Chapter 94

125 7 23
                                    


George's POV

Friday ng umaga ay umalis ako sa condo. Hindi para pumasok kundi para puntahan ang puntod ni mama. Ang bigat ng pakiramdam ko at ayoko na munang magpakita sa lahat.

Hindi mawala sa isip ko ang itsura ni Aaron ng sabihin kong hindi ko siya kayang mahalin. Nanligid na naman ang aking mga luha nang maisip na nasaktan ko na naman siya. Simula pa kagabi ay wala na akong ginawa kundi umiyak. Hindi na maubos ang luha sa aking mga mata.

Lalo na sa tuwing maaalala ko ang narinig ko noong araw na iyon. Na kahit anong gawin ko ay hindi ko na mabura pa sa isip ko.

"Oo iba pa din talaga pag ikaw ang una ng babaeng mapapangasawa mo."

"Oo iba pa din talaga pag ikaw ang una ng babaeng mapapangasawa mo."

Ito na naman! Naalala ko na naman! Ayoko ng isipin! Pakiusap! Tama na! Alam ko naman! Ako lang tong, masyadong nangarap! Ang sakit! Ang sakit isipin na hindi ko magagawang maging karapatdapat sa lalaking pinapangarap kong makasama habang buhay.

Habang nag didrive ako ay walang tigil ang pagtulo ng aking mga luha. At nang marating ko ang kanto papasok sa sementeryo ay napatanaw ako sa gasolinahan na dating pinag trabahuhan ko. Nilampasan ko muna ang kanto at tiningnan iyon. Wala na ang gasolinahan at may iba ng itinatayo roon. Hindi ko na nakikita ang mga dating naaalala ko sa tuwing tatapat ako sa lugar na ito. Marahil dahil iba na ang itsura nito ngayon. Nang matapos kong tingnan ay pumihit na ako para makapasok sa kanto papuntang sementeryo. Hanggang sa marating ko ang puntod ni mama. Mas lalo kong hindi napigilang umiyak pagkaupo ko sa harap ng puntod niya.

"Ma? Bakit ganito? Bakit kailangang pagdaanan ko ang lahat ng ito? Sobra na po akong nasasaktan! Ngayon lang ako nasaktan ng ganito katindi. Yung sakit na sa sobrang ayaw ko nang maramdaman parang gusto ko na lang mamatay. Sa lahat ng hirap at sakit na hinarap ko, ito na ang masasabi kong pinaka mahirap at pinaka masakit sa lahat. Ganito siguro ang naramdaman mo noong iwan ka ni dad. Naiintindihan na kita ma! Ganito palang katindi pag sobrang minahal mo ang isang tao, na pag nawala siya sayo pakiramdam mo wala ng halaga ang buhay mo. Yun kasi ang nararamdaman ko ngayon ma! Na sana mabura na ang pakiramdam na to! Kapag nararamdaman ko kung gaano ko siya kamahal, mas matinding sakit lang ang lalo kong nararamdaman." Umiiyak na saad ko.

Sa sobrang sakit, gusto ko na maglaho yung nararamdaman ko. Hindi ko ito kayang tiisin. Gusto kong umiyak ng umiyak hanggang sa wala ng luhang tumulo. Pero bakit ganon? Parang hindi nauubos! Hindi ko akalaing mamahalin ko ng ganito katindi si Aaron.

Hindi ako umuwi sa condo. Dito na ako nagtigil; Sa umaga ay nasa tabi ako ni mama at sa gabi naman ay magkukulong ako sa kotse at doon na mag papalipas ng gabi. Lalabas lang ako para bumili ng makakain ko at ibinibili ko din ng pagkain ang pamilya na katiwala dito.

Nakakatuwang pinunpuntahan ako ng mga bata para makipag kwentuhan kaya naman kahit papaano ay nakakalimot ako. Nakakaproud pa noong sinabi nila sa akin na lahat sila ay mga honor sa school. Ang sarap sa pakiramdam na malamang worth it ang pagbibigay ko sa kanila ng scholarship. Mababait ang mga bata at masisipag, nakikita kong balang araw ay sila ang mag aahon sa kanilang mga magulang at magbibigay ng magandang bahay sa mga ito.

Linggo na ngayon. Nalaman na kaya ni dad na hindi ako umuuwi sa condo? Nag aalala kaya sila sakin? Hahanapin pa kaya ako ni Aaron? Mag aalala pa din kaya siya sakin? Matapos ng lahat ng sinabi ko? Malamang sa malamang! Hindi na!


"Aaaaaahhh!! Ayoko na siyang isipin!" Sigaw ko. At ito na naman ang mga luhang hindi ko mapigilang pumatak sa aking mga mata.

THE ONE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon