Chapter 48

109 9 19
                                    


Ria's POV

Isang nakakabagot na araw na naman ngayon dito sa opisina. Huwebes na! Isang araw na lang ang ipag titiis ko at sabado na ulit. Nakaka toxic talaga sa kumpanyang puro plastic ang mga katrabaho. Yun pag kaharap ka lalo na't may kailangan sila, kay gagaling! Pero pag talikod mo at pag wala ka ng silbi sa kanila. Basura ka na lang!

Kung di ko nga lang talaga kailangan ng trabaho ay hindi talaga ako magttyaga sa kumpanyang to! Buti pa si Sir A na may ari nitong kumpanya, napaka humble at down to earth samantalang itong mga nag tatrabaho lang din naman kagaya ko, kay yayabang akala mo naman ang gagaling! Mga naka asa din naman sa tulong ko! Mga ipakta at impakto!

Ayoko na ngang isipin ang mga walang kwentang to! Kamusta kaya si baks? Nakalabas na nga pala siya ngayon. Sayang di ko alam kung saan ang bahay nila, pupuntahan ko sana. Nawawala ang stress ko pag nakakasama ko si Mama George. Siya lang kasi ang kaunahang babaeng hindi naging plastic sakin. At kaya ko magpakatotoo sa harap niya.

"Asuncion! Gawin mo nga tong report na pinapagawa ni Ma'am Amanda! May lakad ako ngayon, ayokong mag overtime dahil lang dyan!" Utos sakin ni Arvin.

"At ito na nga ding samin! Tutal yan lang din naman ang pakinabang mo dito eh!" Dagdag pa ni Zoey at binato sakin ang mga folder na hawak niya. "May lakad kaming mag babarkada at dahil wala ka namang friends, yan na lang mga folder na yan ang kaibiganin mo. Subsub mo ang mukha mo dyan ng hindi yung panay ang pag papaganda mo, eh kahit naman anong gawin mo hindi ka na gaganda at mas lalong di ka mag mumukang babae!" Sabi pa ng demonyitang si Zoey at nagtawanan naman ang mga kampon niya.

"Ayoko! Hindi ko gagawin to dahil may pupuntahan pa din ako." Matapang pagtutol ko.  "Hindi na ko magpapa alila sa inyo! Sa inyo ibinigay yan, kaya kayo ang tumapos niyan!"

"Aba! Lumalaban ka na ngayon? Matapang ka na ha?! Baka nakakalimutan mo may atraso ka pa samin ni Arvin." Pagbabanta ni Josh habang hawak ako ng mahigpit sa braso.

"Oo nga pala! Ang tapang mo ng husto nung kasama mo si Sir Aaron ah! Hindi tuloy kami maka diskarte kay Ma'am George! Oh eh nasaan na ngayon ang boss na pinag mamalaki mo? Sobrang yabang akala mo naman kaya niya ako. Kami ni Josh. Eh di hamak namang mas malaki ang katawan namin don!" Pag yayabang pa ni Arvin.

"Hindi na ako natatakot sa mga pagbabanta niyong yan! Ayoko ng maging sunud-sunuran sa inyo!" Sigaw ko.

Pagkatapos ko sabihin yon ay agad akong sinampal ni Zoey at sinabunutan. Hanggang sa naki sabunot nadin ang dalawang kampon niyang babae. Sina Nicole at Bianca.

"Tama na! Ano ba!" At nakiganti na din ako ng sabunot sa kanila. Una ko nahila ang buhok ni Zoey at sinunod ko naman ang sa dalawang feeling magandang alagad niya.

"Aray! Aray!" Sigaw nung tatlo.

"Marahil bakla ako, pero gaya nga ng sabi niyo hindi ako magiging babae. Hindi nga! Lalake pa din ako at di hamak namang mas malakas ako sa inyo!" Sigaw ko at mas lalo kong nilakasan ang hila sa mga buhok nila.

Nang pakiramdam ko ay mas nakakalamang na ko sa pananakit ay saka ako nakaramdam ng suntok sa may sikmura ko. Hindi ko alam kung sino sa apat na lalaking kasama nila ang sumuntok sakin pero ang sakit non.

Sa kada ganitong oras na lang. Pinag tutulungan nila ako. Palibhasa at ako ang laging huling naiiwan dito sa opisina pag dating ng alas singko ng hapon. May makakita man sa pinag gagagawa ng mga to, hindi naman ako tinutulungan at hinayaan lang nila. Pero sa dami ng beses na pinag tulungan nila ako at kinutya,  ito pa lang ang kauna-unahang pagkakataong lumaban ako. Masakit man,  pero masarap din sa pakiramdam na makaganti sa mga walangyang taong to.  Na walang ibang tingin sa akin kundi hayop, kaya kung tratuhin nila ako ay parang hayop. Pero sila tong mas hayop pa sa hayop!

THE ONE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon