Aaron's POV
Ang sarap sa pakiramdam ng mga ngiti niya. Hindi ko alam kung bakit pero sobra akong naaamaze pag nakikita ko yon. Siguro may mas igaganda pa ang mga ngiting yon. At dahil ngayong pumayag na siyang maging mag kaibigan kami, nasisiguro kong ito na ang simula para mas makilala ko siya at makita ko pa ang ibang side ng personality niya. I've never been this eager to know more about someone. Pero kahit gusto ko siyang mas makilala, ayoko siyang kulitin. Gusto kong kusa niya iyong gawin, kusa siyang mag open.
Makalipas ang mahabang byahe ay nakarating din kami sa batangas pier. Pag dating doon ay dumiretso na agad kami sa bilihan ng ticket para sa roro dahil dadalhin ko ang sasakyan.
"Kuya, bibili po kami ng ticket. Dalawa. At may kotse din po akong isasakay magkano po ba pag may sasakyan?" Tanong ko ng makalapit kami sa isang lalaki na nag aasikaso sa mga nakapilang nabili ng ticket.
"Naku brad, hindi na kayo makakasakay sa roro. Fully book na kasi lahat. Pati para sa mga sasakyan ay occupied na lahat." Tugon ng lalaki.
"Ganon ba? Ano na lang ang pwede?"
"Supercat, fastcat at oceanjet na lang ang available. Hindi niyo madadala ang sasakyan niyo."
"Sige kuya, salamat."
Umupo muna ako sa mga upuan na nandoon para mag isip kung anong magiging plano namin. Sumunod naman sakin si George.
"Pa'nong gagawin natin?" Tanong niya.
"Papaiwan ko na yung sasakyan ko. Meron akong kilala dito na pwede pag iwanan ng kotse. Ang parking fee nila ay depende sa kung ilang araw mo iiwan ang sasakyan."
"7 days mong iiwan sasakyan mo sa iba? Hindi ko kayang gawin kay Recca yan!" Saad niya. Taka naman akong napatingin sa kanya.
"Recca?" Taka kong tanong.
"Ah eh.. pangalan ng kotse ko!" Sarkastikong sabi niya. Hindi ko naman maiwasang matawa at pinag salubungan niya naman ako ng kilay.
"Anong nakakatawa? Masama ba bigyan ng pangalan ang sasakyan?!" Dagdag niya at inismiran ako."Hahaha! Wag ka na mag sunget. Ang cute lang kasi. Hehehe! Mahilig ka pala sa Anime. Eh bakit Recca?"
"Wala lang. Siya kasi yung pinaka favorite ko eh."
"Dapat ang ipinangalan mo na lang sa kotse mo, eh pangalan ng boyfriend mo."
"Si Recca lang ang boyfriend ko!" Mariing sambit niya.
"Maniwala ako sayo, yang gandang yan walang boyfriend?" Natatawa kong tugon.
'ang cute niya lang lalo pag naiinis siya! Hehehe!
"Tigil-tigilan mo nga ako sa mga pambobola mo." Mataray na sabi niya. "Ano nang plano? Paano pupuntang Mindoro?" Masungit niyang tanong.
"Iiwan ko na ang kotse ko. At ipapakuha na lang sa driver namin bukas. 500 ang isang araw ang mahal ng aabutin kung maiiwan ng 7 days dito. Kaya lang may isa pa kasi akong inaalala kaya hindi pa ako makapag decide."
"Ano yung inaalala mo?"
"Mag cocommute tayo mula dito hanggang don sa resort sa Mindoro. Eh diba ayaw mo nang nag cocommute? Yon ang inaalala ko ayoko namang hindi ka maging kumportable sa buong trip papunta don."
Nag iwas siya ng tingin sakin at saka tumayo. Taka naman ako napatingin sa kanya dahil hindi ko malaman kung bakit pero baka tiningnan niya lang ang dagat na tanaw na tanaw mula sa kinauupuan namin.
BINABASA MO ANG
THE ONE (COMPLETED)
RomansIsang normal lamang na bata si Georgina kagaya ng iba ay masayahin siya, mabait at mapag mahal na anak. Pero nag bago ang lahat nang iwan silang mag ina ng kanyang ama na wala man lang iniwan ni isang dahilan. At doon na nag simulang maging masalimu...