Someone's POVAng tagal na noong huli akong pumunta rito. Wala pa ding pagbabago. Mainit pa rin sa lugar na 'to. May ilang taon na nga ba noong huli? I think it's 8 years ago.
Pagkarating ko sa airport ay naghihintay na sa'kin ang mga tito ko with his family. Ayoko man ay kailangan ko silang salubungin.
"Zack!" Tawag sakin ni Tita na agad akong sinalubong ng yakap. "It's been so long! Look at you, mas lalo kang gumwapo!" Bulalas nito.
"Wala namang pangit sa lahi natin tita," payabang na biro ko.
"Welcome to the Philippines Zack," sambit ni Tito at kinamayan ako.
Pilit akong ngumiti, "thank you tito!"
"Say hi to your uncle Zack, Ellaine!" Sambit ni tita sa bunso niyang anak.
Sinamaan niya ako ng tingin, "hi," walang ganang bati niya sakin.
"Yeah, you're still mad at me ha?" Nakangiting tanong ko pero inirapan niya lang ako. "I'm sorry about that, but let's move on. In fact, it's a very long time ago. I've already forgotten about it." Saad ko.
'I will never forget about it! How I felt great noong malamang sobrang nadurog si Aaron ng agawin ko sa kanya ang girlfriend niya.
Oh? I haven't introduce myself yet! I'm Zack Edris Flores. Aaron's cousin, I am the one who stole Natalie from him. I must say that was the greatest days of my life, knowing how I actually destroyed Aaron's simple and boring life.
"Zack, remember why I asked you to come here." Sambit ng isa ko pang tito na kakatapos lang sa phone call niya. Si Tito Frank na s'yang nag pauwi sakin dito.
"Yeah, I have to help you manage the company while Aaron is in Dubai. I know, I know!" Saad ko. "Nag tatampo pa din ako na hindi mo sakin ipapamana ang company but it's okay. I hope you are not wrong for choosing Aaron instead of me." Mayabang na saad ko. Pare-pareho silang natahimik kaya naman nagpakawala ako ng bahagyang pagtawa. "I was just kidding! Don't be so serious, I know Aaron will handle the company well! And isa pa, I have a lot of business in Australia and other parts of the world so I have no time for any more business here in the Philippines." Dagdag ko pa at naglakad na palayo. "Ah nga pala, I will be staying at a luxury hotel in Manila for the whole month." Saad ko sa kanila.
"Pwede ka naman samin mag stay Zack, parang noong dati lang." sambit ni tita. As usual, napakabait pa din but I don't like that.
Tipid akong ngumiti, "Thank you tita, but I prefer to stay in a hotel. That's much comfortable for me." Tugon ko.
Bumiyahe na kami at inihatid nila ako sa hotel. Niyayakag pa nila akong kumain sa labas pero nag dahilan akong pagod na at gustong magpahinga. I don't hate them, I just donty like to be with them anymore! And the reason behind that is something I don't want to discuss to anyone.
Nahiga ako sa malambot na kama ng hotel room ko at nag internet para tingnan anong pinakamalapit ng auto company sa hotel. At nang makita kong may Ford ay agad akong bumaba sa hotel room at lumabas. Sumakay na ako agad sa taxi papunta doon. Pag dating sa ford ay hinanap ko na agad ang Ford eco sport at binayaran ko na agad.
Pagkabili ay ginamit ko na siya at nag gala sa mga pwedeng magalaan. Pumunta ako sa Tagaytay kung saan may kalamigan ang klima na mas nakasanayan ko na.
Dumaan pa ako sa starbucks doon at doon muna tumambay. Nakipag usap din sa kung kani-kaninong babae na sa pag tingin pa lang sakin ay alam ko ng interesado sila. Hindi naman ako malulungkot sa lugar na'to dahil kahit naman saan ako pumunta ay ako ang nilalapitan ng mga babae. Mga babaeng, pare-pareho lang. Looks, katawan at yaman lang naman ang gusto. Ang daling makuha ng mga babae ngayon! Kaya naman I have no respect for them kaya naman pag pinag sawaan ko at naikama ko na ay iniiwanan ko na din sila. That's why may motto ako na: "What Zack wants, Zack gets!"
BINABASA MO ANG
THE ONE (COMPLETED)
RomanceIsang normal lamang na bata si Georgina kagaya ng iba ay masayahin siya, mabait at mapag mahal na anak. Pero nag bago ang lahat nang iwan silang mag ina ng kanyang ama na wala man lang iniwan ni isang dahilan. At doon na nag simulang maging masalimu...