Cindylane's POVMatapos umalis ni George at pasundan namin siya kay Aaron ay muli kong niyakag si Nick na bumalik sa loob para harapin ang mga bisita.
Gusto kong magalit sa sarili ko dahil kasalanan ko kung bakit nangyari ang lahat ng ito! Kung hindi ko na sana binigyan ng invitation ang mga magulang ni Nick ay hindi malalaman ng kanyang ama ang kaarawan ni George."Cindy, kung anomang iniisip mo ay tigilan mo na." Sambit ni Nick sakin na ikinawala ng aking pagkatulala. "Wag mong sisisihin ang sarili mo. Kahit na hindi mo ibinigay ang invitation ay dadating at dadating siya para sirain ang birthday ng anak ko." Ang mga mata niya'y puno ng puot habang sinasambit niya iyon.
Matinding pag aalala ang aking nadama simula pa kanina nang mag kasagutan sila. Hindi na maganda ang pakiramdam ni Nick kagabi pa pero kahit masama ang kanyang pakiramdam ay itinuloy pa din niya ang celebration para kay George. Napilit niya pa ang sariling makakanta at makasayaw si George pero matapos noon ay agad siyang pumasok sa isa sa mga kwarto roon para makapahinga.
"Siguradong maraming tanong ang namuo sa mga bisita natin kaya naman tulungan mo na lang akong magpaliwanag ah!" Saad ni Nick at saka ngumiti sakin. Pero ang ngiting yon ay hindi nakapag pagaan ng loob ko at mas lalong ikina pag alala ko. Iba ang pakiramdam ko sa ngiting yon, may tinitiis siyang matinding sakit. Sigurado ako don!
Hindi pa man kami tuluyang nakakapasok ay heto na naman ang kanyang ama at galit na sinugod si Nick. Pagkalapit nito ay agad niyang sinampal ang mukha ni Nick.
"Wala kang utang na loob! Sino ka sa akala mo?! Ang taas na agad ng tingin mo sa sarili mo! Wala ka sa kinalalagyan mo kung hindi dahil sakin! Wala kang kwentang anak para ipahiya mo ang sarili mong ama sa harap ng maraming tao para lamang sa bastarda mong anak!" Sigaw nito habang nanginginig sa galit.
"Please Tito tama na po!" Naluluha ng pakikiusap ko.
"Wag kang makekealam dito Cindy kung ayaw mong pati ikaw ay idamay ko!" Sigaw nito sakin at napatahimik naman ako. Tumingin ako kay Nick na nanatiling nakayuko habang hawak ang pisnging sinampal ng kanyang ama. "Ano?! Ngayon ka sumagot! Ngayon ka mag mayabang sa harap ko! Inutil!" Dagdag na sigaw pa nito. Muli akong tumingin kay Nick at napansin kong agad ang mabilis nitong paghahabol sa kanyang paghinga.
"Tito, nakikiusap po ako tama na!" Sigaw ko na kay Tito Ramon. At inalalayan si Nick. "Nick, ayos ka lang ba? Dadalhin na kita sa--" hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko nang agad siyang matumba at mawalan na ng malay.
"Diyos ko! Anong nangyari sa anak ko!" Napasigaw na bulalas ni Tita Lynda. "Sandali lang akong nawala, ano na namang ginawa mo Ramon!!" Umiiyak na dagdag ni Tita Lynda.
"Glauzie, tumawag ka agad ng ambulansya! Ngayon na! Dalian mo!" Sigaw ko.
"Anong nangyayari?" Tanong ni Tito Ramon. Bahagya na siyang kumalma pero nanatiling ang pataas na tono sa kanyang pananalita ngunit ang itsura niya ngayo'y nagpakita ng pagkabahala.
"May sakit sa puso ang anak mo!! Talaga bang hindi ka makukuntento sa pagpapahirap sa anak mo at sa apo mo! Ano bang gusto mong mangyari?! Mapatay mo sila nang tuluyan na din silang mawala sa buhay mo?! Ha?!!" Umiiyak na sigaw ni Tita Lynda.
"Matagal na pong inililihim ni Nick ang lagay niya. May butas po ang puso niya at ang tanging lunas lang po ay heart transplant. Hanggang ngayon po ay wala pa siyang donor kaya po hangga't maaari ay iniiwasan po namin ang mga ganitong sitwasyon na maaring makapag cause ng heart attack. Dahil sa isang matinding atake lang po pwede na niyang ikamatay." Umiiyak na paliwanag ko kay Tito Ramon. Natigilan naman siya at hindi nakatugon napatulala na lang siya sa anak niyang naka handusay ngayon.
BINABASA MO ANG
THE ONE (COMPLETED)
RomanceIsang normal lamang na bata si Georgina kagaya ng iba ay masayahin siya, mabait at mapag mahal na anak. Pero nag bago ang lahat nang iwan silang mag ina ng kanyang ama na wala man lang iniwan ni isang dahilan. At doon na nag simulang maging masalimu...