Chapter 91

167 11 23
                                    


Aaron's POV

Alas tres palang ng madaling araw ay umalis na ako sa bahay para sunduin si George. Ngayon na kasi ang punta namin sa Ilocos. Mahaba-habang drive kaya naman napag usapan naming 4am kami aalis.

Wala pang 20mins ay narating ko na ang condo ni George. Pagkapark ay agad na akong dumiretso sa unit niya.

(Ding... Dong..) pag pindot ko sa door bell ng unit niya. Pagka pindot ko palang ng isa ay bumukas naman agad ang pinto.

"Goodmorning!" Nakangiting bati ko na agad sa kanya. Gulat naman ako dahil naka bihis na siya at mukang ready to go na.

"Goodmorning din! Pasok ka muna." Ganting bati at anyaya niya na nakangiti din.

"4am pa alis natin pero mukang good to go ka na." Sambit ko pagkapasok sa unit niya.

"Maaga akong gumising para makapag prepare ng breakfast. Dalhin na lang natin. Sa byahe na natin kainin." Tugon niya at inilagay ang mga pagkain sa isang malaking box na tupperware lalagyan ng mga pagkain.

"Anong hinanda mo? Nagugutom na nga ako eh." Tanong ko at tumayo sa likod niya habang inilalagay niya ang mga pagkain sa lalagyan.

"Gusto mo bang kumain muna bago umalis?" Tanong niya at bahagya akong nilingon.

"Sa byahe na lang." Tipid na tugon ko. Hindi ko mapigilan ang sarili ko tila nagkukusa. Na para bang namamagnet ako at gusto ko nang dumikit agad sa kanya. Niyakap ko siya mula sa likuran habang pinag papatuloy niya ang kanyang ginagawa.

"Ayos ka lang ba?" Tanong niya. Hindi na siya naiilang kahit gawin ko to. Ibig sabihin, nasasanay na siya. Kaya naman hindi ko naiwasang hindi mapangiti.

"Oo." Malumanay na tugon ko. "Hindi lang naman ako ayos kapag hindi kita kasama. Kung pwede lang hindi na malayo sayo, ginawa ko na." Saad ko pa.

"Tsk! Ayan ka na naman sa mga banat mo." Asik niya.

"Pakasal na tayo George!" Biro ko pero syempre sa puso ko seryoso yon.
Agad naman niya akong siniko kaya napaalis ako sa pagkakayakap ko sa kanya. Pumunta naman ako agad sa harapan niya para makita ang ekspresyon niya.

"Sira ba ulo mo! Hindi pa nga kita sinasagot.. k-kasal na yang n-nasa isip mo!" Nauutal na saad niya habang namumula ang kanyang mukha. Napatakip naman ako ng bibig sa pagpipigil ng tawa. "Tsk! Pinag titripan mo ba ko?!" Inis na bulalas niya at sinamaan ako ng tingin.

"Hahahaha! Sorry na! Hindi naman kita pinag titripan." Bulalas na tugon ko pero hinampas niya lang ako ng takip ng tupperware.

"Sige! Badtripin mo ako, hindi ako sasama sayo sa Ilocos!" Banta niya at nilayuan ako.

Pumunta siya sa kwarto niya at kinuha ang bag na pinag lagyan ng mga gamit niya na dadalhin.

"Sorry na." Sambit ko at muli siyang niyakap mula sa likod. "Biro yon sa ngayon pero dadating ang araw na seseryosohin ko yon." Saad ko. Inalis ko ang pagkakayakap ko sa kanya at pinaharap siya sakin. "George, ikaw na yung babaeng gusto kong makasama habang buhay." Seryosong saad ko habang nakatitig sa mga mata niya. Pinaramdam ko ng husto sa kanya na sincere ako sa sinasabi ko. Eto na naman ako, baka hindi ko na naman mapigilan ang sarili ko at mahalikan ko na naman siya. Para akong naaadik sa kanya! Ganito ba talaga pag sobrang mahal na mahal mo? "Tapos ka na sa mga gingawa mo? Ito na ba lahat ang gamit mo?" Tanong ko at bahagyang lumayo sa kanya. Tumango naman siya na hindi makatingin sakin. Kinuha ko ang bag niya at isinukbit ito sa aking balikat at binitbit na din ang pinaglagyan niya ng pagkain. Saka ko hinawakan ang kamay niya at niyaya na siyang umalis.

THE ONE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon