Chapter 103

155 8 23
                                    

Author's Note:

Warning:  Matured Content/ SPG/ R-18!

Warning:  Matured Content/ SPG/ R-18!




Aaron's POV

"Ah, excuse me po Tito, nakita niyo po bang dumaan si George?" Tanong ko agad kay Tito Nick na kasalukuyan pang nakikipag kwentuhan kay Ma'am Lynda.

"Dumaan siya rito kanina pero walang imik, hindi ko na naitanong kung saan siya pupunta. Marahil nasa kwarto lang niya," tugon nito.

Naupo muna akong sandali sa sofa at s'ya namang dating ng lolo ni George, "oh, bakit nandito ka? Nag kausap na ba kayo ni George?" Tanong niya sa'kin.

Umiling ako, "Baka po natutulog sa kwarto niya, mamaya na lang po pag labas niya pag nananghalian na po tayo." Tugon ko.

Dumating ang oras ng tanghalian at nakahain na ang lahat sa malaking mesang naroon. Si Tito na ang tumawag kay George saka kami nag simulang kumain. Hindi niya ako pinapansin, malamang ay sumama ang loob niya sa bigla kong hindi pag imik sa kanya.

Nagsimula hanggang sa matapos kaming kumain ay hindi niya ako pinapansin, mukhang ginagantihan niya ako sa ginawa ko sa kanya kanina. Pucha! Napaka arte ko naman kasi at bakit ba kasi napaka seloso ko?!

"Nick, inimbitahan kami ng aking kumpare sa kanyang mansion mamaya. Nais ka naming isama ni Lynda at para maipakilala kita." Saad ng lolo ni George kay Tito Nick.

"Sige dad. Malayo ba iyon dito?" Tanong ni Tito.

"Sa kabilang bayan anak," tugon ng lolo ni George. "Apo, gusto mo bang sumama?" Baling nito kay George.

"Ayoko po. Magpapahinga na lang po muna ako sa kwarto." Agad na tugon ni George. "Excuse me lang po," saad nito. Tumayo na sa kanyang kinauupuan at iniwan kami.

"Dito na lang din ako dad, nag aalala ako kay Georgina." Tugon ni Tito Nick. "May problema ba kayo?" Baling naman nitong tanong sakin.

Tumingin sakin ang lolo ni George at ngumiti, "Meron lang silang hindi pagkakaintindihan," sagot ng lolo ni George. "Sumama ka na samin at hayaan nating makapag usap ang dalawang iyan at mag kaintindihan. Wala ka din naman tayong magagawa para pagbutihin ang pakiramdam ni Georgina. Si Aaron lang ang may kakayahang paamuim siya." Dagdag pa nito.

"Ikaw na ang bahala kay Georgina, Aaron." Saad ni Tito Nick. "Mag usap kayo ng maayos," dagdag pa nito. Nag aalala.

"Wag po kayong mag aalala, hindi naman po malaking problema. Nagiging matampuhin lang po talaga siya," tugon ko naman at napangiti naman siya.

"Kahit sa'kin ay ganyan din siya." Natatawang sabi niya. "Nabalik ata sa pagiging bata ang anak ko," dagdag pa nito at nagtawanan naman kami.

Sandali pa kaming nagkwentuhan at nang dumating ang kanilang sasakyan ay saka sila umalis. Ibinilin muna kami ng lolo niya sa mga kasambahay pati na ang pagluluto ng hapunan namin dahil baka hating gabi na sila makauwi.

Nang makaalis ay lakas loob akong kumatok sa kwarto ni George. Binuksan naman niya 'yon pagkakatok ko ng tatlong beses.

"Anong kailangan mo?" Mataray niyang tanong.

THE ONE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon