>>> Magiging maganda ang chapter na to para sayo Ria! Love kita! 😘Ms. A 😉
Ria's POV
Kasalukuyan kaming nag lulunch sa canteen. Ang sarap ng libre! Iba rin tong si Sir A, pati kami damay sa ligawan! Thankful naman aketch don! Kaya lang, nakaka imbyerna ang kasweetan! Nakakainggit!
"Tapos ka na agad kumain?" Tanong ni sir A kay sis.
"Oo. Bakit?" Tugon at tanong naman ni sis.
"Yun na yon?! Kain na ang tawag mo don?!" Bulalas na pangungumpirma ni sir A. Tumango naman si sis. "Grabe yung kain mo, ang konti! Madami pa atang kumain sayo ang kuting eh!"
"Pati ba naman pagkain ko sinisita mo! Ano bang gusto mong makitang pagkain sakin? Parang pang baboy ganon?!" Sarkastikong tugon ni sis.
'grabeng mag okrayan tong dalawang to! Parang walang feelings sa isa't isa eh! Pero bakit ganon? Ang sweet padin nila panoorin!
"Kaya ang payat mo eh! Muka ka ng ting-ting oh!" Dagdag pa ni sir A.
"Wala ka ng pakealam don!" Walang emosyong tugon ni sis at itinuloy ang paghigop ng gatas sa box.
"Ganern ba talaga ang lambingan niyo? Nakakaloka kayo!" Bulalas ko.
"Ang cute kayang tingnan. Para magsalitaan sila ng ganyan pero hindi naaasar or naooffend, ibig sabihin lang non sobrang lalim na ng pinagsamahan nila." Saad ni Haidie.
"So ibig sabihin, pag naging sila, mas magiging malala pa yang mga ganyang eksena?" Tanong ko pa.
"Oo. Ihahagis ko na to mula sa balkonahe ng condo unit ko." Blangkong tugon ni sis at natawa naman kami ni Haidie.
"Nakakatakot to! Napaka sadista!" Bulalas ni sir A.
"Sows! Mahal mo naman eh! Ayos lang yan kahit mahulog ka mula sa 7th floor." Saad ko at napatawa naman ng malakas si sis.
"Tsk! Tatawa-tawa ka dyan!" Nagmamaktol na saad ni sir A. "Magsanay-sanay ka na sakin dahil itong gwapong to na ang makakasama mo habang buhay."
"Yun ay kung papayag ako." Maangas na sabi ni sis at saka ngumisi. Ang cool tuloy lalo ng dating niya. "Mag cr muna ko." Paalam niya at saka tumayo.
"Aaahh! I'm so inlove with that woman! Nakita niyo yon? Yung ngising yon?! Simula nung una kong makita yon, hindi na siya nawala pa sa isip ko!" Bulalas ni sir A. Kumikislap ang mga mata napaka ganda ng mga ngiti.
"Nakakaloka! Ang sarap naman kapag may taong ganyan ka kamahal!" Sambit ko.
Totoo! Nakakainggit. Naiintindihan ko naman na hindi madali para sa isang kagaya ko ang mga ganitong klase ng love life. Pero ang sarap pa din naman mangarap na sana may boylet din ako.
Naalala ko tuloy ang bestfriend ko noong highschool hanggang college. Nagkagusto ako sa kanya ng palihim. Mabait siya at masaya akong kasama siya. Hindi ko sinabi sa kanya na bakla ako. Ayoko kasing masira ang magandang pinag samahan naming dalawa. Natakot na din na baka hindi na niya ako kaibiganin.
BINABASA MO ANG
THE ONE (COMPLETED)
RomanceIsang normal lamang na bata si Georgina kagaya ng iba ay masayahin siya, mabait at mapag mahal na anak. Pero nag bago ang lahat nang iwan silang mag ina ng kanyang ama na wala man lang iniwan ni isang dahilan. At doon na nag simulang maging masalimu...