MAY 2009
Habang abala ako sa pag aayos ko ng gamit ay may nakita akong box na may naka sulat sa ibabaw na "My Elementary Memories". Binuksan ko iyon, at nakita ko sa loob no'n ang mga sulat at remembrance ng mga kaibigan ko noong elementary, meron din mga masasayang pictures namin together. Pero may isang naka agaw ng pansin ko. Isang red na sobre, nag iisa yon sa lahat. Nang buksan ko yon ay may nakuha akong pink na papel at ito ang nabasa kong naka sulat.
____________________________________________________________________________
February 14, 2005
"GOD'S SIGN FOR ME TO KNOW THAT I FOUND THE ONE"
1. Mag papa alam muna sa parents ko bago ako ligawan.
- As a sign of RESPECT.
2. Yayakagin niya ko mag simba sa unang date namin.
- As a sign of FAITH AND LOYALTY.
3. I love rain. Anything na mangyari na kasama ko siya sa ulan.
- As a sign of being PURE AND TRUE.
4. I love food. So gusto ko yung ipag luluto niya ko.- As a sign of LOVE AND CARE.
5. I love music. Kaya, gusto ko yung kakantahan niya ko. Hindi kailangan maganda boses. Basta kakantahan niya ko.
- As a sign of SWEETNESS AND SINCERITY.
And last but not the least. Dahil favorite number ko ang 6. Anim din ang sign na hihingin ko.
6. Makita at makasama ko siyang tumulong sa mga nangangailangan lalo na pag para sa mga bata. Cause I love kids. :)
- As a sign of PATIENCE AND RESPONSIBILITY.Mr. The One ;)
Excited na ko na makilala ka. :)
Georgina Jane Angeles ;)
____________________________________________________________________________
Ako pala ang nag sulat nito 4 years ago. Grade 6 ako nito. Eto yung mga panahon na hindi pa kinukuha ng mundo ang kabataan ko. Punong puno pa ako ng pagmamahal at saya. Nakikita ko pa ang ganda at kulay ng paligid ko. Ang taas nang paghanga ko sa mundo ng pagibig. Pero sa isang kurap unti-unting gumuho ang lahat. Parang binabayo ng bomba na may kasabay pang bagyo ang mundo ko.
'tsk! May pa sign sign pang nalalaman! Kalokohan! Hindi na ko muling mag papakatanga sa pag ibig na wala namang ibang ibinigay sakin kung hindi sakit! May sign man o wala, ang mga lalake ay pare pareho lang! Parang panahon, paiba iba... mainit sa umaga, malamig sa gabi, tirik ang araw pero biglang uulan. Palaging walang kasiguraduhan, papalit palit, hindi consistent. Parang mga lalake, ganyan ganyan! At kamalas malasan pa, minsan parang bagyo ang mga yan. Ang lupet ng pag dating wasak ka pag umalis.
__________________________________________________________________________________________________________________
Disclaimer:
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
©SakuraRobyn
BINABASA MO ANG
THE ONE (COMPLETED)
RomanceIsang normal lamang na bata si Georgina kagaya ng iba ay masayahin siya, mabait at mapag mahal na anak. Pero nag bago ang lahat nang iwan silang mag ina ng kanyang ama na wala man lang iniwan ni isang dahilan. At doon na nag simulang maging masalimu...