George's POV
Pinaka ayoko talaga sa lahat ay yung nag oopen up lalo na ng mga past experiences ko. Sanay na ko mag isa at nasanay na ding walang ibang karamay. Pakiramdam ko din kasi pag nag oopen ako ay kinakaawaan lang ako ng mga nakikinig sakin. Ewan ko ba, pakiramdam ko naipapasa ko sa kanila ng double ang nararamdaman ko. At sa mga reaksyon nila pakiramdam ko ay kinaaawaan nila ako. At ayoko ng pakiramdam na yon.
Kasalukuyan akong nag ddrive. Hanggang sa sumakay ako ng kotse at umalis sa bahay ay walang tigil ang pagtulo ng mga luha ko. I never imagined that one day makakadama ko ng sampal sa sarili kong ama. Marahil ganon na nga talaga kasama ang ugali ko kaya hindi na din niya napigilan pa ang sarili niya.
'pagkatapos kay Mark, kay Dad naman! Ang naidudulot nga naman ng lalake sa buhay ko! Pasakit!
Napuno na naman ng galit ang puso ko. Muli na naman akong pinabalik sa nakaraan ng mailabas ko ang lahat ng yon. Matagal ko ding itinago ang bagay na yon at hindi ko akalain maisisiwalat ko ang lahat ng yon ng dahil sa matinding sakit na naramdaman ko. Pero kahit anong tindi ng sakit na pinagdaanan ko, mas nasaktan pa din ako ng sa kauna-unahang pagkakataon ay umiyak siya sa harap ko. Ginusto kong umalis hindi dahil sa lalo akong nagagalit. Kundi dahil sa katotohanang triple pa ang sakit at bigat na naramdaman ko ng tumulo ang mga luha sa mga mata ng daddy ko.
Maya-maya ay nakarating ako sa isang restobar sa biñan. Classmate ko noong college ang may ari.
"George?!" Masayang bati ni Glauzie ng makapasok ako sa restobar niya. Tumango naman ako at tipid na ngumiti. Niyakap niya pa ako at agad din naman niyang inalis. "Omg! Nandito ka talaga! Natutuwa ako bumalik ka ulit dito! Akala ko di na ulit kita makikita. Noong huling pumunta ka dito ay noong araw bago ang graduation natin."
Classmate ko si Glauzie. Sa lahat ng babae sa buong school ay siya ang malakas ang loob na laging dumikit sakin. Simula noong mawala si Mark ay siya naman ang laging sumasama sakin. Mabait siya at sweet. Makulit din siya kaya naman wala na akong nagawa kundi hayaan siya. Hanggang sa pagtagal ay nakasanayan ko na. Mayaman sila at madaming business ang kanilang pamilya. At ang restobar na ito ang ipinama sa kanya. Kaya naman pag minsan niyayaya niya ako dito ay sumasama ako, kapag naman magulo ang isip ko at stress ay kumakanta ako dito. Nakakahatak naman lalo ng customers ang pag kanta ko don. Kaya naisip niyang ihire ako na kumanta don at babayaran niya na lang. Hindi ko naman yon tinanggihan pero pinaliitan ko ang binabayad niya sakin. Nakaipon ako sa ginawa kong yon kaya naging malaki ang naging pasalamat ko sa kanya. Masasabi kong nagawa niyang pasukin ang mundo ko at sa katauhan niya nagkaroon ako ng kaibigan.
"Kamusta ka na?" Masayang tanong niya. Hindi naman ako sumagot agad at naupo sa upuan. Lumapit siya sakin at hinawakan ako sa dalawang pisngi at pilit iniharap sa kanya.
"Anong nangyari? Bakit pugto yang mata mo?" Nag aalalang tanong niya. Hindi naman ako sumagot at nag iwas ako ng tingin. "Oh! Iinom natin yan! Kahit hindi ka magkwento. Dadamayan kita! Gusto mo kumanta? Pag harian mo ulit ang stage." Bigay niya sakin ng alak na kinuha niya at sabay turo sa stage.Hindi ko alam kung bakit may kung anong tuwa akong naramdaman sa sinabi niya kaya naman hindi ko naiiwasang mapangiti.
"Salamat." Nakangiting sabi ko na ikinagulat naman niya. Napahawak pa ang isang kamay niya sa bibig niya.
"Did you just smiled at me?" Gulat na tanong niya. At lalo naman akong natawa.
Bigla kong naisip na sa kahit anong sama ng ugali ko ay mga totoong tao akong natagpuan. Na kahit na sinarado ko ang mundo ko sa iba ay hindi sila napagod katukin ako at maghintay na pagbuksan ko sila. Kung nasayang ko ang pagkakataon ko noon hindi ko na hahayaang maulit muli yon. Dahil ngayon, nandito sa harap ko ang isang taong naging totoong kaibigan ko.
BINABASA MO ANG
THE ONE (COMPLETED)
RomanceIsang normal lamang na bata si Georgina kagaya ng iba ay masayahin siya, mabait at mapag mahal na anak. Pero nag bago ang lahat nang iwan silang mag ina ng kanyang ama na wala man lang iniwan ni isang dahilan. At doon na nag simulang maging masalimu...