Chapter 119

131 7 24
                                    


George's POV

February 12....

Kasalukuyan naming tinatahak ni Aaron ang daan papuntang airport.
Hinatid din kami ng driver namin na si Kuya Teddy.

Kahapon pa umalis sila Dad, mom at Zaira dahil meron daw importanteng event na gaganapin sa resort nila mommy at kailangan niya ang tulong ni dad at Zaira kaya hindi sila nakasama sa paghahatid sa'min ngayon ni Aaron.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung saan ba kami talaga pupunta. Ayokong magtanong at mangulit dahil kita sa mukha ni Aaron ang magagandang ngiti niya.

Pagdating namin sa airport ay naupo muna kami at naghintay ng oras. 1pm kasi ang flight namin at 12:40 pa lang naman.

"Hindi mo pa din ba sasabihin sakin kung saan tayo pupunta?" Tanong ko.

Nakangiti siyang umiling. "Tsk! Konti na lang iisipin ko nang nasisiraan ka na," dagdag ko.

"Ano kamo?!" Gulat na usal niya.

"Eh pa'no, para kang baliw, panay ang ngiti mo dyan. Para kang asong nauulol! Matatakot na ba ako't sumama ako sayo?" Pang aasar ko.

"Hoy! Anong asong nauulol ha?! Mag bibirthday ka lang, grabe ka na makapag salita ah!" Bulyaw niya sakin.

Pilit kong pinanatiling seryoso ang mukha pero ang totoo'y gusto kong tumawa ng malakas dahil ang cute niya.

"Masaya ako Georgina! Kaya hindi mawala ang ngiti ko, tsk!" Singhal niya.

Sinamaan ko siya ng tingin, "pero hindi mo kailangang buuin ang pangalan ko!" Inis na sabi ko at nakangiti naman niya akong niyakap.

"Hehehe sorry na! Wag ka na mainis, baka mag super saiyan ka at burahin mo ko sa mundo, hindi matuloy ang mga plano ko." sabi niya at sinundan pa ng tawa.

'nabaliw na nga ng tuluyan!

"Mukhang may binabalak ka nga saking hindi maganda, umuwi na kaya ako?" Pang aasar ko pa rin.

Pero imbis na maasar siya ay sinugod niya ang mukha ko, "Paano kung meron nga? Anong gagawin mo? Sa tingin mo, makakaalis ka pa ngayon dito?" Mayabang na sabi niya. Nailang ako at lumakas ang tibok ng puso ko. "Baka nakakalimutan mong dalawang buwan at mahigit na kitang hindi nasosolo! Kaya tigil-tigilan mo ako sa pang aasar mo at pag ganitong sobra ang pagkasabik ko sayo ay mahalikan kita rito!" Maangas na sabi niya. Para akong hindi makahinga! Lalo lang siyang gumagwapo sa ginagawa niya.

At isa pa hindi ko maitatangging nang pagbalik niya at tila mas lumaki ang katawan niya. Mas lalo tuloy nadagdagan ang kagwapuhan niya. Nakuwento niya kasing nag ggym sila roon sa umaga at gabi para maibsan ang lungkot nila na malayo sa mga mahal nila, tapos ay kinuha pa ang way nila to communicate.

"L-Lumayo ka nga sakin!" Nauutal na bulalas ko at itinulak siya ng bahagya.

"Hindi na ko lalayo pa sayo Chi-chi ko! Matapos ng bakasyon nating 'to, hinding-hindi ka na makakawala pa sakin.." sabi niya.

"A-Ano bang pinag sasasabi mo dyan?!"

"Babakuran na kita habang buhay.." ngingisi-ngising sabi niya pa.

THE ONE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon