George's POVHabang nalipas ang mga araw ay lalo akong nakakaramdam ng kaba. Kaba sa nalalapit na team building kung saan pitong araw kong makakasama si Aaron.
Hinihiling ko kada araw na sana ay bumagal ang oras pero hindi ko halos namalayan na mabilis na dumaan ang lunes hanggang sabado. At ngayon, ay linggo na.
Imbis na mag isip ng mag isip ay nagpakaabala na lang muna ako sa pag aayos ng mga gamit na dadalhin ko. Habang abala ay bigla na lang tumunog ang cellphone ko.
"Hello?" Sagot ko sa tawag.
"Hello babe! Kamusta? Kita tayo ngayon." Si Mark.
Ibinigay ko nga pala sa kanya ang bagong number ko noong huli kaming magkita. Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo ko sa ulo at kinilabutan ako ng matindi. Ang puso ko ay parang gustong tumalon palabas sa kakaibang pakiramdam na naidulot noon. Kinikilig. Ito ata yung pakiramdam non.
"Busy ako eh. Aalis ako bukas. May team building kami for 7days." Kalmadong sagot ko.
"Edi mas lalo pa lang dapat na magkita tayo. Sabihin mo na lang kung saan ka nakatira, pupuntahan na lang kita." Suhestiyon niya.
"Ah hindi na. Sige magkita na lang tayo. Sa mall na lang, 10 am." Agarang sabi ko.
"Bakit ba ayaw mo sabihin sakin kung saan ka nakatira? Pakiramdam ko tuloy may tinatago ka sakin." Malungkot na sabi niya.
"Meron akong mga personal na dahilan. Mag isa lang ako at ayokong may lalakeng napunta pag nag iisa ako." Seryosong sabi ko.
"Wala ka bang tiwala sakin? Wala naman akong gagawing masama sayo, hindi ko magagawa sayo yon. Edi baka nabasag mo yung mukha ko gaya nung salamin sa ladies comfort room noong college. Hehehe! Sayang kagwapuhan ko pag nagkataon kaya good boy to." Tuloy-tuloy na saad niya.
"Masyado kang makulit at masyado kang madaldal." Sabi ko habang tuloy pa din sa pag iimpake.
"Papuntahin mo na kasi ako dyan. Para susunduin na lang kita." Pamimilit niya pa.
"Wag ka nang makulit. Wala ka mapapala dyan. Sige na, kita na lang tayo mamaya. Bye!" Yun lang at ibinaba ko na.
'sorry Mark. Pero hindi ko talaga kayang papuntahin ka dito. At ang dahilan non ay hindi mo na dapat pang malaman.
Nang matapos ako sa pag iimpake ay naligo na ako agad at nag bihis. Pagka bihis ay nag ayos ako ng buhok at naglagay ng light lang na make up sa mukha. Gusto ko kasi maganda at presentable ako pag magkasama kami. Masyadong maganda ang ex niya at ayoko namang mapahiya siya sa mga nakakakilala sa kanya dahil isang gusgusin gaya ko lang ang ipinalit niya.
(1 message receive)
Mark <3
Babe, dito na ako sa mall. Wait kita dito sa may starbucks. Ingat ka! I LOVE YOU!! :)
Napangiti muna ako ng matindi pagkabasa ng text niya. Kinikilig na naman ako para sa simpleng bagay.
REPLY:
Sige. Papunta na ako. :)
Message Sent!
Mabilis akong nakarating sa mall dahil wala namang traffic. Pagka park ay dumiretso na akong agad sa starbucks.
"Sorry. Natagalan ba ko?" Agad na paumanhin ko pag lapit ko sakanya.
"Ayos lang. Kung ganyan naman kaganda ang hihintayin ko, willing to wait kahit abutin ng forever! Hahaha!" Masayang tugon niya.
BINABASA MO ANG
THE ONE (COMPLETED)
RomanceIsang normal lamang na bata si Georgina kagaya ng iba ay masayahin siya, mabait at mapag mahal na anak. Pero nag bago ang lahat nang iwan silang mag ina ng kanyang ama na wala man lang iniwan ni isang dahilan. At doon na nag simulang maging masalimu...