Chapter 69

147 11 16
                                    

AUTHOR'S NOTE!!!!!

Reminder po readers :

May mga parteng maseselan at paalalang ang lahat ng nakasaad dito ay pawang kathang isip lang ng manunulat at hindi hango sa tunay na pangyayari.

Uulitin ko! ANG LAHAT NG NAKASAAD DITO; PANGALAN, SITWASYON, LUGAR AT PANGYAYARI AY PAWANG KATHANG ISIP LAMANG NG MANUNULAT AT HINDI HANGO SA TUNAY NA BUHAY O PANGYAYARI!"

NAINTINDIHAN MO NA BA? UULITIN KO ULIT!

"ANG LAHAT NG NAKASAAD DITO; PANGALAN, SITWASYON, LUGAR AT PANGYAYARI AY PAWANG KATHANG ISIP LAMANG NG MANUNULAT AT HINDI HANGO SA TUNAY NA BUHAY O PANGYAYARI!"

Gets mo na dapat yan ah! Naka ilang ulit ako. Okay?!

Cindylane's POV

"Talaga bang hindi pa ako pwedeng lumabas?" Tanong sakin ni Nick habang nakain ng mansanas.

"The doctor said you need to finish taking all your meds. Sa wednesday ka pa pwedeng lumabas." Tugon ko habang pinag babalat pa siya ng mansanas.

"Pero okay na ko! Malakas na ako ulit! Kailangan ko ng bumalik ulit sa trabaho." Parang batang pagmamaktol niya.

"Tumigil ka nga! Masyado kang makulit! Pa limang beses mo na sinasabi sakin yan, kahapon ka pa!" Inis na saad ko.

"Etong swero, bakit hindi pa nila tanggalin? Nahihirapan akong kumilos dahil dito!" Bulyaw niya. At ibinato ko naman sa mukha niya ang basahan na hawak ko.

"Hon!! Basahan to!!" Bulalas niya.

"Alam ko! Ang ligalig mo! Malamang hindi nila tatanggalin yan dahil may dalawa kang gamot na dyan pinapadaan!" Ganting bulyaw ko. At umismid na lang naman siya at hindi na umimik.

"Nga pala, si Georgina, kamusta siya?" Tanong niya. Biglang napuno ng lungkot ang boses niya.

"Wala pa akong balita. Ang alam ko lang, magkasama sila ni Aaron." Tugon ko at ibinigay sa kanya ang mansanas na tinalupan ko. Naupo naman ako sa may tabi niya.

"Boyfriend na ba niya ang lalaking yon?" Tanong niya.

"Hindi. Magkaibigan lang sila." Tugon ko naman dahil iyon naman talaga ang totoo.

"Mas gusto ko ang batang yon kesa kay Mark. Hindi ko mapapalampas ang nakita ko ng isayaw ni Mark ang anak ko!" May tonong pagbabanta ang boses niya.

"Bakit? Anong ginawa ni Mark?" Nag aalalang tanong ko.

"Kitang kita kong sinaktan niya si Georgina! Malamang dahil nag seselos at mas malapit na si Georgina dun sa Aaron. Pero kahit ano pang nararamdaman niya ay wala siyang karapatang pisikalin ang anak ko!" Galit na dagdag niya.

"Oh, mag relax ka nga muna! Bawal pa sayo ang magalit ng ganyan!" Pagpigil ko sa kanya.

"Okay na ko hon! Kilala ko naman ang katawan ko at alam ko kung kailan hindi ako pwede sa kahit anong emosyon." Tugon niya.

THE ONE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon