Chapter 88

151 6 29
                                    


George's POV

"Goodmorning po Sir! Pinatawag niyo daw po ako?" Bati at tanong ko nang papasukin niya ako sa kanyang opisina.

"Maupo ka George." Utos niya at naupo naman akong agad. "Nabanggit ba sayo ni Aaron ang tungkol sa seminar?" Tanong niya.

"Wala po. Ano pong seminar yon?" Takang tanong ko.

"Sa wednesday hanggang sa friday, may aattendan kayo ni Aaron na seminar. Career Enhancement Program yon na gaganapin sa isang venue hotel sa Ilocos." Saad niya. "Makakabuti sa inyong pareho na maattendan iyon at gusto kong pagkatapos niyong makaattend doon ay gumawa kayo ng sarili niyong version ng presentation gamit ang mga natutunan niyo sa seminar at kayo naman ni Aaron ang mag seseminar sa mga empleyado natin. Pagsasama-samahin ko ang bawat branch dito sa Makati para sa icoconduct niyong seminar." Dagdag niya pa. Hindi naman ako tumatanggi sa ganyan dahil the more na nakakachallenge. The more na ginaganahan ako.

"Sige po sir! We'll do our best!" Confident na tugon ko.

"I know. Pag magkasama kayo, you worked wonders! Kahanga-hanga ang team up niyo." Nakangiting saad niya. "2 days lang ang seminar pero hanggang friday ang pina reserve ko sa hotel. Gusto kong sulitin niyong dalawa ang friday na malibot ang ganda ng Ilocos. Ngayon palang, welcome to our family! I am really hoping na ikaw na ang makatuluyan ng pamangkin ko." Nakangiting dagdag pa ni Sir Frank at nahiya naman ako ng sobra.

"Ah thank you po! Sige po, babalik na po ako sa department namin." Nahihiyang paalam ko. At kahit hindi ako nakatingin ay alam kong napatawa siya.

Napaka advance naman kasing mag isip ng mga to! Nakakahiya! I feel so embarrassed kapag natatabunan ng kaba yung buong pagkatao ko.
Bumalik ako sa table ko at nagpaka abala sa trabaho. Pero hindi lilipas ang oras na hindi ko maiisip si Aaron at mapapasilip sa office niya.

"Panay ang silip natin ah? Miss mo na agad?" Panunukso ni Haidie.

"Tsk!" Naitugon ko na lang at ibinalik muli ang tingin ko sa computer.

"Tama ka nga talaga noh? Letting your love go is something you can't force. At alam mo, sa tingin ko kaya narealize din yon ni Natalie ay dahil na din sa pag iisip at pag respeto mo sa feelings niya para kay Aaron. Saludo na talaga ako sayo." Sambit niya.

"Hindi lahat ng ginagawa ko, tama. May mga pagkakataon sa buhay ko na narerealize kong mali ako. Na hindi ko lang mabawi dahil sa pride ko kaya pinipili ko na lang na magsisi. Pero pag dating kay Aaron, hindi ko kayang pairalin ang pride ko, hindi ko kayang mag sisi. Kaya yung mga desisyon ko noon, aaminin kong puro ako alinlangan. Na parang gusto ko na lang sumugod sa gera, wala akong pakealam kung may masaktan basta ako ang pipiliin niya. Love is really selfish. Ngayon ko lang naramdaman to." Seryosong kwento ko.

"Sabi nga, meron daw isang tao na dadating sa buhay mo na kahit hindi mo nakatuluyan pero masasabi mo pa din na siya yung pinaka minahal mo sa lahat! Mayroong dadating sa buhay mo na sobrang mamahalin mo na parang pakiramdam mo, hindi ka na mabubuhay pag nawala siya. Natagpuan ko na yung sakin pero hindi siya ang itinakda para sakin. Natagpuan mo na ngayon ang sayo at nasisiguro kong siya na ang nakatakda para sayo." Makabuluhang saad ni Haidie. Matapos niya sabihin yon ay lumabas si Aaron sa opisina niya. Sa akin na agad siya nakatingin habang nakangiti.

THE ONE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon