Chapter 116

132 13 21
                                    


Glauzie's POV

'medyo awkward.. oo! Awkward talaga..

Magkakasama kami ngayon sa resto ko. Maliban kay Ria na nasa ibang bansa. Kumpleto kami ngayon dito. Ako, si Jed, Aaron, George, Haidie, Simon at ang newest member ng barkadahan si Zack-- na alam naman nating lahat na patay na patay kay George!

Iba din itong haba ng hair ng kaibigan ko josko! Ang sarap sabunutan! Alam mo yung hindi makatingin si Zack sa kanila lalo na't magkatabi si Aaron at George. Ewan ko ba, ako ang nasasaktan sa ganitong eksena. Pero ngayon ay kahit ayaw makita ni be Zack na ganito ay kailangan niyang mag stay para kay Tito Frank.

Yeah! I know about that! Naikwento na sakin ni George noong mga time na halos araw-araw ay magkasama kami. Nung malaman ko yon ay halos madurog din ang puso ko, close din kasi kami at alam ko kung gaano ka importante ni tito Frank kay Aaron at lalo na kay Zack.

Mukha na namang okay na talaga si Aaron at Zack pero yun nga lang pag papasok sa eksena si George ay nadadama ko ang tensyon at pagkailang. Hindi masyadong nagiging sweet si Aaron kay George pag kasama namin si Zack, marahil alam na niya ang feelings nito para kay George.

Hindi naman din nagbago ang pakikitungo ni George kay Zack yun nga lang ay nililimitahan na niya ang mga kilos niya at hindi na pwedeng maging kasing close sila ng dati dahil iniisip niya ang mararamdaman ni Aaron.

"Ano yang hawak mo?" Tanong ni George kay Aaron na may hawak na papel.

"Leave form," ngi-ngisi ngising tugon ni Aaron.

Tinaasan ng kilay ni George si Aaron at pinag krus ang mga braso, "at bakit meron ka niyan? Aalis ka na naman?" Mataray na tanong nito.

Napangisi si Aaron, "oo," tugon nito at nagsalubong naman ang kilay ni George. "Pero kasama ka na, kaya nga dalawa 'to oh!" Malambing na sabi niya at kinindatan pa ako.

'ay oo nga pala!!! Next week na ang alis namin papuntang Paris para sa engrandeng proposal ni Aaron!

'kung pagtawanan nitong si Aaron si Jed nung nag propose sakin, tapos ngayon, eto siya at mas bongga pa ang hinanda!

Si Jed na ang sumagot ng ticket at visa naming dalawa. Si Haidie naman ay si Simon na ang sumagot. Tindi din ng manliligaw nito, hehehe! Buti na lang at nagsabi na si Haidie samin na nahuhulog na rin ang loob niya kay Simon at baka sooner or later ay sagutin na rin niya. Aba'y hindi kaya biro ang presyo ng ticket papunta roon.. josko! Ay manliligaw palang naman, iba din mag effort! Si Ria at Kiel naman ay susunod din doon. Gastos din ni Kiel ang lahat ng gagastusin nila. Sosyal namin noh? Bigaten ang mga jowa! Hahahaha!

Mauuna kami kila Aaron ng punta doon dahil kami ang mag oorganize at mag papaganda ng lugar na pag gaganapan ng kanyang proposal kaya naman excited na kami!

Sa dami ng naitulong at naibigay samin ni George ay sa ganitong paraan namin naisip bawian siya. At ang makitang napakasaya niya ay sobrang kasiyahan na samin.

"Saan naman tayo pupunta?" Tanong ni George.

"Secret syempre!" Nakangising tugon ni Aaron. "Surprise ko 'to para sa celebration natin ng birthday mo at Valentine's day! Nakatipid pa nga ako dahil isahang celebration na lang.. hahaha!" Natatawang biro niya.

"Tsk!" Singhal ni George. "Kakanta lang muna ako," sambit ni George at nagpunta na sa may stage.

Napatingin ako kay Zack at seryoso lang siyang nakatingin sa basong may alak.

THE ONE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon