Glauzie's POVHabang nakanta si George sa stage ay saglit akong pumasok sa office ko sa resto para kuhanin ang cellphone ko. Baka kasi tamaan na naman ng toyo ang isang yon at biglang di ulit magpakita.
'kailangang makuha ko man lang ang number niya.
Pagbalik ko sa loob ng resto ay kumakanta pa din siya pero ibang kanta na. Hindi ko maintindihan pero parang kakaiba ang pagkakakanta niya ngayon. Masyadong mabigat at masyadong damang dama. Napatitig akong maigi sa kanya at nakita kong noong nasa huling linya na siya ng kanta ay tumulo na ang kanyang mga luha. Nang magmulat siya ng mata ay may seryoso siyang tinitigan. Sinundan ko ang mga titig na yon at nakita ko ang isang lalakeng nakatayo sa hindi kalayuan at seryoso ding nakatitig sa kanya.
'he looks familiar! Saan ko nga ba siya nakita?
Habang nakatitig ako at kinikilalang maigi ang mukha nung lalake. Ay dali dali namang bumaba sa stage at tumakbo papalabas si Georgina. Tatawagin ko sana siya ng dali-dali din siyang sinundan nang lalakeng yon na katitigan niya.
'aba! Mukhang nagbago na nga siya! Luma lovelife na ang lola! Level up!
Lumabas din ako at tinanaw si George. Sumakay siya sa kotse niya at sunod naman ay yung lalake.
'late na nag dalaga ang isang to! Nag iinarte na din at may pa walk out pang nalalaman!
Sa loob ko ay natutuwa ako. Noon pa man ay kaibigan na ang turing ko sa kanya. Kahit anong sama niya sa pakikitungo sa lahat ay gusto ko pa din siyang maging kaibigan. I just found her unique and challenging. And I know that she's not being hard to others, she's being hard on herself. Alam kong may mabuti siyang puso deep within her nandon yon pero natabunan sa hindi ko malaman na dahilan. Minsan, pag titingnan ko siya ay nakakadama ako ng matinding lungkot at sakit sa mga mata niya. Kaya naman mas lalong gusto kong maging parte ng buhay niya bilang kaibigan. Hindi man siya gaanong nag sasalita at ako lang ang panay ang daldal, alam kong nakikinig siya sa ginagawa ko ay nakakabawas yon sa mga iniisip niya. Hindi man siya ngumingiti o tumatawa naniniwala akong isang araw ay maipapakita niya sakin yon at maririnig ko din sa kanyang kaibigan din ang turing niya sakin.
At eto nga nangyari nga. Masaya ako. Madami naman akong kaibigan pero sabi nga, lagi daw merong nag iisang kaibigan na tatak sayo at gusto mong maging bahagi ng bawat pahina ng buhay mo. At ang nag iisang yon para sakin ay si George. Hindi ko man malaman kung kaibigan din ba ang turing niya sakin pero alam kong naging totoo siya sakin noon.
'granted na sa kaibigan. Lovelife na lang talaga ang kulang sakin!! Tsk!
Habang nakatanaw ako sa may kotse ni George ay biglang bumuhos ang malakas na ulan. Mula sa labas ng resto ay nababasa ako kaya naman wala akong choice kundi pumasok na ko sa loob. Alam kong babalik pa si George dahil nasakin pa ang bag niya. Pumunta ko sa may nukbar at doon naupo at nag hintay.
Maya-maya lang ay pumasok na si George. Basang-basa siyang nakatayo sa may entrance kaya naman dali-dali akong lumapit sa kanya.
"George?! Anong nangyari sayo? Bakit basang basa ka naman?" Nag aalalang salubong ko sa kanya.
Hindi naman niya ako sinagot at nag dirediretso lang siya papunta sa CR ng resto. Sinundan ko pa siya ng tingin at saka ako lumabas. Paglabas ko ay nakita ko pang nakatayo don ang lalakeng kasama ni George kanina na basang basa din.
"Ah excuse me?" Sabi ko pag lapit ko sa kanya. Taka naman siyang nilingon ako.
'nakakadala naman ang lungkot ng isang to!
"Oo ikaw nga! Bali, ako ang may ari nitong restobar." Nakatingin lang siya at mukhang wala pa din sa sarili. "Ah hehehe! Hindi mo naman tinatanong noh?! Aysst.. Kaibigan ako ni George nag aalala kasi ako. Okay lang ba kayo?" Inalis niya sakin ang paningin niya at saka tumingin nanaman sa kawalan.
BINABASA MO ANG
THE ONE (COMPLETED)
RomanceIsang normal lamang na bata si Georgina kagaya ng iba ay masayahin siya, mabait at mapag mahal na anak. Pero nag bago ang lahat nang iwan silang mag ina ng kanyang ama na wala man lang iniwan ni isang dahilan. At doon na nag simulang maging masalimu...