George's POV"Para san to?" Takang tanong ko ng ilagay niya sakin ang headset niya.
"Wag ka na kumontra! Ipikit mo na lang ang mga mata mo at makinig sa music na mag pplay. Makakatulong sayo yan." Utos niya.
At ginawa ko naman ang sinabi niya. Ipinikit ko ang mata ko at pinakinggan ang tugtog na pinatugtog niya.
Unti-unti ay nabawasan ang aking pagkabalisa. Narerelax ako sa instrumental music na pinatutugtog niya. Hindi ko akalain, na ang dati kong kaaway ay siyang palagi kong masasandalan ngayon. Wala akong pinakukwentuhan ng kahit ano tungkol sa nakaraan ko, pero pag sa kanya parang ang dali lang maging open. Ang daling maging normal, na kahit mukha akong matatag at malakas dumadaan din ako sa mga punto ng buhay kong mahina ako.
Umiiyak, natatakot at naduduwag."George, nandito na tayo." Sambit ni Aaron habang tinatapik-tapik ako.
Kinusot-kusot ko muna ang mga mata ko at nag angat ng tingin nagulat akong ilang daliri na lang ang naglalayo sa mga mukha namin. Sabay naman kaming nag layo agad at parehong nailang sa isa't isa.
'nakatulog ako sa balikat niya! Nakakahiya!
"T-Tara na!" Nauutal at nahihiya pang anyaya niya at mabilis na tumayo.
"Hm.." nahihiyang sang-ayon ko.
Nakapila ang mga pasaherong pababa ng bangka. At dahil maalon ay umaalog alog din kaya ang hirap mag balance pag nakatayo. First time ko kaya hindi ako sanay at tsaka ayoko din talaga sa tubig.
"Humawak ka sakin para hindi ka matumba." Utos niya.
"S-Sige." Tugon ko at saka humawak sa braso niya.
Nakakahiya man at hindi parte ng pagkatao kong magpaalalay o magpatulong sa iba lalo na sa lalaki. Pero iba kasi pag siya. Nakakatuwang isipin na ang lalaking akala kong puro yabang lang at kalokohan ay may mga magagandang katangian pa lang itinatago. Gentleman at maalaga. Nakakapag takang hindi pa din siya nagkaka girlfriend.
'hindi kaya, bakla nga siya?! Sayang naman siya kung ganon!
Pagkababa namin ng bangka ay saka kami naglakad papunta sa may labas ng pier. May mga tricycle na doon na nag aabang ng pasahero. Kinausap ni Aaron ang isa sa mga iyon at pumayag naman itong ihatid kami sa resort. Pagkalagay ng mga gamit ay lumakad na kami sa loob ako at ang maleta namin, si Aaron naman ay nag backride. Habang nasa byahe ay nag uusap si Aaron at ang driver, gustuhin ko mang makinig ay hindi ko maintindihan ng dahil sa ingay ng motor.
Makalipas lang ng ilang minuto ay narating namin ang beach resort na yon. Hindi gaanong madaming tao at perfect ang lugar sa mga team-building dahil may obstacle course na din sila doon. Ang ganda doon, hindi man white sand na kagaya sa puerto. Pero tahimik at malinis ang dagat. May mga tent, at meron din mga rooms. At may spot din doon na may white na telang malaki sa harapan nito ay may projector at mga gulong na nirecycle para gawing malalambot na upuan. Pwede mag film showing pag gabi.
"Sir Aaron, buti nakasunod ka. Akala naman di ka na dadating." Salubong ng isang pabebeng babae.
"Oo nga sir! Kanina ka pa namin hinihintay eh." Dagdag pa ng isang pabebe.
Kakadating lang namin pero pinalilibutan na agad siya ng mga babaeng ramdam ko na sagad sa buto ang kalandian..
'tsk! FLIRTS!
"Ay, may kasama ka pala Sir. Sino siya?" Sarkastikong tanong niya habang tinitingnan ako.
"George. Assistant Manager ni Sir Aaron." Pakilala ko at saka inabot ang kamay sa kanila.
BINABASA MO ANG
THE ONE (COMPLETED)
RomanceIsang normal lamang na bata si Georgina kagaya ng iba ay masayahin siya, mabait at mapag mahal na anak. Pero nag bago ang lahat nang iwan silang mag ina ng kanyang ama na wala man lang iniwan ni isang dahilan. At doon na nag simulang maging masalimu...