Chapter 42

135 8 7
                                    


Lynda's POV (Nick's Stepmother)

"Ramon, Nakita mo na ba ang pinadalang imbitasyon ni Cindy?" Tanong ko sa aking asawa.

"Oo. At hindi ako interesadong pumunta!" Pasinghal na tugon niya.

"Oh sige. Basta ako ay pupunta!" Buo ang loob kong tugon.

"Nahihibang ka na Lynda! Ano namang pumasok sa utak mo at pupunta ka sa kaarawan ng bastardang yon!" Sigaw niya na inilapit pa sa mukha ko. Kaya naman walang alinlangan ko siyang sinampal ng malakas! "Bakit mo ako sinampal?!!" Galit niyang bulyaw at saka hahambaan ako ng suntok.

"Sige! Gawin mo! At nasisiguro ko sayong pag lumapat yang kamao mo sakin ay lalayas ako rito at mamamatay kang mag isa!" Matapang kong sigaw at natigilan naman siya. "Bastarda! Puro bastarda ang lumalabas dyan sa bibig mo! Bakit? Hindi ba't anak yon ng anak mo? Apo mo pa din ang batang yon hindi mo man nagustuhan kung paano siya nabuo! Dugo mo ang nananalaytay sa batang iyon kahit pa gaano mo ikinasusuka iyon!" Sigaw ko at saka huminga ng malalim.

"Ayoko nang pag usapan pa yan. Wala akong pakealam. Kahit pa anong sabihin mo ay hindi na mababago ang isip ko." Ma awtoridad pa ding saad niya at saka ako tinalikuran.

"Napaka tigas ng puso mo! O wala ka na atang puso! Nagpunta dito ang anak mo at ano yung mga pinag gagawa mo?! Anong klase kang tao? Wala kang awa! Nag iisang anak natin si Nick at nag iisang apo natin si Georgina pero puro gusto mo lang ang iniisip mo. Apo mo yon, hindi basura, hindi bastarda! Apo mo!!!" Galit na sabi ko. "Noon pa mang mabalitaan kong nakuha na siya ni Nick ay gustong gusto ko na siyang makilala. Pero palagi mo akong pinag babawalan. Naging sunud sunuran ako sayo na tila kung tratuhin mo ako ay hindi parang asawa kundi parang aso na susundin ang lahat ng gusto at sinasabi mo. Pero may isip at puso akong sarili at wag mo akong igaya sayong parang bato. Walang pakiramdam! Walang ibang mahal kundi ang pera at kabuhayan! Masaya ka pa ba? Kasi ako hindi na! Nakakasawa ka ng makasama!" Bulalas ko at dumiretso sa kwarto. Sumasakit ang dibdib ko sa inis at alam kong kailangan kong umalis muna para kalmahin ang sarili ko. Kinuha ko ang bag ko at nagmadaling lumabas ng kwarto.

"Mang Gary!" Pagtawag ko sa driver namin pagkababa ko ng hagdan.

"Bakit po Madam?" agad na tanong ni Mang Gary.

"Pahanda ng kotse may pupuntahan ako." Pag uutos ko.

"Sige po Madam!" Tugon niya at agad na umalis para gawin ang inuutos ko. Pasunod na ako sa kanya nang bigla namang magsalita sa Ramon sa likuran ko.

"Saan ka naman pupunta?" Sarkastiko nitong tanong.

"Sa nag iisa kong anak!" Pagtataas ko ng boses. "Nag iisa na nga hahayaan ko pa bang mawala?! Pag yamanin ka sana lalo ng pride mo, tutal pera lang naman ang mahalaga sayo!" Dagdag ko pa. Inis ko siyang tinalikuran at saka umalis.

Pagdating ko sa garahe ay agad akong sumakay ng kotse. Dinial kong agad ang number ni Nick para malaman kung nasaan siya para mag kausap kami.

Habang dinadial ko ang numero niya ay nanliligid ang mga luha ko. Ito pa lang kasi ang kauna-unahang beses na nakipag sagutan ako kay Ramon. Ma pride siya pero alam kong mahal niya ang anak niya. Pero simula noong mabuntis ni Nick si Elizabeth na noon ay mahirap lang at nagtatrabaho para sa kaniyang kumpanya ay para bang may isang masamang taong lumabas sa katauhan ni Ramon. Hindi ko akalaing magagawa niya ang mga nalaman kong ginawa niya. At para sakin ay sobra na iyon para pati ang bata ay madamay at para itakwil niya ang nag iisa niyang anak at ang pamilya nito. Nag sinungaling siya sakin nang sabihin nitong ayaw ni Elizabeth ipakita sa amin ang bata. Na matapang daw si Elizabeth at makapal ang mukha na nakikipag kita sa kanya para humuthot lang ng pera. Doon ay nagkaroon ako ng galit akala ko'y totoo ang lahat ng iyon pero hindi pala. Nang sumugod si Nick kay Ramon na galit na galit at marinig ko ang lahat, kinutuban na ako kaya naman kinausap ko si Cindy at doon ko nalaman ang lahat. Ang lahat ng katotohanan. Pati ako ay niloko niya para lang kamuhian ko din si Elizabeth at ang anak nito. Binabalot ako ng galit at sama ng loob lalo na sa sarili ko dahil ang tagal kong nagpalinlang sa mga salitang lumalabas sa bibig ni Ramon.

THE ONE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon