Aaron's POVHindi ako makapaniwalang naririnig ko ang lahat ng madidilim na nakaraan ni George. Napaka hirap pala talaga at napaka lupit ng pinag daanan niya. Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit ganoon siya katigas at katapang noong una ko siyang makita at makilala. Gulat na gulat ako habang pinanliligiran na din ako ng luha ng dahil sa mga ikinukwento niya. Pero hindi lang iyon ang naramdaman ko. Nananaig ang matinding galit na nabubuo sa loob ko. Tila, gusto kong pumatay ngayon mismo! Gusto kong pahirapan hanggang sa mamatay ang lahat ng nag pahirap sa buhay niya.
"Anak, alam kong mahirap iyong burahin lahat sa isip mo. Kaya gusto mo ba, mag seek tayo ng professional help sa case mo. Para ma-therapy ka." Suhestiyon ni Sir Nick kay George.
"Naisip ko na din yan. And I think wala naman mawawala kung susubukan ko. May kilala si Aaron, dun na lang ako magpapatingin." Tugon ni George pero pansin kong simula nang matapos niya ikuwento ang lahat ay hindi na siya muli pang tumingin sakin.
"Ah opo. Mother po ng isang kaibigan ko noong college. Magaling po siya and madami na po siyang natulungang patients." Kinakabahan pang tugon ko sa daddy ni George.
Hindi naman ito tumugon at tinitigan lang ako ng makahulugan."Salamat! Salamat sa lahat ng ginagawa mo para sa anak ko. Hindi ko talaga gusto at hindi ako kumportable pag may mga umaaligid na lalaki sa anak ko. But you are an exception. To think that George let you stay here while she tells us her past, you must really have her trust. So, I hope you will not break that. Because if you do, I am the one who's gonna break you. Limbs by limbs!" At napalunok naman akong agad sa sinabi niyang iyon. Nakakatakot ang daddy ni George. At sa tingin ko ngayon ay mas lalo siyang magiging protective kay George dahil sa mga nalaman niya.
"Hon! Wag mong takutin si Aaron!" Pigil ni Ma'am Cindy at hinawakan ako sa aking braso. "Wag mong kakalimutan na ang batang ito ang sumagip kay George at nag balik satin. He should be rewarded!" Bulalas pa nito. "Anong gusto mong reward?" Tanong nito na may halong panunukso. "Do you want George for the rest of your life as a reward?" Dagdag na panunukso pa nito at kinindatan ako.
"Tita!!" Bulalas ni George. Kahit hindi niya ako matingnan ay kita ko ang pamumula sa mukha niya.
"What?! Hehehe! I'm just kidding!" Natatawang sambit naman ni Ma'am Cindy.
"Sobrang ganda naman po ng reward na yon! Pwede ko po bang seryosohin?" Pabirong tanong ko at natawa naman si Ma'am Cindy sakin. Napatingin naman sakin si George dahil don. Nginitian ko naman siya at kininditan pero nag iwas lang siya agad ng tingin.
"Hindi pa pwede!" Bulyaw ni Sir Nick at napataas naman ang balikat ko sa gulat.
"Nag bibiro lang po ako Sir." Napapakamot kong sambit.
Matapos ang kulitan na iyon ay sabay-sabay kaming kumain habang nagpatuloy sa kwentuhan. Malamig man ang pakikitungo sakin ng daddy ni George ay pakiramdam ko naman ay nakuha ko na ang kahit 3% ng loob niya at tiwala. Okay na sakin yon. It's a good start for me bago ako tuluyang kumilos sa totoong nararamdaman ko para kay George.
"Ah Sir, Ma'am. Aalis na po muna ako kasi may kailangan po akong asikasuhin." Pag papaalam ko.
"Oh? But I thought, nag request ka ng leave niyong dalawa sa trabaho para sa araw na'to?" Tanong ni Ma'am Cindy.
"Something came up po so I need to go po muna. Pag natapos po ako agad ay babalik po ako." Tugon ko.
"I'm coming with you. If it's work, I think I can help you." Sambit ni George na hindi pa din makatingin sakin ng diretso.
BINABASA MO ANG
THE ONE (COMPLETED)
RomanceIsang normal lamang na bata si Georgina kagaya ng iba ay masayahin siya, mabait at mapag mahal na anak. Pero nag bago ang lahat nang iwan silang mag ina ng kanyang ama na wala man lang iniwan ni isang dahilan. At doon na nag simulang maging masalimu...