Mark's POV"Kaya imbis na magpasalamat, gusto kong sabihing ang pag dating mo yung isa sa magagandang nangyari sakin." Nakangiting sabi ni George at saka tumingin sa table nila Zie "You helped me see the rainbow after every rain. And you help me found my true colors again. Mas madami pa sana tayong pagsamahan. Thank you for the friendship Goku!" Dagdag niya pa. Ngumiti ng sobrang ganda at kumindat pa matapos sabihin ang Goku.
Napako ang paningin ko doon sa table nila Zie at tiningnan ng masama ang lalaking kanina ay humalik pa sa kamay ni George. Nasisiguro kong ito ang tinutukoy nilang Aaron.
Sobrang inis ang nararamdaman ko sa mga oras na to habang nagtititigan silang dalawa. Paano mong nasabi ang lahat ng yan George? Hindi mo ba naisip na masasaktan ako? Hindi mo pa nga kinumkumpirma sa akin kung anong nararamdaman mo, eto ka ngayon at pinag papalit na ko sa lalaking saglit mo pa lang nakikilala! Paano ka nakakasigurong hindi ka sasaktan ng lalaking yan? Na sa itsura pa lang ay mukhang babaero na!
Hindi ako papayag na may ibang lalaki kang mahalin. Ako lang ang pwede mong bigyan ng mga ngiti at tingin na yan. Walang deserving na lalaki para sayo kundi ako lang! Hindi ang Aaron na yan at kahit na sino pa!
"Wow! Napaka sweet naman ng last na mensahe ni Ms. George sa tinatawag niyang Goku!" Pang iintriga ni Juvy at binigyan si George ng nanunuksong tingin. "Pwede ba naming makilala ang Goku na yan Ms. George?" Tanong pa ni Juvy.
"I think he's in table 8!" Sambit ni Troy at agad namang tumingin doon si Juvy.
"Ms. George, would you mind if I go there and see the man behind your so-called Goku?" Nakangising tanong pa ni Juvy na wari'y kinikilig.
Sumenyas lang naman si George na pinapayagan siyang pumunta don."Ayiiiieee!!" Dinig ko pang hiyaw nila Zie at nangingibabaw ang kay Ria.
Nagmadali namang lumapit si Juvy sa table 8 at natapatan naman yon agad ng spotlight.
"Ay my gosh! Parehong gwapo!" Bulalas ni Juvy nung makalapit sa table nila. "Sino po di--?" Naputol ang pagtatanong ni Juvy nang agad nilang itinuro ang lalaking katabi ni Ria. Nakatungo pa ito at hindi tumitingin kay Juvy.
"Sir A, enebe! wag ka na mahiya! Pakita ka na!" Bulalas pa ni Ria habang hinihila ang kamay ng lalaki.
"Wait lapit ako!" Sabi naman ni Juvy. At noong makalapit ay sila na lang ang tinatapatan ng spotlight. "Kuya, tayo ka naman para mas makita ko yung face mo at para mas makita ka na din ng lahat doon sa screen!" Karagdagang saad pa ni Juvy. Halata man ang pagkahiya ay tumayo siya at inayos ang kanyang tindig. Nag appear sa malaking screen ang mukha niya at halos magtilian naman ang iba pang babaeng nandoon.
"Omg!! Sobrang gwapo mo naman pala kuya! Nahihiya ka pa dyan!!" Kinikilig pang saad ni Juvy. "Yung totoo, mukha po kayong artista! Omg! Na love at first sight na ata ako!!" Dagdag niya pa at ipinulupot ang braso sa braso ng lalaki. Tatawa tawa lang naman ito sa kanya.
"Hey Juvy! Nanlilisik ang mata ni Ms. George." Natatawang sambit ni Troy na kasalukuyang nasa tabi ni George. Agad naman akong napatingin kay George pero hindi naman ganoon ang tingin niya. Nang aasar lamang si Troy.
"May gusto ka bang sabihin Ms. George?" Tanong pa ni Troy at itinapat sa bibig ni George ang mic."Hands off." Seryosong sabi ni George at saka kumindat at ngumiti.
Ano to? Bakit ganito? Para akong binabayo ng matindi dahil sa inaasta nilang to ngayon. Ang closeness nila ay higit pa sa closeness namin ni George.
"Ay sorry! Hands off pala!" Paumanhin ni Juvy at saka inalis ang braso niyang nakapulupot sa lalaki. "Anong name mo po kuya?" Ngiting- ngiting tanong ni Juvy.
BINABASA MO ANG
THE ONE (COMPLETED)
RomanceIsang normal lamang na bata si Georgina kagaya ng iba ay masayahin siya, mabait at mapag mahal na anak. Pero nag bago ang lahat nang iwan silang mag ina ng kanyang ama na wala man lang iniwan ni isang dahilan. At doon na nag simulang maging masalimu...