Chapter 97

164 11 16
                                    


Aaron's POV ( continuation )

4am pa lang ay nagising na ako. Pero kahit ang aga pa para magising ako ay napaka sarap ng tulog ko at hindi mawari ang sayang nararamdaman ko sa loob ko.

Nakakailang din matulog sa kwarto ng babae. Kaya naman, bumaba na ako para sana uminom ng tubig at doon na muna sa garden nila magpalipas ng oras.

Marahan akong lumabas ng kwarto at dumiretso pababa ng hagdan. Gising na ang mga kasambahay nila kaya agad naman akong sinalubong ng isa sa kanila.

"May kailangan po ba kayo sir?" Tanong nito.

"Ah wala naman po. Mag papahangin lang po sana ako sa garden." Tugon ko.

"Ah sige po sir!" Nakangiting tugon nito. "Baka po may kailangan kayo, o nagugutom na po kayo, pwede po namin kayong dalhan ng makakain sa garden." Saad pa nito.

"Ah hindi na po! Sasabay na lang po ako kay George sa pagkain. Salamat po!" Tugon ko naman at nagpunta na ako sa garden.

Malamig ang hangin at nakakarelax sa garden nila. Madilim pa pero may mga naka sabit na ilaw sa malaking puno na nadoon kaya naman mas nakakadagdag iyon sa ganda ng parteng ito ng bahay nila. Nag palagay din ako ng ganito sa may tabi ng pool ng ipinagawa kong bahay pero hindi kasing laki nito. Mala mansion naman kasi ang bahay na ito nila George.

Hindi pa man ako nagtatagal na nakaupo sa upuan sa may garden nila ay s'ya namang dating ng daddy ni George.

Napa tayo akong bigla at bumati
"Goodmorning po!" kahit na boto siya sakin para sa anak niya. Kinakabahan pa din ako pag kinakausap ko siya.

"Goodmorning!" Bati niya at lumapit sakin. "Ang aga mo atang nagising, hindi ka ba nakatulog ng maayos? Kamusta ang mga sugat mo? At ang mga gumawa niyan sa'yo, naipahuli niyo ba? Kung hindi ay ipapahanap ko sa mga tauhan ko." Tanong niya.

"Nakatulog naman po. Medyo nanibago lang po kaya nagising din po agad. Ayos na po ako mababaw lang naman po ang mga sugat. Hindi na din po kailangang ipahuli at wala na din naman po silang nagawa sakin. Marami lang sila kaya nadehado po ako at nagalusan." Tugon ko at nanatiling nakatayo habang siya ay pinanood ko pang maupo.

"Salamat Aaron. Kahit anong mangyari sayo ay hindi mo hinayaang mapahamak ang anak ko. Ang laking utang na loob kong tatanawin sayo ang lahat ng mga ginawa mong pag protekta sa anak ko. Maupo ka," Utos niya. Naupo naman ako sa upuan sa kanyang tapat. Hindi siya nagsalita at tumingala sa madilim pang kalangitan. "Alam mo, kahit hindi sabihin sa akin ni Georgina, alam kong mayroon siyang mabigat na dinadala. At noong mabasa ko ang sulat ay hindi ko mapigilan ang aking mga luha, pinag daanan nila ang lahat ng iyon ng wala ako. I really felt how I failed as a husband and as a father at gusto kong sulitin ang bawat araw ngayon na makabawi sa lahat ng mga pagkukulang na iyon." Sambit niya at ako naman ay nanatiling nakikinig sa kanya. "Bumalik dito ng maayos si George, marahil nabuksan mo na ang parte na kanyang pinakatatago. Nang dumating siya at sumalubong samin, pugto man ang mga mata ay mas maaliwalas yon kesa sa dati." Dagdag niya at tumingin sa 'kin. Sa mga tingin na iyon ay naramdaman ko ang matinding pag aalala. "Hindi ko na pilit pang aalamin kung ano yon dahil nirerespeto ko kung ayaw niya pang sabihin sa amin yon. Kaya, nais ko na lang muling mag pasalamat sayo." Saad niya pa. Sa isip-isip ko'y tunay ngang mag ama sila parehong matalas ang pakiramdam.

"Wala po yon! Gagawin ko po ang lahat para sa anak ninyo." Tugon ko.

Naging tahimik ang paligid sa pagitan naming dalawa. Hindi na siya muling nag salita, tumingala siya at tiningnan ang ilan sa mga bituing makikita pa sa langit. Ako naman ay walang ibang maisip na pag usapan namin.

THE ONE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon