Chapter 107

134 9 22
                                    


George's POV

Mabilis lumipas ang mga araw at linggo at ang dami na halos naganap.
Apat na araw makalipas nang kasal ni dad at mommy ay nagpaalam na samin si Ria at Kiel. Tutungo na sila sa Australia at doon na magsisimula ng panibagong pahina ng kanilang buhay. Medyo nakakalungkot, pakiramdam ko ay nagkaroon ng kulang sa buhay ko ng umalis ang isa sa mga itinuturing kong malapit kong kaibigan. Ang baklang palagi akong pinapatawa. Sobrang mamimiss ko siya pero masaya ako dahil alam kong magiging masaya siya doon at mas marami siyang opportunity na ma gagrab doon.

1 week after ng pag alis na iyon ni Ria at Kiel ay si Dad at Mommy naman ang lumipad patungong America. Hindi lang para sa honeymoon kundi dahil para sa isang good news na dumating sa amin. Nakahanap na kasi ng donor ang mga doctor ni dad para sa heart transplant niya sa America. Isa o higit sa isang buwan muna sila doon. Kaya naman sa bahay na muna ako nila dad nag stay para may mag manage doon kasabay din ng pag mamanage ko ng company ni dad habang wala siya.

At makalipas naman ang dalawang mula ng umalis si dad at mommy ay sumunod naman sa kanila si Lolo at Lola dahil sa kagustuhang nandodoon sila habang isinasagawa ang operasyon. Ako, gustuhin ko mang sumama kailangan kong asikasuhin ang business ni dad. Kaya nag paalam muna ako kay Tito Frank na every other day ay hindi ako papasok sa company nila. Inofferan muna niya akong mag leave ng buong buwan pero ayoko, gusto ko pa ding makapunta sa company dahil doon na lang kami nag kakasama ni Aaron.

Si Haidie naman ay nag file na ng leave for 2 weeks para makauwi muna sa pamilya niya sa Bicol sa darating na Christmas. Pero yung 2 weeks na leave ay ipinagawa ko ng buong month ng december dahil dalawang taon na siyang hindi nakakauwi sa pamilya niya sa probinsya.

Sila Zie at Jed naman ay panay ang out of town at out of the country dahil sa pagpaplano nila sa kasal nila. Gusto kong mainggit at sabihing buti pa sila, laging magkasama dahil sa pag aasikaso ng mga kailangan nila sa kasal at pagkatapos ng kasal nila ay uuwi na sila sa isa't isa. Habang kami ni Aaron, eto, busy sa dami ng kailangang asikasuhin sa company. Pero ayokong masyadong mag isip, ayokong magbigay ng bagay na ikalulungkot ko. Ayoko ng magbigay pa ulit ng dagdag na problema kay Aaron.

Lumipas ang isang linggo. At puro every other day na lang ang pagkikita namin ni Aaron. Kung minsan ay ginagabi na din ako ng husto sa mga meeting na inaattendan ko. May ilang ulit na din akong hindi nakasipot sa mga date namin dahil sa mga meeting at conference na kailangan kong attendan.

Ang dami kong pinag dadaanan ngayon pero hindi ko akalaing may mas ititindi pa pala iyon.

( Knock... Knock.. Knock.. ) katok ko sa pinto ng opisina ni Sir Frank.

"Pasok," dinig kong tugon niya.

Marahan kong binuksan ang pinto at bumati, "Good morning po sir!Ipinatawag niyo daw po ako?" Tanong ko.

"Maupo ka Georgina," utos niya sakin at isinenyas na maupo ako sa upuan sa harap ng kanyang table. "Ipinatawag kita dahil may nais akong sabihin sa'yo." Saad niya. Hindi ko alam pero kinabahan akong agad.

"Ano po yon sir?" Tanong ko.

"May seminar at training na gaganapin sa Dubai. Ito ay inattendan ko na at masasabi kong napakadami kong natutunan at nalaman. At gusto ko sanang ipa-attend din ito kay Aaron bago ko tuluyang ipasa sa kanya ang kumpanyang ito sa susunod na taon." Kwento niya.

"Kung sa ikabubuti naman po ni Aaron wala naman pong problema sakin." Saad ko. Magandang opportunity yon kaya naman wala akong pagtutol sa bagay na 'yon. Maging ako noon ay madami ding naattendan na seminars at training na mas nakapag palawak talaga sa kaalaman ko.

THE ONE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon