Chapter 105

140 9 19
                                    


Cindy's POV

Martes ng hapon pagkauwi ni George sa bahay ay s'ya namang paalam naming aalis. Ngayon kasi namin napag planuhang sumama kay Aaron para makita namin ang ipinagawa niyang bahay para sa kanila ni George.

"Saan ba kayo pupunta at hindi ako pwedeng sumama?" Sarkastikong tanong ni George samin.

"Importanteng meeting yon, mag pahinga ka na lang dito, maiinip ka lang don." Tugon ni Nick.

"Tsk! Okay." Dismayado namang tugon ni George at umakyat na papunta sa kanyang kwarto.

Pagkasakay namin ng sasakyan ay pare-pareho kaming nakahinga ng maluwag.

"Ang hirap mag sinungaling sa batang yon, sobrang lakas ng pakiramdam." Bulalas ko nang makaalis na ang aming sinasakyan.

"Pasasaan ba't malalaman niya rin ang tungkol dito, pero hayaan natin ang plano ni Aaron at panatilihing sikreto ito sa ngayon." Saad ni Tito Ramon. "Magaan ang loob ko sa batang yon," dagdag ni Tito Ramon. "I admire his bravery, noong una pa lang na sumagot siya sakin para depensahan si Georgina." Napapangiti pa ito habang inaalala ang araw na iyon.

"Hindi lang 'yon dad ang ginawa ni Aaron para kay Georgina," saad naman ni Nick. "Hindi ko makakalimutan ang unang araw na makita kong iligtas niya si Georgina." Kwento ni Nick. Napangiti naman ako. "Team building nila yon sa Mindoro, nag hiking sila at nauwi iyon sa pagkakahulog nilang dalawa sa bangin ng bundok. Napuno ako ng matinding takot habang papalubog ang araw at hindi pa sila natatagpuan. Pero nang makita ko si Aaron bitbit sa kanyang mga braso ang walang malay na si Georgina ay bumilib na ako sa kanya. Puno ng sugat at galos ang buo niyang katawan, maging ang ulo niya ay umaagos pa ang dugo dahil sa natamo niyang sugat roon. Matapos ko siyang tingnan ay agad ako nagbaling ng tingin kay Georgina, tanging kaunting gasgas lang ang natamo nito at sprain sa paa. Hindi na ako nagtanong dahil alam ko na, nagtamo siya ng mas malalang sugat dahil siniguro niyang hindi masasaktan ang aking anak. Masama na ang kalagayan niya pero binuhat pa din niya ang anak ko sa kagustuhang madala agad ito sa ospital dahil sa sinusumpong na ito ng sakit niyang ulcer. Doon pa lamang ay nakuha na niya ang loob ko." Mahabang sanaysay ni Nick.

"Hindi lang din naman don niligtas ni Aaron si George." Sambit ko naman. "Si Aaron din ang nagligtas kay George sa nakaraan niyang hindi niya mabitawan." Dagdag ko at ngumiti kay Nick at Tito Ramon. At ngumiti din naman sila.

Nakarating kami sa entrance ng isang bagong subdivision sa may Parañaque. Papasok pa lang kami sa entrance ay naroon na si Aaron sa guard house para batiin kami.

"Good afternoon po. Sir Nick, Ma'am Cindy, Sir Ramon, Ma'am Lynda." Paunang bati samin ni Aaron sa may bintana ng sasakyan.

"Kanina ka pa ba naghihintay?" Nakangiting tanong ko.

"Hindi naman po. Halos kakarating ko lang din po." Tugon niya.

"May dala ka bang sasakyan?" Tanong ni Nick.

"Kasama ko po sila dad at mom, family car po ang ginamit namin. Nandoon na po sila, nag paiwan na lang po ako rito para hintayin po kayo." Magalang na paliwanag nito.

THE ONE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon