Chapter 93

134 9 22
                                    


Aaron's POV

Ilang araw nang wala si George. Ang bigat ng pakiramdam ko. Nakakainis dahil hindi ko na nagawang masanay na sa tuwing mag kakaproblema ay umaalis siya. Pero tama si Jed na pag nalilinawan na siyang muli ay bumabalik pa din siya kung nasaan ako. Pero ganon pa din kaya ngayon?
Nasaan kaya siya? Hindi ko maiwasang hindi mag alala. Gusto ko siyang hanapin at alamin kung ayos lang ba siya.

Linggo ngayon at sarado ang opisina. Pero gusto kong umalis para malibang ang isip ko. Kaya naman pagkabangon ko ay agad akong naligo at nagbihis.

"Oh anak? Saan ang punta mo? Linggo ngayon ah! Ayaw mo bang magpahinga na lang muna dito sa bahay?" Salubong sakin ni mommy pag baba ko sa dinning area namin. Kasalukuyan siyang nag hahanda ng breakfast namin.

"Balak ko pong bisitahin yung mga ipinapagawa kong business sa Batangas." Saad ko.

"Ah okay! Talagang nag sisikap ka ng husto ah! Kasalanan na ba ang sunod dyan?" Panunukso niya. Ngumiti na lang naman ako pinilit wag ipahalata na merong problema. Kumuha ako ng pinggan para makapag simula na akong kumain.
"Ay nga pala, napakita mo na ba sa kanya?" Tanong ni mommy habang sumasandok ako ng pagkain.

"Ang alin po?" Takang tanong ko.

"Yung ipinagawa mong bahay sa may Proxima Centauri Subdivision. Malapit na matapos yon diba? Panay nga ang pagmamando don ng daddy mo bago siya pumasok sa trabaho. Mas excited pa ang daddy mo sayo! Hahaha! Napaka ganda ng plan ng bahay na iyon. Modern at Ideal para sa taong gusto na magka pamilya." Panunuksong muli ni mommy.

Oo nga pala! Palihim kong ipinagawa ang plan ng bahay na yon sa sikat, magaling at kilalang architect ni Jed. At dahil busy si Jed sa dami ng trabaho niya ay inirecommend niya sakin ang isang magaling ding engineer na kaibigan niya. Na siyang pinagka tiwalaan ko naman sa pag gagawa ng mga ipinatayo ko sa Batangas. Pero ang bahay na ipinapagawa ko, ay si Jed na mismo ang nag handle. At yun din naman ang gusto ko. Kumuha siya ng pinaka magagaling at pulidong gumawa na tao para matulungan siyang mapaganda at mapatibay ng husto ang bahay na iyon. Up and down yon na may apat na kwarto. Ang apat na room ay sa taas; Master's bedroom, dalawang regular na room at ang isa ay gusto kong gawing office/cinema/gaming room. Dalawa ang bathroom. Isa sa loob ng master's bedroom at ang isa ay sa may dulo ng hall ng second floor. May malaking garahe din na kasya ang dalawang sasakyan. Sa likod ay nag palagay ako ng pool na sakto lang naman ang laki. At sa tabi ng pool na iyon ay may mga upuan para pag tambayan. At isang maliit na dirty kitchen.  Modern house ang ipinagawa ko dahil mas nagagandahan ako sa ganong itsura ng bahay. At para mas eleganteng tingnan.

--->>>See images for imaginary purposes...

Gusto ko palang maipatapos ang pag papagawa ng bahay pero hindi ko pa balak bilhan ng laman iyon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Gusto ko palang maipatapos ang pag papagawa ng bahay pero hindi ko pa balak bilhan ng laman iyon. Gusto ko sana magkasama kami ni George na bibili ng mga gamit na ilalagay don. Pag naging kami na, ipapakita ko na ito sa kanya at sabay naming paghahandaan at pag paplanuhan ang pagpapakasal.

THE ONE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon