Chapter 73

147 10 15
                                    


Aaron's POV

Kasalukuyan kong binabagtas ang daan papunta sa condo ni George. Ang bigat ng pakiramdam ko at hindi ko maintindihan ang dapat kong gawin. Masama ang pakiramdam ni George at hindi ko alam kung ito ba ang tamang pagkakataon para sabihin sa kanya ang nalaman ko tungkol kay Mark.

Parang dinudurog ang puso ko habang ikinukwento niya ang pinag daanan nilang dalawa. Na kung paanong napaibig ni Mark ang babaeng sobra ko nang mahal ngayon. At lalo akong nasaktan, nang sabihin niyang mahalaga pa din si Mark sa kanya. Pero anong karapatan ko? Wala! Dahil alam ko ang lugar ko!

"George? Gising ka ba? M-May sasabihin sana ako tu-tungkol kay Mark." Nauutal pa ako sa pagsasalita dahil nauubusan ako ng lakas ng loob dahil ayoko siyang makitang masaktan.

"Kung tungkol yan sa mga kinuwento ko kanina, wag na natin munang pag usapan. Sobrang sakit na ng ulo ko kaya medyo nahihirapan na akong mag isip." Tugon niya habang nakapikit na nakakunot ang noo at hindi na ako nag salita pa. Hanggang sa makita kong tulog na siya.

Narating namin ang condo ni George. Pagkapark ko ng sasakyan niya ay dinala ko na lang siya paakyat para hindi ko na siya gisingin. Sa sobrang sama ng pakiramdam niya ay narating na namin ang unit niya at naibaba ko na siya sa kama niya pero tulog pa din siya. Nang maihiga ko siya ng ayos ay hinubad ko ang sapatos niya at kinumutan siya. Matapos non ay naupo muna ako sa tabi niya.

"Nasaktan ako ng sabihin mong mahalaga pa din siya sayo. Sana lang lahat ng pinapakita mo sakin ay hindi lang pagpapahalaga bilang kaibigan. George, I want more than that. I want you so bad. Gustong gusto kitang angkinin at tawagin kong akin lang. Mahal na mahal kita. Sana ganito lang kadaling sabihin habang nakikinig ka pero sobrang hirap." Saad ko at saka napabuntong hininga. "Mag pahinga ka na, goodnight! See you on tuesday!" Dagdag ko pa at saka ako tumayo at hinalikan siya sa noo.

"Aaron." Mahinang tawag niya at para namang tinambol ang dibdib ko sa sobrang kaba. Gising siya!!! Ibig sabihin narinig niya lahat!! "Aaron." Muling tawag niya. Hindi ko siya magawang lingunin agad dahil sa sobrang takot ay tila pinanigas ako. Pucha! Bahala na!! Huminga ako ng malalim at saka lakas loob na lumingon pero gulat ko na tulog pa din siya.

Naupo muli ako sa kama niya at tiningnan siya at talagang tulog na tulog siya.

"Aaron." Muling sambit niya sa pangalan ko. Doon ko narealize na binabanggit niya pala ang pangalan ko sa kanyang pagtulog. Napangiti naman ako agad dahil siguradong ako ang laman ng panaginip niya.

Sandali ko siyang tinitigan at inantay kung muli niyang babanggitin ang pangalan ko pero hindi na naulit pa yon. Ngumiti akong muli at hinaplos ang kanyang mukha saka tumayo.

"I love you." Mahinang sambit niya pero dinig ko pa dahil nakadalawang hakbang pa lang ako papalayo ng sambitin niya iyon. Agad akong napalakad pabalik sa kama niya. At nahiga ako sa tabi niya.

"Ako ba ang sinasabihan mo niyan?" Mahinang tanong ko. Nakatagilid siya at nakatagilid din ako na nakaharap sa kanya. Magkatapat ang mukha naming dalawa at napangiti na lang ako habang tinititigan siyang mapayapang natutulog. Nagulat naman ako nang bigla na lang siyang sumiksik sa may dibdib ko.

"I love you." Muling sambit niya at para nang sasabog ang puso ko sa sobrang sarap noon sa pakiramdam.

"Hindi ko alam kung para sakin nga yan. Pero ang sarap marinig." Saad ko at niyakap siya. "I love you too George." Buong pagmamahal kong saad.

THE ONE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon