George's POV( Flashback )
"Grabe ka bakla! Alam mo bang alalang alala sayo si Sir A! Lahat kami nataranta dahil grabe na yung pag uutos niya. Yung tipong nag babanta na pag di ka namin nakita mawawalan kaming lahat ng trabaho!" Bulalas ni Ria.
Hindi naman ako nakaimik. Alam ko naman kasi kung bakit siya nag alala sakin at hindi ko naman siya masisisi dahil mali ko din yon.
"Ngayon ko lang nakitang mag alala si Sir A nang ganon. Iba mag pahalaga ang isang Sir A, never ending. Ang swerte mo dahil sa nakikita ko talagang sobrang special ka na sa kanya." Dagdag pa ni Ria.
'sobrang special ako sa kanya?
(End of flashback)
Muling pumasok sa isip ko ang mga sinabi ni Ria habang kasalukuyan kaming nag kukwentuhan ni Aaron tungkol sa mga bagay sa nakaraan ko. Kung paano kong naikukwento sa kanya ng natural ang lahat ng masasakit na pinag daanan ko ay hindi ko din alam. Gumagaan din kasi ang pakiramdam ko pag kinakausap ko siya at nasasabi ko ang mga nasa isip ko. At sa tuwing mag papayo siya tungkol sa mga ikinukwento ko ay parang nababago niya ang mga pananaw ko.
Hindi ko maiwasang hindi mapangiti ng sabihin niyang hindi siya naawa sakin at mas lalo lang siyang humanga. Pinaka ayoko sa lahat ay ang kinakaawaan ako. Ayokong tingnan ako sa ganoong way kaya ayokong nag kukwento. Pero siya, siya lang ang nag iisang taong hindi ipinaramdam sakin yon. Ni hindi ko nakita sa mga mata niya o naramdaman sa kanyang naawa siya sakin. At sa lahat ng mga sinabi niya para bang nag bibigay liwanag yon sa isip ko.
'ang dilim ng mundo ko pero nakakakita ako ng liwanag ngayon at sayo nang gagaling yon.
'salamat Aaron!
"Wala ng maibabalik na buhay ang galit, wala ng maibabalik na panahon o oras ang hinanakit. Treasure your present kasi ayan yung meron ka ngayon na pag iningatan mo hanggang future mo na." sabi niya pa.
Tahimik lang ako at isinasa isip ang lahat ng mga sinasabi niya. Ewan ko ba bakit nabibigyan ako non ng gaan.
"Tsaka naniniwala akong ngayon, hindi ka na mag iisa. Hindi ako mangangako, dahil baka pagod ka na makarinig ng mga pangakong di natutupad. Kaya naman, gagawin ko na lang. Na kahit na ayaw mo na at ipag tulakan mo pa ako papalayo hinding hindi ako aalis sa buhay mo." Nakangiting saad niya. "Kaya masanay ka na sa kagwapuhan ko ah. At aminin mo na sa sarili mong napaka gwapo kong talaga at napaka swerte mong meron kang ako! Hahahaha!"
"Okay na sana eh! Kulang-kulang lang talaga sa tornilyo yang utak mo!"
"Bakit ba di mo maamin sa sarili mong napaka gwapo ko? Indenial ka pa eh. Type mo siguro ako noh? Hahaha! But sorry, you're not my type. Hindi ako mahilig sa amazona! Hahahaha!"
"Ahh...amazona pala ah! Gusto mong subukan ang pagiging amazona ko na sinasabi mong yan ah!" Pag babanta ko at pinalalagutok pa ang mga daliri ko sa kamay.
"Ayan oh! Diba amazona ka talaga! Kailangan ko na mag super saiyan para may panlaban ako! Aaaaaaahhhhh!" Pag asta niya pa na parang mag susuper saiyan nga.
"Ano ka si Goku?" Natatawang sabi ko.
"Oo! At ikaw si Chi-chi na mas brusko pa sa lalake kung kumilos! Hahaha!" Pang aasar niya.
"At talagang sinusubukan mo ko ah!" Sugod ko sa kanya. At saka nag tatakbo siya papalabas.
Hinabol ko naman siya at panay lang ang takbo namin hanggang sa may tabing dagat. Mukha kaming mga batang naglalaro ng habulan!
BINABASA MO ANG
THE ONE (COMPLETED)
عاطفيةIsang normal lamang na bata si Georgina kagaya ng iba ay masayahin siya, mabait at mapag mahal na anak. Pero nag bago ang lahat nang iwan silang mag ina ng kanyang ama na wala man lang iniwan ni isang dahilan. At doon na nag simulang maging masalimu...