Chapter 81

134 8 23
                                    


George's POV

Martes ng umaga ay tinanghali ako ng pasok sa trabaho. Ewan ko ba, medyo nawawala na naman yung gana ko. Ginusto kong mangyari to, kasama to sa plano ko pero sobra pa din naman akong apektado. Nasasaktan pa din ako at nagseselos kahit na alam ko namang ako ang mahal ni Aaron.

'Ako nga ang mahal pero ako tong hindi makalapit! Hay!

"Georgina!!!" Sigaw sakin ni Natalie bago pa man ako makapasok sa elevator papunta sa department namin.

'hay! Late ka na nga ng pasok eto pa ang unang sasalubong sayo sa umaga!

"What do you want?" Walang emosyong tanong ko.

"Sino yung lalaking kayakap mo sa labas ng resto nila Zie ha?! Alam mo bang nakita ni Aaron yon! Ang kapal naman ng mukha mo! Kung ayaw mo kay Aaron, diretsahin mo siya!" Inis na saad niya. Hindi ko naman naitago ang pagkagulat sa sinabing yon ni Natalie. "Ano? Edi nagulat ka ngayon?!" Mayabang na dagdag niya pa. Ayokong ma misinterpret ni Aaron yon. Hindi kami nagyakap sa dahilang iniisip ni Natalie!

Hindi ko na hinintay pang bumukas ang elevator. Hindi ko na din pinansin pa si Natalie at iniwan ko na siya doon. Nagtatakbo ako papunta sa stairs at doon na umakyat para mabilis.

Pero pagdating ko sa department namin ay nasa conference room si Aaron at kasama doon si Sir Frank. Gusto ko siyang makausap. Gusto kong ipaliwanag sa kanya ang nakita niya. Ayokong isipin niyang okay na kami ni Mark. Hindi yon ganon!

( Flashback )

"Anong ginagawa mo dito?!" Bulalas ni Zie habang nakatingin sa likod ko. Kasalukuyan kaming nag iinom habang nagkukwentuhan sa resto niya. Paglingon ko ay nandoon si Mark.

"I knew I will find you here." Sambit ni Mark habang nakatingin sakin. "Wow! You look different! Lalo kang gumanda!" Dagdag niya at ngumiti sakin.

"Ano na namang kailangan mo?! Mang gugulo ka na naman?!" Inis na bulalas ni Zie.

"Please! Wala akong gulong dala. I just want to talk to George." Tugon ni Mark. "This time, gusto kong magpaalam ng pormal sayo." Baling na sabi niya sakin.

"Tara. Mag usap tayo sa labas." Walang emosyong tugon ko.

Sa may parking area kami nag usap. Sa may tabi ng auto ko.

"George, hindi na ko magpaligoy-ligoy. Gusto kong humingi ng sorry sa lahat ng mga pagkakamaling nagawa ko. Alam kong kulang ang sorry para mapatawad ang isang sinungaling at walang kwentang tulad ko pero gusto kong baguhin ang tingin mong yon sakin." Saad niya at hindi naman ako nagsalita. "Sa mga sinabi mo noon sa Cebu, maraming bagay akong narealize. And isa na nga don yung sobrang pagmamahal ko kay Ash. And now, gusto kong itama na ang lahat. So George, I'm letting you go." Dagdag niya at napatingin naman ako sa kanya. Ngumiti siya. Maaliwalas ngayon ang mukha niya. Doon ko naramdamang at peace na siya. Alam na niya kung anong gagawin niya ngayon. "Ash and I are planning to get married next month. Gusto ka daw niyang kuhaning maid of honor kung papayag ka." Nag aalangan pang saad niya. "And then after getting married, mag mimigrate na kami sa canada. Doon na kami mag start ng bago naming buhay. Naeexcite ako, at matinding saya yung nararamdaman ko sa tuwing maiisip ko na mag kakasama na kami palagi at bubuo na ng sarili naming pamilya. Gusto ko na din kasi talagang magka anak." Masayang kwento niya.

THE ONE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon