Chapter 15

196 46 41
                                    

Aaron's POV

Nang makalabas siya sa opisina ko ay napapakamot ako sa ulong sinundan siya ng tingin. Wala akong masasabi sa galing niya. Talagang magaling siya at nakaka intimidate pag nag simula na siyang magsalita at kumilos. At napakahiwaga ng emotionless at walang expression niyang mukha. Hindi mo malalaman kung anong iniisip niya o ang talagang nararamdaman niya. At isa pang hindi ko maintindihan ay kung bakit ang init na agad ng dugo niya sakin.

'dahil siguro sa napag kamalan ko siyang lalake! Hindi ko naman kasi alam! Kaya nga nag sorry na!

(Flashback)

"Hello Peter, kamusta kayo dyan? Kamusta yung mga pinapagawa ko?" Agad na tanong ko kay Peter nang sagutin niya ang tawag ko.

"May mga nabago po Sir pero sa tingin ko po ay magiging maganda ang resulta nito. Matatapos na po namin, iintayin na lang po namin kayo para maipresent sa inyo at maiapprove niyo." Nag mamalaking sagot niya.

"Wow! Ang bilis niyong nagawa ah! Magandang balita yan. Nasisiguro kong maganda yan." Sabi ko.

"Hehehe. Salamat po sir. Pero alam ko naman pong binabago niyo din ito pag nag pepresent kayo. Wala naman po kaming gawa na hindi niyo pinuri eh. Tsaka alam ko naman pong mas pinapaganda niyo ang ginagawa namin on the spot. Alam ko na po sir, pinag mumuka niyo lang pong pinapagawa niyo samin ang lahat pero ang totoo eh kayo po talaga ang natapos at nag papaganda. Salamat po sa pagiging mabait na boss samin. Wag po kayo mag alala sir, hindi na po kayo masyadong mahihirapan. Magaling po ang bagong assistant manager may makakatulong na po kayo."

"Ha?! May assistant manager na tayo?" Gulat kong tanong. Halos napatayo sa kinauupuan ko.

"Hindi po ba nabanggit sa inyo ni Sir Frank? 1 week na po siya nag wowork dito at talaga pong magaling siya."

"Ah ganon ba? Hindi niya nasabi eh. Anong pangalan nong bagong assistant manager?"

"George po sir. Ah sir, saglit lang po ah. Tinatawag na po kasi ako ng asawa ko. Tawag na lang po kayo ulit."

"Ah sige. Salamat!" Yun lang at ibinaba ko na ang linya.

'sino naman kaya yung assistant manager na yon? Bakit hindi man lang nasabi muna sakin ni Tito. Tsaka bakit lalake din?

"Hello? Tito Frank?" Agad kong sabi pagka sagot niya ng tawag.

"Oh Aaron?! Kamusta? Napatawag ka, meron bang naging problema?"

"Ah wala naman po tito. Okay naman po ako dito. Isang investor na lang po ang kakausapin ko at pwede na po akong bumalik. Nga po pala Tito, meron daw po kayong inilagay na assistant manager? Bakit hindi niyo po nasabi sakin?"

"Ah oo! Pasensya ka na Aaron, biglaan kasi yon kaya hindi ko na naunang sabihin sayo. Tumawag kasi sakin ang daddy niya, kaibigan ko noong college gusto niya itrain ko ang anak niya. May business silang kanila and in fact isa ang pamilya nila sa pinaka successful at mayayamang pamilya dito sa bansa."

"Kung ganon, bakit hindi siya mismo ang nag train sa anak niya?" Takang tanong ko.

"Hahaha! Kahit ako iyan din ang tanong ko sa isip ko. Ang sabi lang niya sakin ay kumplikado daw ang batang yon. Sige na Aaron, meron pa akong meeting. Tatawagan na lang kita."

"Sige po tito. Salamat po."

'Kumplikado?! Hindi ko alam kung dapat akong magka interes doon, pero sana ay makasundo ko siya.

THE ONE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon