WARNING : MATURED CONTENT!!WARNING : MATURED CONTENT!!
Aaron's POV
Pagkatapos naming maglaro ng board games ay niyaya ako ni George na maglinis ng condo niya. Siya ang nag walis at ako naman ang nag mop ng sahig. Nang matapos ay sabay kaming nagpunas ng mga cabinet, nag ayos at nag palit ng bedsheet at punda ng unan sa mga kwarto pati na din ang cover ng sofa at kurtina para sabay-sabay ng maipa-laundry. At ang pinaka huli naming ginawa ay mag linis ng c.r.
Mag gagabi na noong matapos kami sa lahat ng linisin. Saglit kaming nag pahinga sa veranda.
"Maliligo na muna ako, nangangati na ko eh." Sambit niya.
"Sige," tugon ko. Paalis na siya ng maalala ko yung dala ko. "Ah, wait!" Pigil ko sa kanya. "Pagkaligo mo, isuot mo to." Saad ko at inabot sa kanya ang paper bag.
"Ano to?" Takang tanong niya.
"Mamaya mo na lang tingnan," nakangiting sabi ko.
"Okay," tipid na tugon niya at pumasok na kwarto niya. Ako naman ay pumunta na rin sa isa pang cr sa labas at doon na naligo.
Habang nag shoshower ay malalim ang iniisip ko. Nakita ko na kasi ngayon ang sinasabi nila Zie na lungkot na nakikita nila kay George. And I realized that I am not paying much attention to her dahil sa pagiging busy ko sa work, sa business, sa pinagawa kong bahay at sa surprise proposal ko sa kanya. I wanted to tell her para mawala na yung mga alalahanin niya but I don't want to ruin my surprise.
Pagkatapos kong maligo ay isinuot ko na din ang kapareho ng ibinigay ko sa kanyang damit. Paglabas ko ay tumawag na lang ako sa burger king para magpa deliver ng dinner namin. Siguradong pagod na siya kaya ayoko ng paglutuin pa siya ng dinner namin.
Naupo muna ako sa sofa at nagbukas ng tv. Habang nanonood ay lumabas na siya sa kwarto at agad ko naman siyang nilingon at tinitigan habang nakangiti, "Kahit anong suot mo, ang ganda mo pa din talaga chi-chi ko." Sambit ko at nailang naman siya.
"Medyo maluwag nga sakin eh," nahihiyang sambit niya na hindi makatingin sakin.
Lumapit ako sa kanya at hinawakan siya sa bewang, "ang daya mo nga eh, kahit anong isuot mo, ang ganda-ganda mo pa din!" Saad ko naman at dinampian siya ng halik sa labi.
"Ang cute nitong couple na pajama na binili mo, talagang Dragon Ball pa ah!" Nakangiting sabi niya habang nakayakap sakin.
"Syempre naman, Goku at Chi-chi nga diba?" Sabi ko at pilit ang ngiting iginanti niya. Ayun na naman ang lungkot sa mga mata niya. "Tara, nood tayong movie. Nag padeliver ako ng pagkain para hindi ka na magluluto, alam kong pagod ka na." Saad ko.
Nauna siyang maupo sa sofa at sinundan ko naman siya at tinabihan. "Anong pinadeliver mo?" Tanong niya.
"BK," sabi ko. "Favorite mo yung whopper at mocha joe diba?" Dagdag ko pa.
"Hmm.. natatakam na ko agad," aniya.
"Ako din, natatakam." Sambit ko naman at saka hinawakan siya sa pingi at hinalikan sa labi. Pero hindi pa man lumalalim ang halik na 'yon ay may nag nag ring na ng bell ng pinto. "Yan na yata yung BK, kunin ko lang. Dito na lang sa lamesa sa sala," saad ko sa kanya at inalis naman niya agad ang mga nakapatong sa lamesa.
BINABASA MO ANG
THE ONE (COMPLETED)
Roman d'amourIsang normal lamang na bata si Georgina kagaya ng iba ay masayahin siya, mabait at mapag mahal na anak. Pero nag bago ang lahat nang iwan silang mag ina ng kanyang ama na wala man lang iniwan ni isang dahilan. At doon na nag simulang maging masalimu...