Chapter 4

242 62 35
                                    

George's POV

Hanggang sa mga oras na ito ay hindi ko pa din malaman kung ano nga bang pumasok sa isip ko at bigla na lang akong napapayag na sumama sa kanya. Makakasama niya doon ang mga magulang niya at sa tuwing maiisip ko yon ay kinakaen ng kaba ang dibdib ko. Naisip ko na ding wag tumuloy at mag dahilan pero sa tuwing mapapatingin ako sa kanya ay bakas talaga ang sobrang tuwa sa mukha niya at iyon ang pumipigil sa aking ituloy ang pag dadahilan ko. Nang matapos ang lahat sa pag hahanda ng mga pagkaen at mga kailangan ay isa isa nila iyong dinala sa sasakyan at umalis na. Kami naman ni Mark at ang ilan sa mga crew niya ang huling umalis para siya na ang magsara ng resto niya.

"Let's go?" Nakangiting sabi niya matapos ilock ang glass door ng resto.

"Sige." Pilit ang ngiting sagot ko. Kinakabahan talaga ko ng matinde!

"Ayos ka lang ba? Para kasing kanina ka pa tulala at malalim ang iniisip." Nag aalalang tanong niya.

"Ah.. kinakabahan lang ako kasi nandoon ang parents mo." Mahinang sagot ko pero dinig naman niya.

"Haha! Si Georgina Jane Angeles! Ang sinasabi nilang wala raw kinatatakutan dahil sobrang tapang! Pero ngayon ay kinakabahan sa harap ko nang dahil lang sa mamemeet ang parents ko? Haha! Talagang ibang George ka na!" Natatawang pang aasar niya pa.

"Ay grabe! Kinakabahan ka na nga, aasarin ka pa! Gusto mo bang makita yung dating Georgina ha?!" Nakangiwing tugon ko sa kanya at sinamaan siya ng tingin

"Ahh.. hehehe.. Okay na ko dun sa ngayon. Baka masapak lang ako nung dating George. Hahaha!" Natatawang sabi niya habang umaatras at naka peace sign pa.

Nauna ako sa paglalakad papunta kung saan naka park ang sasakyan niya at iniwan siya sa likuran ko.

"Babe! Hintayin mo naman ako!" Sigaw niya. Napatingin naman samin ang ibang naiwang crew dun sa resto na kasalukuyan pasakay nadin sa sasasakyan nila.

Ang mga itsura nila ay mukhang gulat na gulat at hindi maipinta ang pagtataka sa mukha. Tumigil naman ako sa paglakad at salubong ang kilay kong nilingon si Mark na medyo nagulat pa at natigilan pero agad ding ngumiti.

"Namiss ko din yang ganyang ikaw. Yung dating ikaw na ang angas-angas akala mo laging may laban ng suntukan sa kanto. Hahaha!" Pang aasar niya pa ulit. Hindi naman ako sumagot. Nasa tabi ko na siya at sabay na kaming naglalakad papunta sa kotse niya.

Nang makarating kami sa kotse niya ay agad siyang pumunta sa pinto at aastang pagbubuksan ako. Pero natigilan ako at napatingin sa kanya ng nakahawak lang siya sa bukasan ng pinto pero hindi niya iyon binubuksan. Nang mag taas ako ng tingin sa kanya ay nagulat pa akong nakatitig siya sakin at mas kumakabog ang dibdib ko sa tuwing ang titig na iyon ay napupunta sa labi ko.

'anong binabalak nitong mokong na to?! Gusto ata talaga makatikim ng sapak sa unang pagkakataon! Tsk!

"Kahit anong version ng pagkatao mo, gustong-gusto ko George. At gustong-gusto ko pang makita ang iba pang parte ng pagkatao mo. Magiging selfish ba ako kung hilingin kong maging bahagi ng buhay mo?" Seryosong sabi niya na nakatitig pa sa mga mata ko.

Unti-unti akong nakaramdam ng pagkailang. Pakiramdam ko ay uminit ng husto ang mukha ko at hindi ako makahinga sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Nanatili akong nakatingin sa kanya at siya naman ay nakatitig lang sakin. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa sinabi niya.

"Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko? Pero sobrang saya ang idinudulot mo sakin, sayang hindi ko pa naramdaman sa kahit ano at kahit na sino." Dagdag niya pa. Damang-dama ko naman ang sinseredad sa mga sinasabi niya.

THE ONE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon