Author's Note :
This is a Special Chapter. I am dedicating this chapter to my father in heaven. I really miss him kahit ilang years na ang nagdaan. At ang ibang part sa chapter na to ay ang mismong memories namin noong nakakasama ko pa siya.
I love you dad! I will always be your daddy's girl! 😘😔
_______________________________________ _______________________________________
George's POV
"Tay! Oh my gad!! Tay!!" Masayang bulalas ko ng lumabas si Tatay Eddie sa madilim na parte ng venue na yon. Hindi ako makapaniwalang nandito siya ngayon! Sobrang saya ko!
Palapit pa lamang siya ay agad na akong tumakbo papunta sa kanya at yumakap. Ilang taon na din ang nakalipas noong huli ko siyang makita at naiiyak talaga ako sa sobrang saya.
Nakilala ko si tatay matapos ng aksidente ko sa Van na sinakyan ko papuntang Rizal.
Isang taon matapos ng pagkamatay ni mama ay nagawa ko paring makatapos ng highschool. At ang sumunod na mga buwan ay iginugol ko sa pag tatrabaho sa kung saan-saan para makaipon at makapag aral sa kolehiyo. Pero dahil naging malupit sakin ang lugar na pinanggalingan ko ay minabuti kong umalis doon at maghanap ng ibang lugar na makakapagbigay sakin ng panibagong buhay. 14 years old lang ako noong maaksidente ang Van na sinasakyan ko, na tanging ako lang ang nakaligtas. Nang makita ako ng mga rescuer ay agad nila akong naisugod sa hospital.
Nagkaroon ako ng concussion dahil sa pagkakabagok ng ulo ko. Puno ng malalalim na sugat ang buo kong katawan at may mga bumaong salamin sa hita, braso at binti ko na nagmula sa nagkanda basag-basag na bintana ng Van. Makalipas ang apat na araw ay nagising ako sa mahabang pagkakatulog. Ngunit simula nang magising ako ay maya't maya akong tinatanong ng mga nurse at doctor kung anong pangalan ko at nasaan ang mga magulang ko.
Ayoko na ngang nasa hospital ako ay ang kukulit pa ng mga nurse at doctor. Ayoko ding sabihin ang pangalan ko dahil baka makarating pa sa ama ng daddy ko kung nasaan ako. Ayoko nang makita pa siya. Para siyang si kamatayan na hinihila akong pababa sa empyernong tinitirahan niya.
Dahil sa pagiisip na wala akong ibabayad sa nagastos sa akin ng hospital at sa takot na makilala nila ako at matagpuan ako ng ama ng tatay ko ay nagplano ako ng pagtakas. Hating gabi araw ng huwebes. Walang takot kong hinugot ang dextrox na nakasalpak pa sa kamay ko at tinanggal lahat ng mga nakasagabal na benda sa tuhod ko. Kahit umaagos ang dugo mula sa kamay kong pinaglagyan ng dextrox ay nagtuloy pa din ako sa aking pagtakas. Sakto namang natutulog ang gwardiyang nagbabantay ng mga oras na yon kaya nagawa ko ngang tuluyang makatakas.
Suot pa ang hospital gown ay nilakad ko ang madilim at malamig na kalsada. Wala man sapin sa paa ay hindi ko na inintindi at nagtuloy lang ako sa paglakad. Kahit nanghihina ay hindi ako tumigil. Wala akong dalang kahit na ano. Ang bag na dala ko bago ay nasisigurong kong naiwan sa pinangyarihan ng aksidente. Wala akong orasan kaya hindi ko alam kung gaano na ako katagal na naglalakad. Wala ding gasinong dumadaang sasakyan kaya naman ang kalsadang iyon ang pinaka mahaba at pinaka nakakatakot na kalsadang nadaan ko sa buong buhay ko. Pero kahit gaano pa katindi ang will ko na magpatuloy ay katawan ko na ang kusang bumigay.
( Flashback )
"N-Nasaan ako?" Pagmulat ko ay agad na tanong ko. Nanlalabo pa ang mga mata ko at nahihilo pero pinipilit kong aninagin kung nasaan ako.
Kumurap-kurap ako at iginala ang paningin ko. Doon ko na napagtantong wala ako sa hospital kundi nasa isang bahay.
"Gising ka na pala! Kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong ng isang babaeng may malumanay na tinig. Inaninag ko siya at isa itong magandang babae na sa tingin ko ay nasa mid 30's na. "Nay, Tay, gising na siya!" Sigaw niya at agad namang nagdatingan ang nasa mid 60's na babae at lalaki.
BINABASA MO ANG
THE ONE (COMPLETED)
RomanceIsang normal lamang na bata si Georgina kagaya ng iba ay masayahin siya, mabait at mapag mahal na anak. Pero nag bago ang lahat nang iwan silang mag ina ng kanyang ama na wala man lang iniwan ni isang dahilan. At doon na nag simulang maging masalimu...