Author's Note:
WARNING : MATURED CONTENT!!!
WARNING : MATURED CONTENT!!!
George's POV ( continuation )
Hindi ko alam! Hindi ko na alam kung kaya ko pang ipagpatuloy. Napapapikit ako ng mariin kapag naaalala ko masamang gabing yon.
"Ituloy mo ang pagkukwento George." Napatingin ako kay Aaron at seryosong masyado ang ekspresyon niya. Napayuko na lang ako.
"Hi-Hinila niya ko." Nahihirapan sa pagsasalitang sabi ko. "A-At itinulak sa kama niya. Malakas niyang i-isinara ang pinto at.... at inilock yon. Nanlaban ako pero si-sinampal niya ako sa mukha. Bumangon ako ulit para manlaban kaya lang... Kaya lang.. sinuntok niya ako sa sikmura na agad kong ikinatumba sa sakit. Matapos non ay pumatong siya sakin at.... at sapilitan akong hina..hinalikan." napapikit ako at nagtuluan ang mga luha sa mata ko. Napaka sariwa pa din sa akin! Na kapag naaalala ko ay parang nangyayari ulit. "Umiyak ako ng umiyak! Pilit pa ding nanlalaban pe-pero masyado siyang malakas. Sinubukan kong sumigaw nang ilipat niya ang paghalik niya sa aking leeg pero agad niyang hi-hinila ang buhok ko at kumuha ng panyo at pwersahang i-itinali sa bibig ko. Kumuha din siya ng ta-tali at tinalian ng mahigpit ang kamay ko. At ang sunod na nangyari ay sa-sapilitan niyang hinubad ang suot kong pang itaas. Mariin niyang hi-hinawakan ang maseselang pa-parte ng aking katawan. Sunod niyang tinanggal ang pang i-ibaba kong suot at agad siyang tu-tumayo at nagmadaling tanggalin ang lahat ng ka-kanyang suot. Mariin akong napapikit ng tumambad sakin ang katawan niya. A-Alam ko na sa sarili ko kung a-anong mangyayari! At nagpatuloy siyang gawin ang gusto niyang gawin sakin. Bawat panlalaban ko para hindi niya maituloy 'yon ay su-suntok ang inaabot ko. Unti-unti ay nahihirapan na akong manlaban dahil sa ma-matinding pang hihina ng aking katawan. Wala akong laban! Wa-wala akong magawa! Hi-Hindi ko maipagtanggol ang sarili ko! At dahil don, nagawa niya ang gusto niyang gawin!" Umiiyak na kwento ko. Naitakip ang dalawa kong kamay sa aking mukha. Patuloy ang pag agos ng mga luha. Napakunot ako ng noo ko at nakagat ang labi ko sa sobrang gigil sa galit na kumukulo ngayon sa loob ko. "Walang alinlangan at pwersado niyang ibinaon sa akin ang kanya! Mabilis niya iyong ginawa na para bang ikinatutuwa pa niya na nakikita akong nasasaktan." Nang gigigil sa galit kong kwento. "At nang makuntento siya at matapos ay umalis na siya sa ibabaw ko. Tinanggal niya ang tali sa kamay ko at ang panyo sa bibig ko. Agad akong lumayo sa kanya at nanginginig na napaupo sa sahig kinuha at niyakap ang damit ko. Ngumisi siya na parang demonyo sa harap ko, hinaplos ako sa mukha at saka nahiga sa kama niya at natulog. Agad akong dumiretso sa cr nila at nagbuhos para maibsan ang sakit at mawala ang dugong umagos sa aking hita at binti. Kahit nanginginig pa at hirap sa paglakad ay pinilit kong magbihis at umuwi samin. Para akong mababaliw! Hi-Hindi ko ginusto yon! Bakit?! Bakit nangyari sakin yon?! Naiinis ako sa sarili ko dahil wala akong nagawa para man lang maipagtanggol ang sarili ko! Lumipas ang mga araw ay hindi muna ako pumasok at hindi rin nagtrabaho. Nagkulong ako sa kwarto at pinahupa ang mga pasa sa bawat parte ng katawan ko. Kahit anong ligo o anong gawin ko hindi ko na mabura sa alaala ko ang ginawa niyang kahayupan sakin. Nagtiwala ako at hindi ko inisip na magagawa niya sakin yon!" Pagpapatuloy ko. "Sobrang hirap para saking magsimula matapos non pero kailangan kong magpatuloy. Hindi ako pwedeng nasa bahay lang at walang gawin. Ipinangako ko sa sarili ko matapos ang ilang araw kong paglugmok na hindi ako susuko! Gaganda pa ang buhay ko at gagawin ko ang lahat para makaalis kami ni mama sa mala impyernong lugar na 'to! Nang pumasok ako, kada makikita ko si Jeff ay nanginginig ako sa takot. Lumapit siya sakin at humingi ng tawad sa nagawa niya. Hindi niya raw alam kung anong pumasok sa isip niya dala lang daw ng kalasingan. Pilit niya akong sinuyo pero hindi ko na siya muli pang kinausap at nilapitan. Pero dalawang linggo pa lang ang nakakalipas ay panibagong problema ang kinaharap ko; nahihilo ako kada umaga at nagsusuka. Hindi na ako nag alinlangan pa at buong lakas ng loob na bumili ng pregnancy test sa drug store. Pagkagamit ko, napasigaw ako sa awa sa sarili ko nang makitang positive ang resulta non. Awang awa ako sa sarili ko! Sa kalagayan kong to, na hindi ko na nga halos maalagaan ang sarili ko nagkaroon pa ng laman ang tyan ko ng dahil sa kademonyohan ng lalaking yon! But I still tried to compose myself, nag isip ako at hindi natulog magdamag habang hawak ang tyan ko. Hanggang sa nag decide akong gagawin ko pa din kung ano ang tama. Itutuloy ko ang pagbubuntis sa bata, wala siyang kasalanan sa nangyari at hinding-hindi ko siya idadamay sa galit ko. Pipilitin kong alagaan siya habang ginagawa pa din ang mga kailangan kong gawin. Haharapin ko ang lahat ng pagsubok at magiging mabuting ina sa kanya. Dahil anomang sama ng lahat ng nangyari, hindi magiging isa ron ang bata. Wala akong alam sa pagiging mabuting ina, pero gagawin ko ang lahat para hindi niya maranasan ang lahat ng naranasan ko." Tumingin ako kay Aaron at nakayuko na siya. Kuyom niya ang kanyang dalawang kamay.
BINABASA MO ANG
THE ONE (COMPLETED)
RomanceIsang normal lamang na bata si Georgina kagaya ng iba ay masayahin siya, mabait at mapag mahal na anak. Pero nag bago ang lahat nang iwan silang mag ina ng kanyang ama na wala man lang iniwan ni isang dahilan. At doon na nag simulang maging masalimu...