Chapter 34

137 8 12
                                    

George's POV

"Bakit ka naman maiilang? Dahil ba sinabi kong ikaw ang pinaka mahalagang tao ngayon sa buhay ko?"

"Totoo yung sinabi ko. Kaya aalagaan at poprotektahan kita kahit anong mangyari."

Nag paulit-ulit sa isip ko ang mga sinabi niyang yon. Hindi ko din magawang kalimutan ang mga titig niya. Damang dama ko ang sincerity sa bawat salitang binibitawan niya. At hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. May kung ano akong nararamdaman sa puso ko na hindi ko matukoy. Buong araw akong naiilang sa kanya, sa tuwing mapapatingin ako sa kanya ay may kung anong kaba ang nararamdaman ko lalo na kapag nahuhuli niya akong tumitingin sa kanya.

Sa ika-apat na araw namin ay pinag laro kami ng basketball. Boys and girls at volleyball boys and girls din. Doon ko nakita na magaling pala siyang maglaro ng basketball. At siya lang ang lalakeng nakita kong pawis na pawis na pero ang gwapo padin at ang lakas ng dating. At sa tuwing makakapuntos siya ay kung bakit ba naman kailangan niya pang tumingin at ngumiti sakin kaya halos lahat ng babaeng nandoon ay tumitili at nanunukso sa pangunguna nang baklang si Ria. Pero ang mga plastic bag ay mga mukhang nalukot ang mga pag mumukha sa inis sakin.

Nang natapos ang nakakapagod na araw ay dumiretso ang iba para maligo sa beach pero ako ay dumiretso na sa cr at doon na lang naligo. Pagkatapos ay pumunta na ako sa tent at nahiga.

Matagal-tagal na noong huling mapagod ng ganito ang katawan ko at masasabi kong nakakapanibago pero nakaka tuwang matatag padin ako. Pagod man pero hindi parang binugbog di gaya ng ibang mga babae.

Maya-maya lang ay dumating si Aaron may dalang tatlong balot ng magic creams!

"Oh! Eto pa oh! Kaya wag mo titipidin ang pagkain." Seryosong saad niya at saka lumabas ng tent.

'ha? Anong problema non? Bigla na lang nag walk-out!

Seryoso ang mukha niya at sa tingin ko ay may gumugulo sa isip niya. Nag alala naman ako kaya kahit pagod ay agad akong bumangon para sundan siya. Pero pagbukas ko ng tent ay nandoon lang pala siya sa labas at nakaupo.

"Salamat sa magic creams." Agad na sabi ko. Tumango lang siya habang nakatingin sa malayo at hindi na umimik.

"Alam mo ba yung pakiramdam na parang kahit anong pagsisikap mo parang hindi sapat para sa iba yung ginagawa mo?" Biglang sambit niya at napatingin naman akong agad sa kanya.

"I have this cousin na nasa kanya na ata ang lahat. Looks, brains, skills, talent at lahat ng gusto niya nakukuha niya. Favorite siya ng lahat. He's an architect na sikat na ngayon sa iba't ibang panig ng bansa. Matanda lang siya ng isang taon sakin pero mas madami at mas malayo na ang narating niya. At kapag dadating siya, pakiramdam ko nabubura ako sa paningin ng lahat. Kahit pa sa parents ko, yung feeling na para bang hinihiling nilang sana ganon din ako. Itong business na to, sa tingin ko nga sa kanya dapat mapupunta ang lahat ng to pero mas mataas ang ambition niya kesa dito kaya naging taga salo lang ako." Kwento niya. Natigilan siyang saglit at saka tumingin sakin. "Yung last na girlfriend ko, yung dapat nga sana ay last ko na. Iniwan ako at nag ibang bansa at after one year bumalik siya kasama ang pinsan ko. Don ko nalamang sila na pala kaya pala kahit anong effort ko hindi na siya babalik sakin. Then nabalitaan ko na lang na he dumped her and sa isang iglap napalitan niyang agad. Yung babaeng minahal ko tinapon niya lang na parang basura. At ngayon, tumawag sakin si tito Frank na babalik daw ang pinsan ko na yon at dadalaw one of this days. Hays.. Sasakit na naman ang ulo ko!" Dagdag niya pa.

"Naiinggit ka sa kanya?" Tanong ko.

"For some reason, oo. Masyadong lapitin ng swerte ang isang yon kahit na may pagka mayabang." Tugon niya.

THE ONE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon