Chapter 20

152 20 6
                                    


Author's Note :

Pasensya na po super sa late update dahil naging busy ako nitong week. Pero eto na po, bilang pag bawi ay bibilisan kong makagawa ng atleast three chapters this week. Thank you sa lahat ng patuloy na nagbabasa at tumatangkilik sa aking storya! 😊

Someone's POV

Abala akong naglalaro sa laptop ko ng bigla na lang mag ring ang phone ko.

(Aaron Calling...)

'9pm? Ano namang kailangan ng isang to ng ganitong oras?!

"Hello?" Agad na sabi ko pagka sagot ng phone.

"Tara! Basketball!" Agad nitong pag anyaya.

"Ha?! Basketball? Gabing gabi?" Tanong ko na puno ng pag tataka.

"Wag ka ng umangal! Tara! Bumaba ka na dyan, nandito na ko sa sala niyo!"

"Ha?! Nandyan ka na agad?! Putek! Sandali mag bibihis lang ako. May sa bigla to eh! Alam mo yung abala ako sa pag lalaro ko ng nba dito tapos mang iistorbo ka!"

"Bababa ka ba? O aakyat ako dyan at kakaladkarin kita hanggang sa court?"

"Oo na! Eto na! Kung ibinababa mo na ang linya ng nakaka kilos na--" binaba na niya.

'siraulong yon! Binabaan nga ako! Ano na naman kayang problema nito!

Pinatay ko lang ang laptop ko at nagbihis na ako agad ng pang laro. Nang matapos ay agad akong bumaba at nandon nga siya nakasambakol ang mukha na naghihintay.

'problemado nga ang isang to!

"Kung magyaya ka naman gabi na! Pero di ko aangal, kaya tara!" Agad na sabi ko. Tumayo lang siya at saka nag lakad papalabas.

Pagkakuha ko ng bola ko ay dumiretso na kami sa court malapit lang sa bahay. Hanggang sa makarating kami sa court ay hindi siya nag sasalita kaya naman sobra na akong nahihiwagaan sa ikinikilos niya pero hindi ko siya matanong dahil alam kong ayaw niya ng ganon. Ayaw niya ng tinatanong siya dahil pag handa na siya mag kwento ay kusa niya na yung ginagawa.

Nang nasa court na kami ay nakita agad naming may ibang mga naglalaro. Hindi sila pamilyar sakin kaya naman balak ko ng yakagin si Aaron papabalik sa bahay. Pag kasi mga dayo ay hindi kami nakikipag laro dahil noong minsan ay sinubukan namin na naging rason kung bakit na injury ang isa sa kaibigan namin dahil sa maduming klase ng paglalaro ng mga dumayo. Simula noon, ay nadala na kami.

Alam na ni Aaron yon pero ang ipinag tataka ko ay ang pag diretso lang niya papunta sa gilid ng court kung saan nag uusap ang mga dayo na sa tingin ko'y nag uusap kung while court o half court lang ang gagawin nila. Wala akong nagawa dahil nanatiling si Aaron kaya sumunod lang ako sa kanya.

"Pwedeng sumali pre?" Pag singit ni Aaron sa usapan nila.

"Pwede! Tamang tama kulang kami eh." Tugon ng isa.

"Mag lalaro ka ba?" Baling sakin ni Aaron. Ang panay kalokohan at joker niyang mukha ay wala. Seryosong seryoso yon ngayon.

"Kung saan ka eh. Dun ako." Pag suporta ko.

"Mga tol, dito ako kakampi sa dalawang bagong dating. 3 on 3, Whole court, real game tayo! Sa matatalo pa drinks at snacks lang pagkatapos ng laro." Sabi pa ulit ng isa na kumausap kay Aaron.

Mukhang nasa senior high or college pa lang ang mga ito. Mukha namang maayos sila hindi katulad noong iba. Kaya naman pumayag na din akong makilaro sa kanila. Matapos mapag kasunduan ang game ay nag punta na kami sa kanya-kanya naming lugar para pag usapan ang play.

THE ONE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon