Ria's POVDalawang araw na ang nakakalipas simula noong may maganap na pang gugulo sa birthday ni Sis George. Napuno ng gossip ang buong venue dahil sa pagsulpot ng lolo ni George na animo'y parang kabute! Out of nowhere, bigla na lang umusbong! Kinabog pa ang pag dating ng taga hukom! And grabe ang dala niyang revelations! Grabe din ang attitude for an old man!
But I will never forget the scary look that I've seen in sis George's eyes while confronting her grandfather! Nakakakilabot! Naiintindihan ko na kung bakit ganoon na lang kalalim ang personality niya. Kung bakit pag minsang titingnan ko siya ay puno ng galit ang kanyang mga mata.
Ay naku!! Kung malakas lang din ang loob ko nang time na yon na makisabat sa matandang hukluban niyang lolo, ay!! Nabigyan ko yon ng mag asawang sampal times two! Times two! Times two! Nakakaloka! Sarap ilibing ng buhay sa sama ng ugali! Inatake tuloy ang daddy ni George dahil talaga namang ayaw pa ding paawat ng hukluban! Sana okay na si Tito Nick. Ilang gabi akong nag pray at nagpa misa pa si nanay noong linggo para sa mabilis na pag galing ng daddy ni George. Pero hanggang ngayon ay wala pa din kaming balita kung kamusta na ba sila?
Kasalukuyan na akong nasa opisina at nag aayos ng table ko. Martes pa lang! Pakiramdam ko ay naging napakahaba ng bawat araw. Absent si Sir A and Sis George kahapon. Papasok na kaya sila ngayon? Sana naman ay maging maayos na ang lahat. Anoman ang nalaman ko doon ay hindi naman nag bago ang tingin ko kay sis. Mas lalo ko siyang nirespeto. At sa tingin ko ay ganon din ang naramdaman ng karamihang naroon sa party ni sis. Kung merong napahiya doon at nakakawalang gana irespeto, walang iba kundi ang lolo niyang pinaglihi sa ampalaya! Kulubot na nga! Puno pa ng paet ang buong pagkatao!
Habang dinadala ako sa kawalan ng mga isipin ko ay s'ya namang dating ni Haidie. Para kaming seatmates dahil halos magkatabi lang ang table naming dalawa.
"Girl, ano? May balita ka na ba kay George?" Bungad na tanong niya matapos naming mag beso.
"Wala pa din eh. Hindi siya nasagot sa mga text at chat ko. Ayoko namang mangulit dahil baka hindi makabuti." Malungkot na tugon ko.
"Hindi din siya nasagot sakin eh. Kay Zie kaya?" Tanong niya pa.
"Magkausap kami sa phone ni Zie last night pero hindi din daw nasagot sa kanya." Tugon ko.
"Wag na kayong malungkot dyan! Okay na siya." Mula sa likod namin ay s'yang sambit ni Sir A. Bahagya pa kaming nagulat dahil hindi namin inakalang papasok na siya ngayon.
"Sir A!!" Masayang bulalas ko. "Kamusta po si sis George?" Agad kong tanong.
"Okay na siya. Baka bukas o sa Thursday pa siya pumasok. Okay na sila ng daddy niya at for sure sinusulit nila ang bawat araw." Nakangiting tugon ni Sir A.
"Buti na lang po at nandyan kayo palagi para sa kanya sir. Mapapanatag na po kami ngayon." Nakangiti din namang tugon ni Haidie.
"Mahal natin siya kaya naman kahit anong mangyari, anoman ang nalaman natin ay mas lalo tayong mananatili sa tabi niya para samahan siya." Tugon ni Sir A.
"Edi sir A, naamin mo na sa kanya?" Tanong ko.
"Hay... Hindi pa din! Hindi na ko makakuha ng magandang timing, laging palpak eh!" Sabi niya at napahilamos na lang siya ng mukha.
"Alin ang laging palpak?" Takang tanong sa gilid ni sis George na hindi namin halos namalayang nandoon na kaya naman sobrang nagulat kaming lahat.
BINABASA MO ANG
THE ONE (COMPLETED)
RomanceIsang normal lamang na bata si Georgina kagaya ng iba ay masayahin siya, mabait at mapag mahal na anak. Pero nag bago ang lahat nang iwan silang mag ina ng kanyang ama na wala man lang iniwan ni isang dahilan. At doon na nag simulang maging masalimu...