Chapter 87

160 10 24
                                    


Aaron's POV

Mag aalas nuebe na ay nasa byahe pa din kami. Naipit kami sa matinding traffic palabas ng Q.C dahil sa meron daw nangyaring aksidente. Halos hindi umuusad ang mga sasakyan dahil hindi pa naiitabi ang dalawang bus na nag gitgitan hanggang sa magka banggaan. Dumagdag pa ang pagcocover doon ng media kaya mas lalong sumikip ang kalsada.

"Ah George, yung mga nakwento mo samin kanina? Totoo lahat yon?" Tanong ko kay George.

"Oo totoo yon. Pero hindi ako ang advisory ng mga batang yon. Sumama lang ako doon sa teacher na nag home visit." Tugon niya sakin. "Yung batang babae at mga kapatid niya, pina scholar ko talaga kay dad. Yun kasi yung hindi pwedeng pabayaan. Ina na siya at gusto kong maitatak sa isip niyang maging mabuti siyang ina para sa anak niya." Dagdag niya

"Kamusta siya ngayon?" Tanong ko.

"Malapit na siyang grumaduate. Ang laki na nang pinagbago niya kesa doon sa batang babaeng una kong nakilala. I'm keeping in touch at paminsan-minsan ay pumupunta ako sa kanila." Tugon niya. Kahanga-hanga talaga ang kabaitan ni George lalo na sa mga kabataan. "Alam kong narinig mo ang pinag uusapan namin ni Ellaine noong nasa kwarto pa kami. You heard every word she said right?" Pangungumpirma niya.

"How did y--?" Binigyan ko siya ng nagtatakang tingin.

"Nabasa ko sa expression mo. Alam kong matagal ka ng nasa pinto ng kwarto kaya nang pumasok ka, halata sa itsura mo na nalulungkot ka para kay Ellaine." Paliwanag niya.

"Wala talaga akong maililihim sayo noh?" Natatawang tugon ko. "I really am worried about her. Yung story mo doon sa huling bata, pakiramdam ko ako yon. Ganoon din ang naramdaman ko noong ako pa lang ang anak nila. Wala silang oras lagi sakin dahil puro sila trabaho at palagi lang akong magisa. Bihira ko silang makita at makasabay kumain. Hindi rin sila nakakapunta pag may mga activities ako sa school. Tanging pag recognition at graduation lang yung pag importante lang. Hindi lang ako napariwa ng ganon pero mas gusto ko na lang kasama mga barkada o kaya doon kila Jed kasi buo sila laging pamilya at para na akong anak ituring ng mga magulang niya. Pag may mga sports or contest, mga magulang ni Jed ang nagsasabit ng awards ko. In their house, I found a home. Na pag uuwi ako sa mismong bahay namin I feel so empty. At kung minsan pa, mas proud pa sila sa achievements ng pinsan ko kesa sakin. Dahil yung pinsan ko. Nakwento ko na ata sayo yon." Kwento ko at tumango naman siya. Naalala niya padin yung problema ko noon na kinuwento ko sa kanya tungkol sa pinsan ko. "And then, dumting sa buhay namin si Ellaine. There I promised myself na aalagaan ko siya, bibigyan ng oras at pipilitin kong mapunan yung hindi maibigay ng parents namin. Ayokong maramdaman ni Ellaine yung mga naramdaman ko. Pero noong marinig ko kanina yung mga sinabi niya sayo, doon ko narealize na hindi ko pa din pala kayang punuan yung hindi maibigay nila mom at dad. Bilang anak tapos babae pa, hahanap hanapin pa din talaga niya ang pagkalinga at pag aalaga ng ina at ama. Ayokong maranasan ni Ellaine yon, ayoko siyang makitang ganoon kalungkot at umiiyak. Matured man siya mag isip, I know she is still a child. Naiintindihan ko din. Dahil gaya mo, naranasan ko din yon." Dagdag ko pa at muling naramdaman ang mga lungkot na pinilit kong lagpasan na hindi nagtanim ng hinanakit sa aking mga magulang.

"Swerte ang mom at dad mo dahil meron silang mga anak na kasing bubuti niyo. Yung kahit napapabayaan na kayo, mas inintindi niyo sila kesa mag hinanakit. Hinangaan ko sa inyo ni Ellaine yan at sa tingin ko, nakuha niya sayo ang ugaling yan." Saad niya at ngumiti sakin.

THE ONE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon