George's POV"Okay team! Meeting tayo. May naiwan bang trabaho si Sir Aaron sa inyo bago siya umalis?" Tanong ko sa kanila.
"Meron pong binilin si Sir Aaron na work samin Ma'am. Dito po natin sa conference room pag usapan." Tugon ni Peter. Saka kami nagpuntang lahat sa conference room.
Challenging para sakin ang work. Pero nakuha na kasi ang idea kung paano patatakbuhin ito ang mahirap sakin ay ang pakikisamang gagawin ko. Ayokong maging masungit na agad at mataray sa kanila. Pero dahil matagal na kong ganito at nakasanayan ko na to ay magiging mahirap sakin na kausapin sila ng hindi nila iisiping masama ang ugali ko.
Bago mag simula ay isa-isa ko muna silang pinag pakilala pati na din ang kung ano ang kani-kaniyang gawain. Matapos nila ay ako naman ang nagpakilala. At nang matapos ay ipinaliwanag na nila sakin ang trabahong iniwan sa kanila at ang mga nagawa na nila. Matapos nila mag paliwanag at matapos ko hingin ang kani-kanilang opinyon ay ako namang ang nag salita.
"Maganda lahat ng idea niyo. Bakit hindi natin pag samasamahin ang lahat ng yan sa tingin ko ay mas makaka enganyo tayo ng mga bagong mag iinvest satin? Isa sa pinaka mahirap gawin ay manghikayat kaya dapat ang una nating makuha ay ang interest, kailangan magaling mag salita at mag paliwanag. Sa tulong non, ma gagain natin ang tiwala nila. At pag na gain ang tiwala?"
"Makukuha natin sila para mag invest." Sagot ng isang babaeng nandon.
At nagpatuloy ang pag sasalita ko at pag papaliwanag. Madami na ako agad na iisip na idea na pwede naming subukan, isama na din ang idea ng iba. At alamin kung ano ba ang magiging effective doon. Nang matapos ang meeting na iyon ay ibinigay ko na sa kanila ang kanya-kanya nilang tatrabahuhin.
'makakaya ko to. And this time, i'll try to be nice and friendly. Para naman maging maunlad ang team na to.
LUNCH BREAK...
"Ma'am?" Tawag sakin ng isang babae at saka lumapit sa table ko. Napatingin naman ako sa kanya at napansing pamilyar siya sakin.
"Ah ako po yung nakatabi niyo kanina sa lobby. Pasensya na po sa way ng pakikipag usap ko kanina. Hindi ko po alam na magiging boss ka po pala namin."
"No, it's okay. Hindi naman ako ang boss dito. Meron pang mas nakakataas sakin so I'm also just an employee." Tugon ko. "Hmm.. your Carmina, if I'm not mistaken?"
"Yes po Ma'am George. A-Ah Ma'am, baka po g-gusto niyong sumabay samin ng l-lunch. May alam po kaming masarap na kainan." Turo niya pa sa isang kasama niya.
"And you are.. Haidie! Right?" Baling ko sa kasama ni Carmina.
"Yes Ma'am!" Mabilis na sagot nito.
Naiilang silang tumitig sakin. Ang mga kamay nila ay panay ang kukot sa mga pants nila. Mukhang sadya lang talaga silang naglakas ng loob kahit puno ng takot.
'mukha ba kong halimaw at ganyan na lang silang lahat sakin?! Tsk!
"Gutom na din ako. So I guess I can join you." Sabi ko at pilit na ngumiti.
Nagulat pa sila pero nakabawi din at saka kami naglakad papunta sa kainang sinasabi nila. Habang nakain ay tahimik kaming pare-pareho. Nakikita ko namang nag sesenyasan sila kung sino ang dapat mag salita sa kanila. Gusto kong matawa dahil para silang mga batang natatakot sa palo.
"A-Ah Ma'am, a-akala po namin hindi na kayo sasabay samin eh." Nauutal na sabi ni Carmina.
"Bakit naman? Ang ayos naman ng pag anyaya niyo sakin, ang bastos ko naman non kung tatanggihan ko kayo."
BINABASA MO ANG
THE ONE (COMPLETED)
عاطفيةIsang normal lamang na bata si Georgina kagaya ng iba ay masayahin siya, mabait at mapag mahal na anak. Pero nag bago ang lahat nang iwan silang mag ina ng kanyang ama na wala man lang iniwan ni isang dahilan. At doon na nag simulang maging masalimu...