa na. Mas makakabuti kung doon na kaming lahat mag hintay sa baba para ako na din mismo ang kumausap sa mga pwedeng mag hanap kila Aaron at Georgina.

Mabilis lang ang naging pagbaba namin. Habang naglalakad ay panay din ang tingin namin sa paligid sa pagbabakasali na makita sila Aaron pero narating na din namin ang mga bahayan sa gitna na hindi man lang namin sila nasalubong.

'nasaan na kaya ang dalawang yon, sana naman ay walang nangyaring masama sa kanila.

"Ma'am, ito po si Kuya Edgar at Kuya Nestor. Ilan po sila sa mga katiwala dito sa bundok." Pakilala ni Arvin sa dalawang matandang lalaki.

"Ilang oras na ho bang nawawala ang dalawa niyo pang kasama?" Tanong ni Kuya Nestor.

"Isang oras at kalhati na po siguro kuya. Inaantay namin sila sa peak pero walang dumadating kaya naman pinababa ko na itong tatlong bata pero hindi daw nila makita." Kwento ko.

"Inutusan ko na po ang isa sa mga kasamahan namin Ma'am na pumunta sa office ng management sa pinaka baba. Sila po ang tatawag ng search and rescue team para mahanap ang dalawa niyong nawawalang kasama." Tugon nito.

"Sige po. Salamat po." Nag aalala kong sagot.

Makalipas ang dalawampung minuto ay dumating na ang search and reacue team dala ang mga gamit nila sa pag rescue. Diretso naman pumunta sakin ang isang lalaki na medyo maedad na.

THE ONE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon