Chapter 55

120 6 27
                                    


Aaron's POV

Saturday na!! 4 am pa lang ay gising na akong agad. Ang sarap ng tulog ko at ang sarap din ng gising ko! Sa totoo lang hindi ko din alam kung nakatulog nga ba akong talaga. Basta ang alam ko lang ang sarap ng tulog ko! Hahaha! Nababaliw na siguro ako.
Ang naaalala ko ay tinawagan ko pa si Jed kagabi bago ako matulog.

( Flashback )

"Pre! Bukas ah! Ikaw na ang pumunta dito. Kotse ko na lang ang sasakyan natin. Agahan mo! Ayokong malate ng punta don!" Sigaw ko pagkasagot niya ng phone.

"Pucha pre! Wag ka ng sumigaw. Dinig na dinig naman kita!" Sigaw din niya.

"Hahahaha! Maigi na yung nakakasiguro!" Natatawang saad ko.

"Mukang masaya ang hari ng mga baliw ngayong gabi? Kamusta ang naging lakad niyo ni George? Mukang naka puntos ka na naman!" Tanong niya.

"Pre! Sa tingin ko may pag asa ako! Hahahahaha!! Ang saya ko pucha! Hindi ko na alam saan ko ilalagay ang sarili ko sa saya." Masayang kwento ko.

"Oh pre, ingat lang din muna. Tandaan mo may mahal ng iba yan. Ikuwento mo sakin bukas kung anong nangyari. Matulog na tayo. Inaantok na ko."

"Panira kang tukmol ka eh! Ngayon ko na ikukwento! Maya ka na matulog!" Pagpupumilit ko.

"Goodnight na pre! Bye!!"

"Hoy!"

( End of flashback )

Siraulong yon binabaan ako agad. Nagsasalita pa ako. At hindi lang yon pinatay pa ang phone para hindi ko na siya matawagan ulit.

Pagkaligo ko ay agad akong nag bihis. Naayos ko na din naman ang mga gamit ko kagabi kaya wala na akong kailangang intindihin. Kila George naman kami mag breakfast kaya as soon as makarating si Jed ay aalis na kami.

"Anak, I need to ask a favor." Si mom nang makababa ako sa sala.

"What is it mom?" Takang tanong ko.

"Can you bring Ellaine with you?" Tanong niya.

"What?! Ellaine? Bakit ma?" Nadidismayang tanong ko.

"Your father and I has to attend a business trip together. Its a seminar so it is important. Baka sa tuesday na kami makabalik." Kwento ni Mom.

"Pero ma, mag sleepover kami nila Jed sa bahay ng kaibigan namin. Mahihirapan akong isama si Ellaine." Tugon ko. "Nandyan naman sila yaya Rita."

"Wala sila Rita anak. Humiling sila ng day off nung nakaraang linggo pa ang sabi ko ngayon eh. Kagabi pa sila nakaalis." Kwento ni mommy. "Sorry anak. Hindi naman namin siya pwedeng isama sa business trip." Natahimik ako at sobrang nadismya pero sa tingin ko ay wala na akong magagawa pa. Bumuntong hininga ako at saka tumugon.

THE ONE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon