George's POV
"Ah George?" Pagtawag niya sakin.
"Hmm?" Tugon ko pero sa loob ko'y kakaiba na naman ang lakas ng pagtibok.
"P-pwede ba kitang yayain next week? Sa Valentine's day. Birthday mo din yon diba?" Nauutal pa niyang tanong.
'niyayaya niya ba akong makipag date?!
"Hmm.. Baka hindi ako pwede that day." Kahit kinakabahan ay pilit kong manatiling kalmado.
"May date kayo ni Mark? Sensya na kung bigla kitang niyaya." Naisagot na lang niya. Tinitigan ko naman siya at hindi ko naiwasang matawa dahil ang cute niya. Parang malungkot na bata.
"Hahahaha! Bakit parang nalungkot ka bigla?" Natatawang tanong ko.
"Dahil ayoko.." putol na tugon niya.
"Ayaw mo ang alin?" Takang tanong ko naman.
"Ayokong sumasama ka sa kanya." Diretsahang sabi niya at natigilan naman ako. Tumitig siya sakin ng seryoso at malakas na tibok ng puso naman ang naidulot non. "Dahil nag seselos ako." Buong lakas ng loob na sabi niya. Hindi ko na naitago pa ang gulat kong reaksyon at ang kabog sa dibdib ko ay tila maririnig na niya. Nagiinet ang mukha ko at sa tingin ko mukha na akong kamatis ngayon sa harap niya.
'nagseselos??!! Edi ibig sabihin ba non? May gusto nga siya sakin?? Waaa.. hindi ako makapaniwala! Ang isang gaya niya? Sakin talaga? Bakit?
'wala pa naman siyang direktang sinasabi na gusto niya ko. Kaya ayoko munang mawindang! Pero bakit ganito? Tuwang tuwa ang puso ko.
'siguro tama sila Ria. I may have more feelings for Aaron than Mark.
"Wala kaming date sa birthday ko. Hindi ako pwede kasi malakas ang pakiramdam ko na may plano si Tita Cindy at Dad sa araw na yon." Tugon ko na hindi makatingin sa kanya. "Feeling ko party yon. At sigurado ako napadalhan na nila ng invitation lahat ng bisita. Even you. Nililihim niyo lang sakin kasi yun ang bilin nila." Dagdag ko pa at kita ko naman kung paano siyang nagulat sa sinabi ko. "Your reaction actually answered my guess."
"Walang maililihim sayo." Tugon niya at saka ngumiti. Ang gwapo niya sa ngiting yon! "Sige nga, hulaan mo din ako!" Hamon niya.
"Sige. Ano?" Mayabang na tanong ko.
"Anong nararamdaman ko para sayo?" Diretsahang tanong niya.
At natigilan naman ako at napaiwas ng tingin. Ang lakas ng tibok ng puso ko sa tanong niyang yon. Pag talaga kasama ko ang lalaking to, hindi na alam ng puso ko kung paano kumalma.
"M-Malay ko sa feelings mo!" Pag susungit ko.
"Nung dinala natin si Ria sa hospital at nung mag sungit ka sakin gawa nung mga nurse. Anong naramdaman mo non? Nag selos ka ba non?" Tanong niya. Nag init naman ang mukha ko at tumalikod sa kanya. "Nag selos ka ba non? Chi-chi ko?" Malambing na tanong niya pa.
'waaaaahhh!!! Ano tong pakiramdam na to! Hindi na ako makahinga sa lakas ng tibok ng puso ko!! Tama na!!
"A-Alam mo bahala ka na dyan! P-Punta muna ako sa cr." Nauutal na pag papaalam ko. At agad akong tumayo pero bago pa man ako umalis ay hinawakan niya ako sa braso at hinila ako. Napaupo ako sa tabi niya at naka akbay pa siya sakin.
BINABASA MO ANG
THE ONE (COMPLETED)
RomanceIsang normal lamang na bata si Georgina kagaya ng iba ay masayahin siya, mabait at mapag mahal na anak. Pero nag bago ang lahat nang iwan silang mag ina ng kanyang ama na wala man lang iniwan ni isang dahilan. At doon na nag simulang maging masalimu...