Aaron's POV
Lumilipas ang mga araw at parang lalo akong nananabik na dumating ang araw na yon. Ang araw na makakasama ko siya at mas makikilala.
Kaya kahit tambak ang trabaho ko sa araw-araw, kahit nakakapagod ay sige pa din ako na parang hindi man lang nakakaramdam ng pagod.
'ngayon lang ako na excite mag lunes ah!
Sunday morning....
"Kuya, saan ang punta mo? Agang aga!" Bulyaw na agad ng kapatid ko ng makita akong pababa ng hagdan mag aalas singko ng umaga.
"Sa labas, mag jojoging! Balak ko din pumunta kila Jed mamaya niyayakag ko mag basketball." Sagot ko sa kapatid ko.
"Sasama ako pag punta kila kuya Jed." Agaran nitong tugon. "Para makasigurong kila kuya Jed nga ang punta mo!"
"Bakit ka naman sasama? Mag babasketball lang kami! At wala akong ibang pupuntahan." Inis kong tugon.
"Ah basta! Sasama ako!" Sigaw niya at bigla akong tinalikuran.
'mga bata talaga ngayon! Nakakasakit ng ulo!
Napapakamot sa ulo akong lumabas ng gate ng bahay namin, ikinabit ang earphones ko at sinimulan ang pag jogging. Inikot ko ang buong subdivision at nang makuntento sa ipinawis ko ay bumalik na ako sa bahay.
Alas-sais imedya ng makabalik ako. Dinahan dahan ko ang pag akyat sa kwarto ko pag pasok ng bahay para hindi na ako marinig ni Ellaine at makapunta ako kila Jed ng hindi siya kasama.
Nakarating naman akong muli ng kwarto ng walang kahit anong presensya ni Ellaine. Kaya naman agad akong naligo at nang makatapos ay pandalas na nagbihis. At saka muling nag dahan-dahan palabas ng kwarto at pababa ng hagdan.
"Mukhang nakatulog na siya ulit! Buti naman!" Sabi ko sa sarili at saka nag madaling pumunta sa garahe.
Nang makarating ako ay saglit ko lang pinunasan ang kotse ko saka ako sumakay.
"Hi kuya!" Mula sa likod ay sumigaw si Ellaine.
"Anong ginagawa mo dito?!!" Inis kong sabi na habol pa ang hininga sa gulat.
"Alam ko namang tatakasan mo ko kaya dito na ko nag hintay." nakangiting sabi niya.
"Magkaka sakit ako sa puso nang dahil sayo!" Inis kong sabi.
"Wag ng madaming sinasabi! Start mo na kotse at tara na! Gusto ko makita si Kuya Jed." Utos nito. Napabuntong hininga na lang ako bilang tugon.
Inistart ko ang kotse at tuluyang umalis. Nang maalala kong hindi pa kami nag aalmusal ay dumaan ako sa drive thru para umorder ng makakain namin sa byahe.
Pagdating namin ay agad na bumaba si Ellaine at tatakbo nang sinalubong si Jed na noon ay inaantay kami sa loob ng garahe ng bahay nila.
"Kuya Jed!" Sigaw ni Ellaine at yumakap dito.
"Kamusta ka na bunso? Buti nakasama ka!" Masayang bati ni Jed sa kapatid ko.
"Tatakasan na nga ako dapat ni Kuya, pero sorry siya wais ako masyado! Nauna na ako sa kotse niya bago pa siya sumakay!"
"Hahaha! Nautakan mo na naman ang kuya mo! Hahaha! Ano pre? Wala ka pala eh!"
"Tigilan niyo nga akong dalawa kung ayaw niyong pag buhulin ko kayo! Tsaka teka nga, ako ang kuya mo Ellaine. Bakit ba parang mas gusto mo pa yang si Jed kesa sakin?" Inis kong sabi.
BINABASA MO ANG
THE ONE (COMPLETED)
RomanceIsang normal lamang na bata si Georgina kagaya ng iba ay masayahin siya, mabait at mapag mahal na anak. Pero nag bago ang lahat nang iwan silang mag ina ng kanyang ama na wala man lang iniwan ni isang dahilan. At doon na nag simulang maging masalimu...