Chapter 31

131 10 19
                                    

Aaron's POV

Nakakatuwang isiping iba't ibang George ang nakita ko simula nang maging okay kami. Ang dating walang expression at blangkong itsura niya, ngayon ay nag iiba na. Nakita ko na siyang masaktan, umiyak, matakot, kabahan at mabahala. Babaeng babae siya kapag ganon siya at ang cute ng dating sakin non. Although lamang pa din sa kanya ang pag papakita ng seryoso at yabang pero cool naman kasi siya pag ganon kaya ayos lang din. Nakita ko na din ang pinaka magagandang ngiti at tawa niya. Pero merong pinaka tumatak sakin. Yung kapag naiilang siya sa tuwing tititigan ko siya at nung mamula siya matapos kaming tuksuhin sa isa't isa.

Gusto kong maging makasarili, na sana ako pa lang ang nakakita ng lahat ng yon. Ang iba't ibang side niya. Pero imposible, dahil mayroong isang bagay na hindi ko magagawang makita sa kanya para ako lang ang makakita. Yung itsura kapag inlove siya kung paano siya maging masaya kapag ang lalaking mahal niya ang kasama niya.

Kasalukuyan ko siyang tinititigan habang pinakikinggan ang napaka gandang boses niya habang kumakanta. Nakapikit lang siya habang kumakanta kaya mas lalo akong napatitig sa kanya. Si George ang klase ng babaeng kahit na sa una magiging panget ang impression sa kanya pero pag nakilala siya ay talaga namang mamamangha ang kahit na sino. Kahit na pakiramdam ko ay napaka dami niyang itinatago mula sa nakaraan niya, sa kung anong totoong pagkatao niya alam ko sa sarili ko na kung ano man yon ay hindi pa din magbabago ang tingin ko sa kanya. A strong independent woman yun siya sakin.

Sa huling part ng kanta ay dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata. At lalo naman akong napatitig sa kanya ng dahil don. Nag tama ang paningin namin nang sa akin siya unang tumingin.

'wag kang ganyan! Baka lalo ko tong hindi mapigilan!

Nang magtagal ang tinginan namin ay siya na ang unang nag iwas ng tingin. Nailang na naman siya at bahagyang namula at hindi ko alam kung bakit para akong kinikilig pag nag kakaganun siya. Natapos siyang kumanta, pero nang dahil sa pagkailang niya sakin ay kahit nag rerequest pa ang iba na kumanta siya ay umayaw na siya.

'ayaw niya pala pag tinititigan siya! Hehe! Ang cute!

"Ria, magaling ka ding kumanta diba?" Tanong ko kay Ria.

"Akes?! Yis naman Sir A, bakit?"

"Kanta ka naman, alam mo yung ngiti ni Ronnie Liang?" Tanong ko.

"ayyy.. ayiiieeee! Knows na knows ko na ang mga pa eklabu mo Sir A! Gagamitin mo ba akes sa pang haharana? Hehehe!" Kinikilig pang tugon niya.

"Pwede ba?" Nakangiting tanong ko.

"Plangak na plangak Sir A! Wit lang, at itatabi ko siya sayo para mas nakakakilig! Yiiiieeeee!! Bakla!!!!!!!" Sigaw nito at saka nilapitan si George na nag lalakad na papaalis ng hall.

Hinablot niya ang kamay ni George at hinila papalapit sakin at pinaupo ito sa inuupuan niya kanina na nasa tabi ko naman.

"Maupo ka dyan!" Singhal ni Ria kay George matapos iupo sa tabi ko. "Etchuserang ito! Biglang nag wawalk out pag kinikilig! Kakanta ako, kaya maupo ka lang dyan!" Utos nito. "Akes! akes naman muna ang kakanta! Bago mamaya, siya ulit." Baling ni Ria sa mga nandoon.

"Sandali! Iinom lang ako." Saad pa ni George.

"Ayan may tubig ako dyan! Di ko pa naiinuman yan! Dyan ka uminom." Utos ni Ria at saka nag model pa sa paglalakad papunta sa harapan.

Hindi naman ako halos matingnan ni George. Itinuloy kong titigan siya at masasabi kong mas gusto kong titigan siya pag sa malapitan. Mas lalo ko kasing nakikita yung ganda niya na natatago lang dahil sa way ng pananamit at pag aayos niya. Marahil, sinasadya niya na hindi mag ayos para hindi mapansin. Pero bakit ganon? Napansin ko pa din siya at di lang basta pansin. Na aatract pa ko sa kanya!

THE ONE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon