Ralph's POV>>> Ay grabe siya!!! itschusera ka author ah! Hindi ko ibibigay ang point of view ko pag hindi mo binago ang pangalan ko! Nakaka sakit ka ng damdamin!!!
(OWww! Sorry! Nalimutan ko! Hehehe! Eto na, aayusin ko na ha! Kalma ka na! ✌)
Correction po...
RIA'S POV
Hi! First time ko dito sa POV pero bongga! I'm Ria Asuncion okay! Not Ralph, ang baho inday! Kasi naman tong author natin, masyadong old timer na sa pag papangalan.
Modern genre na tayo author! Gawin mong unique mga pangalan! Gagawin gawin mo ko, tapos pamali-mali ka! That's Unacceptable! Chos! Hahahaha!
Daming paandar.. simulan ko na nga POV ko...-------------
"That is one of the common mistake of most people nowadays. They only listen when the discussion are exciting and interesting then when it gets boring they won't pay attention anymore. When in fact, some of the most important part of the topic is in the most boring part of it." Saad pa ni George.
Nakakamangha na nakakagulat. Kasi alam kong nag kukwentuhan kami talaga eh. Nasagot pa nga siya sakin at natatawa sa mga sinasabi ko. Kanina nung nakikipag sagutan na siya kay Ma'am Amanda ay kinakabahan na ko. Kahit ako kasi ay wala ng naintindihan kaka chokaran ko sa kanya. Kaya paanong nagawa niya pang isagot lahat ng yon? Nakikinig siya sakin habang nakikinig din siya kay Ma'am Amanda. Wow! Sobrang wow!
Si Ma'am naman, mahilig talaga mag pa trivia yan at history ng isang bagay na nababanggit niya. Dagdag kaalaman daw. Babaeng Kuya Kim mga bakla! Ganon siya! Na para samin naman talaga ay boring yon. Kaya pag dating sa part na yon ay hindi na kami nakikinig. Pero after mag salita ni George. Parang bigla akong natauhan. Ang cool niya kasi eh habang nag sasalita kanina. Kung baga, lahat talaga mamamangha.
Tiningnan kong muli si George at napatingin din sa mga mean girls. Di hamak namang mas malaki ang ganda ng mga mean girls kesa kay George. Pero yung dating niya at uma awrang galing eh mas nangingibabaw. Yung tipong kung ako ay naging ganap na lalake, 'ngunit talagang ipinanganak na binabae' mas magugustuhan ko si George kesa dun sa magaganda na kay papangit naman ng mga pag uugali. Wala akong nakasundo sa limang buwan na pag tatrabaho ko dito. Mga plastic kasi ang mga babae at ayaw naman ng mga lalake na may sumasamang bakla sa kanila. Nakikisama na lang ako pero hindi ako sumasama sa mga pag anyaya nila. Naku! Lalo na yang Arianne! Ang leader kuno ng grupo nila, jusme sa kaplastican at kalandian!
Pero si George, maganda din to eh! Kulang lang sa make over pero for sure, after make over. Kuko na lang sila ni George. Natatakluban kasi ng buhaghag at makapal niyang buhok ang mukha niya. Natatago ng naglalakihang salamin niya ang mga mata niya at sa way ng pananamit parang boyish eh. Pero madating pa din siya, ang bongga! Hindi kailangan maging maganda para maging stand out ka. Nakaka inspire para sa mga kagaya kong hindi naulanan ng ganda noong nag buhos si God noon. Dahil busy ako sa pananaginip ko na kahalikan ko si Papa Richard Gutierrez! Hahaha! LANDI!!
"After lunch, you may go on your respective tents. Then at exactly 1pm we'll meet at the shore and we will start our first activity." Sambit ni Ma'am Amanda.
Lahat ay nagpuntahan na sa lamesang nandoon para kumuha ng pag kain. Sinabayan ko naman si George. Didikit ako sa matatag mga teh! Magaling to eh! Tsaka gusto ko din naman talaga siya maging friend, bihira kasi akong makakita ng kagaya niya. Babae na walang arte. Okay na yung ako na lang ang maarte! Char! Hehehe!
"Bakla, ang lupet mo dun kanina ah! Makikinig na nga din ako lagi. Tinamaan ako dun sa sinabi mo eh."
"Nag share lang naman ako ng experience." Matipid na tugon niya.
BINABASA MO ANG
THE ONE (COMPLETED)
RomanceIsang normal lamang na bata si Georgina kagaya ng iba ay masayahin siya, mabait at mapag mahal na anak. Pero nag bago ang lahat nang iwan silang mag ina ng kanyang ama na wala man lang iniwan ni isang dahilan. At doon na nag simulang maging masalimu...